mission 52

70 4 0
                                    

Third person POV:

Iba't ibang daan ang tinahak nila alyssia upang sa ganoon ay Hindi sila madaling mahuli. lingid sa kanilang kaalaman na ang islang iyon ay napapaligiran na ng mga kasamahan ni alexa.

"Hahaha hide!! Run as fast as you can!!!! Hahaha" umalingawngaw ang malademonyong tawa ni alexa. Dinig na dinig Ito sa gubat na iyon.

Samantalang pinipilit ni clarrise na huwag lumikha ng anumang ingay habang naglalakad Ito ng dahan dahan. Ang iba naman ay ganoon din ang ginawa bawat hakbang ng mga Ito ay maingat.

Clarisse POV:

Takte! Para na Akong baliw dito sa ginagawa ko. Tss!! Anong bang trip nila Alexa? Tagutaguan? Buti Sana kung ang mahuli ay taya pero iba to! Iba to mga dre dahil ang mahuli dito ay Patay! As in die. Yong mamatay talaga sa tama ng baril. Tangina!! Bakit kasi ganito ang mga trip nila? For god sake!! Haller! it's a matter of life and death! Tsk! Ingat na ingat ang bawat hakbang na ginagawa ko. Mahirap na eh baka mamaya niyan ako pa unang mahuli Edi ako ang unang chugi! Nag jojourney ang aking magandang utak nang bigla nalang may pumutol dito.

"Buaaaaa!"

"Ayy!! Gago!! Bat ka nanggugulat?"- binatukan ang lalaking kaharap ko ng bigla nalang itong sumulpot sa harapan ko. Inis ko itong tiningnan pero lintik! Ang gago may kasamang alalay. Ilinibot ko ang aking magagandang Mata at doon ko lang napagtantong napapalibotan na pala ang magandang ako ng mga Pangit na nilalang. Muli Kong tiningnan ang kaharap ko na ngayon ay nakangisi na. Alanganin akong ngumiti.

"hehehe"- tininaas ko ang kamay ko at dahan dahang ibinaba ang hawak kong baril. Nakasunod naman sa akin ang kanilang mga Pangit na mata. Nang malapit ng sa lupa ang aking baril ay agad Kong binunot ang matulis na kahoy na gawa ni alyssia saka ko Ito itinapon sa may likuran ko. Agad ko ding kinalabit ang hawak Kong baril kaya natamaan sa paa ang lalaking kaharap ko. Naalarma naman ang mga kasamahan nila at agad Akong tinutukan ng baril pero bago pa man nila Ito makalabit ay agad Kong sinipa ang lalaking kaharap ko saka tumalon at nagpaikot sa ere. Pinagsisipa ko ang mga Pangit nilang mukha kaya ang labas lahat sila ay Walang Malay na nakahandusay. Nakita Kong muling bumangon Yong lalaking kaharap ko. Lumuhod ako upang magkapantay kami. Tinakpan ako ang mata ko gamit ang dalawang kamay ko sabay sabing.

"Bulaga!!!" Pagkabigkas ko ay siya ring pagpapakawala ko ng isang suntok na agad na nagpatulog sa kaniya.

"Tss!! Poor monkey!!" Iiling iling Akong tumayo at muling itinuloy ang paglalakad. Pero nakakailang hakbang pa ako ng bigla nalang may limang gorilyang humarang sakin.

"Anak ng towka!!! Nanggugulat kayo eh!"- wika ko sika nagpakawala ng flying kick.

Third person POV:

Napahinto si alyssia sa paglalakad ng makita niya si Alexa na nasa kaniyang harapan. Ngumisi ito samantalang nanatiling blangko ang expresyon si alyssia.

"Oh my god! I thought it'll hard for me to find you, but look! Mukhang umaayon sakin ang tadhana. Bwahahaha"- mahabang sabi ni alexa na hindi tinugon ni al. Tinitigan lang siya na para bang wala itong narinig.

"are we gonna stand here? why don't you attack me?"- alexa said while looking at her. Pasimpleng pinakiramdaman ni al. ang bawat kilos ni alexa habang si alexa ay hilim na napangisi ng mapansin niyang wala itong hawak na baril.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 24, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Revenge is my missionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon