Chapter 49 - COMEBACK

7.8K 126 27
                                    

Chapter 49

[Marjorie's POV]

Pagkauwing-pagkauwi ko eh nagtext agad ako kay tita pero hindi naman nagreply. Baka busy, tambak ba naman yung papeles na hawak nya eh.

"Haaay..."

Napabuntong-hinginga na lang ako dahil hindi ko na mawari ang nararamdaman ko. Dapat ba kong maging masaya? Dahil biglang nagbago si John at pinapansin nya na ulit ako, tapos nameet ko ang Mommy nya. O dapat akong magpigil dahil alam kong wala namang patutunguhan ang nararamdaman kong ito?

"Tss..."

Siguro ngayon, kailangang sanayin ko na ang sarili kong maging kaibigan na lang si John?

Oo tama! Friends na lang dapat! ^__^

Aish, ang daling isipin at sabihin nyan, pero pag kaharap ko na sya, wala na. Tila nababaliw ako at mabingi sa lakas ng tibok ng puso ko eh =____=

Mula sa pagkakahiga sa kama ko eh napabangon ako dahil may pumasok na kung ano na namang bagay sa utak ko.

Its a problem that almost ruined our family.

"Hmmm, ano kaya yung problema ng family nila?"

Kung titignan mo naman kasi si John, wala kang makikitang problema. Ikaw pa mismo mamomroblema dahil imposibleng hindi ka humanga sa itsura nya. Lalo pa kapag nakilala mo sya eh mas lalo mo syang magugustuhan.

At si Tita naman, hindi mo din aakalaing may problema sya dahil lagi syang nakangiti.

Aish, ano bang posibleng problemahin nila??

Ay teka, nung nandun ako sa kanila kanina... parang hindi kumpleto ang bahay nila. Parang may kulang.

Nasan kaya ang tatay ni John?

* * *

Natapos na naman ang isang araw ng klase namin at dumiretso kami sa mall para mamili dahil naannounce na samin na the day after tomorrow eh Christmas party na ng TTC. Haaay, ang bilis ng panahon.

"Girls, sino nabunot nyo?" tanong ni Megan samin ni Jade.

Kanina kasing break namin eh sinabihan kami ni Bryan na pumunta sa TTC para daw sa exchange gifts. Malas ko nga dahil di ko nakita si John. Section lang namin kanina ang nandun.

"Secret ko na yun!" sagot ko sa kanya at nagpoker face lang.

"Tsk. Ikaw, Jade?" tanong nya kay Jade na tahimik na naman. Buong araw syang tahimik. Pero teka nga, hindi pa namin alam kung anong nangyari sa kanila kahapon sa disciplinary office.

"Huy, nanuno ka ba? Bakit di ka nagsasalita?" ewan ko na talaga sa babaeng to. Haaay Megan, iba ka talaga =___=

Siniko ko na lang sya dahil baka masapok sya nung isa ng wala sa oras.

Bakit Hindi Ako Crush Ng Crush Ko? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon