mission 21

62 1 0
                                    

Alyssia POV:

Gagong lalaki yon, talagang binigyan pa ako ng remembrance sa balikat. Naglakad ako Matapos Kong pagbaril barilin ang mga lalaking nakahandusay sa kalsada buti nalang at wala masyadong taong nadaan dito.

"Hoy!!"- napalingon ako, Aba nga naman nakalimutan Kong nandito pala tong lampang Si mark. Linapitan ko siya saka kinalas ang pagkakatali sa Paa at mga kamay niya. Inalalayan ko siya patayo at saka muli kaming pumasok sa condo. Halata ang gulat sa mukha ng mga empleyadong nadadaanan namin. Ikaw kaya ang makakita ng isang taga pamahala sa isa sa pinaka sikat na kompanya sa bansa na may kasamang mukhang Ewan, tingin mo di ka magugulat?

"Good evening sir"-

"Good evening"

"Good evening sir" bati ng mga guardya at empleyadong nadaanan namin. Nginitian lamang sila ni mark.

Fast forward...

"Ayan feeling magaling eh"- inis ko siyang liningon habang linilinisan ang balikat kong nadaplisan ng bala.

"Hahaha" iwan ko kung pano ko to naging kaibigan eh. Maya maya maninirmon tapos pagtiningnan ko naman tatawa. Yong totoo galing ba tong mental?

"Daplis lang yan"- bored na sabi ko. Napapangiwi ako kasi kahit papaano ay mahapdi pa din. Ikaw kaya ang madaplisan tingin mo masarap? Tiningnan niya ako ng masama, isang matamis na ngiti lang ang ibinigay ko sa kaniya na alam Kong ikakainis niya.

"Arggh!! Kailan mo ba iingatan ang sarili mo?"- sabi nito habang patuloy pa din sa paglinis sa aking sugat. Di ko siya sinagot dahil hanggang ngayon ay napapaisip pa din ako, paanong nalaman nilang magkakilala kami ni mark? Hindi kaya??

"I think someone followed you"- sabi ko bago tumingin sa kaniya. Napahinto siya sa ginagawa niya.

"Maybe"- sagot ko at muling itinuloy ang ginagawa niya.

"Ouch!!"- inis na tiningnan niya ako dahil binatukan ko siya. Pero Maya Maya lang din ay ipinagpatuloy na nito ang paglilinis.

Kung may sumusunod sa kaniya, ibig sabihin kailangan namin mas maingat ni mark. Dahil Hindi imposibleng manghinala sila na ako ang hinahanap nila.

"Mark, kailangan natin limitin ang pagkikita natin at dapat mas maging maingat din tayo"- tiningnan ko Si mark.

"Yeah"- sagot nito. Nang matapos siya ay umalis na din siya Para umuwi at ako naman ay nakahiga lang sa kwarto ko habang nag-iisip pa din.

Katrina POV:

"Ma'am"- I looked at the man standing in front of me while holding an envelope. Kinuha ko Ito at saka sininyasan siyang umalis na. Binuksan ko ang envelope at kinuha ang laman nito. Puno Ito ng litrato ni alyssia at mark. So magkakilala talaga sila? Napako ang tingin ko sa isang litrato kung saan akay akay ni alyssia Si mark basi sa nakikita Kong litrato Parang galing sila sa pakikipaglaban dahil puno ng pasa ang mukha ni mark.

Revenge is my missionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon