Chapter 13
[Marjorie's POV]
Yes! Uwian na! Wuhahaha. Simula na ng practice namin ni John my loves <3
Pero teka, hindi pa nga pala alam nila Jade ang tungkol dito. Haay, bakit ba ang ulyanin ko? Dapat pala sinabi ko na sa kanila kanina =_=
Pero, its too late na. I'm gonna make kwento na lang tomorrow. Err, nahawa na ko sa kapatid ko sa kaartehan ng pagsasalita, tch, erase erase >_<
Wala kaming napag-usapan ni John kung when and where ang practice namin. Kaya itong ginagawa kong paghihintay ngayon eh pagbabakasakali lang hehe ^___^v
Tinry kong maghintay sa labas ng room nila at sakto namang hindi pa sila dinidismiss ng teacher nila. Ay grabe? Time na oy, extend pa?
Hindi ko naman sya maitext kasi wala naman akong number nya.
Ay teka... Number?? Kung tuturuan nya ko, dapat may communication kami, kaya ibig sabihin, may pag asang makuha ko number nya at pwedeng maging magkatext kami... Shet...
"Eeeeehhh... Hihihihi.. ~^__^~" mukha na naman akong baliw dahil napapangiti ako dito dahil sa kakapigil ko ng kilig.
"Uhm, excuse me? Ahh, are you okay?" tanong nun teacher nila John na kakalabas lang ng room at naglalabasan na din pala yung mga estudyante nya.
"H-ha? A-ah yes ma'am. Okay lang po ako, hehe."
Hindi na sumagot yung teacher at umalis na. Napagkamalan siguro akong baliw? Tss, ayoko sya maging teacher pag nag 4th year na ko, mukhang nangungurot ng singit eh, haha, charot lang.
Pumunta na agad ako sa may pinto at nakita ko naman si John na inaayos yung gamit nya. Kyaaaah, biglang sumakit yung tyan ko tapos para akong naiihi tapos pinagpapawisan yung palad ko. Haaay, please lang, sana naman hindi na ako mag stammer sa harap nya.
Hindi ko nga din matagalan na tignan sya diretso sa mata eh, haay, crushlife nga naman ^____^
Ang bawat galaw nya, ang sarap pagmasdan. Parang anghel na bumaba sa lupa ang peg nya.
Nagsimula na naman ako sa pagde daydream ko. Ayan na sya, sinuot nya na yung bag nya at lumakad na papunta dito sa may pinto.
Eto na sya ngayon, nasa harap ko na at napasandal naman ako sa pader at hindi ko mapigilang ngumiti. Heee, para akong nalutang *____*
"Hello!" sabi nya. Shocks, iba na yata ang pagde daydream ko ngayon ah, parang totoo yung sounds.
BINABASA MO ANG
Bakit Hindi Ako Crush Ng Crush Ko? [COMPLETED]
Novela JuvenilMay pag-asa bang magkagusto sayo ang taong matagal mo ng gusto? O isa lang ito sa mga pantasya ng mga kababaihang lubos na nagkagusto sa isang tao? "Bakit hindi ako crush ng crush ko?". Yan ang kaisa-isang tanong na gustong masagot ni Marjorie. Masa...