Chapter 60 - THE END...?

8K 144 24
                                    

Chapter 60

 

 

 

[Marjorie's POV]

Sabay nga kaming bumili ni Jade ng dress na susuotin namin. Simpleng cocktail dress lang naman ang binii namin. Color coding nga kami eh. Ako yellow, si Jade pink, tapos si Megan blue.

Para makasigurado si Jade eh sabay-sabay kaming nag-ayos sa amin. Baka daw kasi bigla akong hindi pumunta. Tsk, walang tiwala -_-

Naikwento ko na din sa kanila ang mga bagay-bagay na nalaman ko at mga nangyari sakin. Simula sa pagiging close ko sa mommy ni John, sa mga nalaman ko, at sa isang bagay na kukumpirmahin ko ngayong gabi.

Kasalukuyan kaming nag-aayos dito sa kwarto ko. Katulong namin si Mama, si Macey, at nagpa home service na din kami dahil tatlo kaming aayusan.

"Girl, ang ganda ako no?" nakangiting sabi ni Jade kay Megan.

"Oo naman! Ako, ang cute ko no?" sabi naman ni Megan. Palibhasa kasi tapos na silang ayusan, ako itong nahuli -__-

"Ate paki dagdagan pa yung eye shadow nya." at nangialam na si Jade.

"Oo nga, pati yung blush on." dagdag pa ni Megan.

"Pati na din yun eye liner. Tsaka yung kilay, hindi pantay." isa pang nangialam na Macey.

"Aish ano ba kayo?? Kayo na lang kaya mag-ayos sakin? =_="

"Sungit ah? Tsk, meron ka?" pang-aasar pa nila habang tumatawa.

Tinalikuran na lang nila ako at inatupag ang sarili nila. Lumabas na lang sila sa kwarto at sinabihan akong sa living room na lang sila mag-iintay.

Maya-maya lang ay natapos na din sa make-up ko, sa buhok at pati sa damit. Bumaba na din ako at ang itsura nila ay mukhang mga nanuno. Lalo na si Raffy, nakanganga pa. Tsk, alam kong maganda ako *u*

Nilapitan ako nila Jade at Megan at tsaka sila chumika.

"Girl, ang gandaaaa!" masiglang sabi ni Jade.

"Oo nga ang ganda... Whoa, wag kang papakita kay bakulaw ha? Baka lalong hindi makamove on yun! Hahaha" biro naman ni Megan. Naikwento nya din kasi sa amin yung about sa pagiging moving-on buddies nila ni Bryan. Tsk tsk, baliw na talaga yun, pati tong si Megan. Nakakakonsensya at ako ang dahilan kung bakit nasasaktan si Megan. Pero sabi nya, ni minsan daw hindi sya nagalit sakin dahil nga kaibigan nya ko, pwera na lang daw kung ibang tao, baka nakalbo nya na.

Bakit Hindi Ako Crush Ng Crush Ko? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon