Chapter 54 - CONFIRMED

6.8K 129 38
                                    

Chapter 54

[Marjorie's POV]

"Macey!" tawag ko sa kanya pagsilip ko sa kwarto nya.

"Ano na yung sinabi mo kanina? Pag-usapan na natin yan."

"Ate, wala na ko sa mood. Ang tagal mong umuwi =___="

"Tsk, dali na... Kailangan ko ng malaman yan."

"Tss, fine." tumayo sya mula sa pagkakahiga at binuksan ang laptop nya. Umupo na lang ako sa tabi nya.

"Okay ate. Gaya ng sabi ko kanina, si Lorraine at Tristan, posibleng meron silang affair habang si Lorraine at kuya John pa. Kung hindi man affair, some kind of romantic? love? or more than friendship connection. Pano ko nalaman? Eto, tignan mo.binigay nya sakin ang laptop nya at nakita ko nga kung anong tinutukoy nya.

Sa wall ni Tristan, puro si Lorraine ang may post. Karamihan walang comment si Tristan, pero yung iba meron naman. Tinignan ko kung sino ang friend ni Tristan at kakaunti lang iyon. Si Lorraine lang ang kilala ko. Si John, hindi nya friend. At mukhang hindi din ganun kaactive ang account na ito.

Nagscroll pa ako at nakita ko dun ang isang picture ni Tristan na may nakahalik na babae sa pisngi nya pero blurred and mukha. Tsk, halata namang si Lorraine kahit na nilabuan yung mukha eh =_=

Grabe... Ano itooo?

"Teka Macey, sigurado ka bang account nya yan? Baka naman hindi talaga si Tristan yan?? Tignan mo, kakaunti ang friends. Walang gaanong post or status, konti lang ang nakalagay sa information, at isa lang ang profile pic?"

"Ate shunga ka?? Nakaprivate profile yan. Hindi ko naman sya friend =__=" sabi ko nga eh. Tss.

"Natural lang na limited ang makita natin dahil yun nga, hindi ko sya friend. Pero yung iilan lang ang friends? Nagtaka din ako kaya naghanap pa ako ng ibang account. Eto, tignan mo." tinignan ko at ibang account naman iyon pero si Tristan pa din.

"Dalawa lang ang account nya na nakita ko, the rest, fan page na. Tsk, gwapo kasi kaya madaming fans, parang si kuya John lang, diba ate??" di ko na lang sya pinansin sa pang-aasar nya at nagpatuloy lang ako sa pagtingin.

"Bakit dito walang post ni isa si Lorraine??" tanong ko.

"Yan. Yan ang magandang tanong ate. Pero isipin mo, para saan yung isang account kanina?"

"Tsk, sabihin mo na lang, tinatanong mo pa ko, eh ikaw nga ang may alam diba =_=" pathrill pa kasi. Eh gustong-gusto ko ng malaman ang mga nalaman nya.

Bakit Hindi Ako Crush Ng Crush Ko? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon