EPILOGUE
[Marjorie's POV]
"Hindi. Hindi totoo yun."
"Hindi totoo yun..."
"Hindi totoo yun..."
"Hindi totoo yun..."
"Hindi totoo yun..."
"Salamat John, salamat na lang sa lahat."
"Marjorie, sorry..."
"Sorry..."
"Sorry..."
"Sorry... gumising ka na..."
Ano daw? Gumising na ko? Oh, gets ko na, nananaginip na naman ako =___=
Idinilat ko na ang mata ko at dinig na dinig ko na kanina pa may sumisigaw.
“MARJORIE GARCIA!! WALA KA BANG BALAK PUMASOK?!!” sigaw ni Macey at binuksan ng sobrang lakas ang pinto ng kwarto ko.
Himala yata, naiba ngayon. Si Macey ang gumising sakin at hindi si Mama. Pero parang walang pagkakaiba ang linya nila ah? =_=
"Aish, Macey Harlene Garcia! Ano bang problema mo?!" sagot ko at nagtalukbong ng kumot. Tss. Kainis eh ang sarap sarap ng tulog ko. Pero salamat na din Macey, dahil sa pambubulabog mo eh natigil ang bangungot ko.
Oo bangungot yan. Dahil madalas kong mapanaginipan yung pangyayari nung prom, pero sa panaginip ko, nagsosorry si John at parang may gusto syang sabihin. Pero palaging hindi natutuloy.
"Ano ba ate! Hindi mo ba alam kung ano ngayon?!"
"Tsk, ano ba ngayon?!" teka, parang nangyari na to ah...
"June 6 po, ATE!"
![](https://img.wattpad.com/cover/4827555-288-k901190.jpg)
BINABASA MO ANG
Bakit Hindi Ako Crush Ng Crush Ko? [COMPLETED]
Teen FictionMay pag-asa bang magkagusto sayo ang taong matagal mo ng gusto? O isa lang ito sa mga pantasya ng mga kababaihang lubos na nagkagusto sa isang tao? "Bakit hindi ako crush ng crush ko?". Yan ang kaisa-isang tanong na gustong masagot ni Marjorie. Masa...