Chapter 43 - DATE

8.9K 142 8
                                    

Chapter 43

 

 

[Megan's POV]

Badtrip naman oh. Date huh? Tss, date date-in ko kaya mukha nung bakulaw na yun? Tss. Ang kapal ng mukha, crush ko sya? Eww lang ewwww =___=

Kahit sino dyan pwede kong maging crush, wag lang yung lawbaku na yun.

"Hoy ninja turtle!!! Ang tagal mo namaaaan!" sigaw ni Bryan bakulaw. Tsk, langyang bakulaw kasi yan. Bakit kasi kailangan pang pumunta dito sa bahay? Marunong naman akong pumunta sa mall mag-isa. Tsk, epal din kasi kung sinuman kay Marj o Jade ang nagsabi kay Bryan kung saan ang bahay ko =__=

"MAGHINTAY, PWEDE?!!" tss, free na free sumigaw ngayon dahil ako lang mag-isa dito sa bahay.

 

"Paki bilis, PWEDE??"

Arrrgggg =_=

Nagmadali na ko nang matapos na tong date, (eww talaga, yuck -.-) friendly date na ito.

 (A/N: Bryan and Megan's picture sa right side)

Bumaba na ako sa living room at ang dinatnan ko eh isang bakulaw na nasobrahan sa pagiging feel at home dahil sa pagkakahiga nya sa sofa habang hawak yung remote at nililipat lipat ang channel. Tss. Sarap lang kutusan =.=

Lumapit ako sa tenga nya tsaka ako nagsisigaw.

"HOY NAGMAMADALI KA DIBA?? PWEDE NA PONG TUMAYO DYAN NANG MAKAALIS NA TAYO!"

 

 

"AYYY! Ano ba ninja turtle?? Duroug durog na eardrums ko--- Eh? Pft- Hahahahahaha!" ay? Baliw ata ito eh? Anong nakakatawa? Natutuwa pa syang sinigawan ko sya?

Tawa sya ng tawa habang hindi pa din bumabangon sa pagkakahiga sa sofa.

"Anong nakakatawa ha bakulaw?!"

 

 

"Eh kasi... Hahahaha! Ano ba naman yang ayos mo?? Bakit may malaki kang ribbon sa ulo mo?"

 

 

"Eh?" napahawak ako sa ulo ko at nakapa ko kung anong tinutukoy nya.

"Pake mo ba ha? Ngayon ka lang nakakita ng headband na may ribbon? Taga saang planeta ka ba?"

"Sus. Hahaha. Matagal na akong nakakakita nyan kaso nga lang... Hindi bagay sayo. Wuhahahaha. Mukha kang regalong pagong."

Bakit Hindi Ako Crush Ng Crush Ko? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon