Chapter 28
[Marjorie's POV]
"Talaga bang crush mo ako???" tanong sa akin ni John habang papalapit sya sa kin dala ang isang pingpong ball.
"Oo nga. Diba matagal ko ng sinabi yun sayo? Mahal na nga kita eh!" sabi ko sa kanya habang pinipigil ang kilig ko. Umaygulay eto na ba ang hinihintay kong moment? :">
"Ma---"
"Hooy gumising na nga kayo dyan late na tayoooooo!!!!" natigil sya sa pagsasalita nung biglang dumating si Jade at nagsisisigaw.
Teka gising? Ginigising nya kami???
Ano panaginip na naman to??! T_____T
"Hoy gising naaaa!!!!" sigaw ni Jade habang inaalog alog kaming dalawa ni Megan kaya napaupo ako galing sa pagkakahiga.
"Aish ano ba mamaya ka na mangbulabog ang ganda ng panaginip ko panira ka naman eh =____=" sabi ko at bumalik ako sa paghiga pero hindi na ko makatulog dahil ang ingay nitong bruha na to.
"Ano ba gusto nyong maiwan tayo???"
"Tsk, yaan mo na yun, mag-outing na lang tayong tatlo." sabi ni Megan habang nakatakip yung unan sa mukha nya.
"Aish naman oh. Uy Marj may tumatawag sayo oh, si John yata." sabi ni Jade kaya bigla akong napabangon at hinanap yung cellphone ko. Shet, ang future boyfriend ko tumatawag? *u*
"Asan na yun phone ko?! Ang fafa John ko tumatawag! Yung phone ko nasan naaaaa!" sabi ko kay Jade habang nagpapanic dahil hindi ko matandaan kung saan ko nailagay yung phone ko.
"HAHAHAHAHAHA! Joke lang girl! Tsk, edi sa wakas bumangon ka na!" sabi nya habang hawak nya na yung tiyan nya sa kakatawa. Aish ang gandang joke huh =____=
"Badtrip ka naman eh. Oo eto na maliligo na ko!" sabi ko at pumunta na ko sa bathroom para maligo. Tsk, excited masyado Jade? Mukhang kanina pa sya tapos maligo dahil tuyo na ang buhok nya at mukhang nagplantsa pa ng buhok.
Hindi na yata yan natulog makapagpaganda lang. Nakuuuuu naiinggit lang ako =____=
After kong magwisik wisik, hehe charot, naligo talaga ako kaso binilisan ko lang kasi nilalamig ako >_< lumabas na ako at yung kaninang nakahigang Megan eh nakahiga pa din ngayon at nakatakip pa din ung unan sa mukha nya. Habang si Jade naman eh may sarili mundo dun sa harap ng salamin habang nagkukulot ng buhok.
![](https://img.wattpad.com/cover/4827555-288-k901190.jpg)
BINABASA MO ANG
Bakit Hindi Ako Crush Ng Crush Ko? [COMPLETED]
Teen FictionMay pag-asa bang magkagusto sayo ang taong matagal mo ng gusto? O isa lang ito sa mga pantasya ng mga kababaihang lubos na nagkagusto sa isang tao? "Bakit hindi ako crush ng crush ko?". Yan ang kaisa-isang tanong na gustong masagot ni Marjorie. Masa...