Alyssia POV:
ilang araw na ang nakalipas simula ng iwanan ko Si kevin Don sa secret house niya. Ilang araw ko na din siyang di nakikita at Parang ilang araw na din siyang di umuuwi dito sa condo niya. Pero Bakit ko ba siya iniisip? Ano bang pakialam ko sa kaniya? Diba dapat maging masaya ako Dahil sa wakas natapos na din ang pagiging slave ko sa kaniya? But why do I feel this way? I feel incomplete, masyado ba akong nasanay sa presence niya? Siguro Dahil naninibago lang ako.
"Dalawa sila"- napatingin ako sa kaharap Kong Si mark.
"Huh?"
"Are you listening?"- nakakunoot noong tanong niya.
"Yes, proceed"- sabi ko habang nakatingin pa din sa kaniya Para maconvince siya na nakikinig ako.
"So like what I said, they are two"- sabi nito habang nagsasalita at saka ibinigay sakin ang isang envelope.
"Who are they?"- tanong ko sa kaniya habang nakatingin sa envelope na hawak ko.
"Mr.Pierre and Mr. Fajardo"- nanlalaki ang matang napatingin ako sa kaniya.
"You mean--
"Yes, daddy sila ng mga kaibigan mo"- putol nito sa sasabihin ko.
"Silang dalawa lang ba?"- tanong ko bago buksan ang envelope.
"No, I think they are three at di ko pa alam kung sino ang ikatlo"- sagot nito.
"Then find the other one"- inis Kong sabi, nagkibit balikat naman siya saka nagsimula ng maglakad palabas. Habang ako ay Hindi makapaniwala sa nakikita ko. Sigurado Akong kabilang sila sa mga taong pumatay sa mga magulang ko at Kay kuya, natakpan ko ang bibig ko Para pigilang mapahagugol. Paano nila nagawa ang mga bagay na yon? Fajardo? Pierre? Takte naman!!! Bakit sa dinami dami ng tao sa mundo sila pa? Bakit sila pa? Galit Kong pinagpupunit ang mga litrato at saka itinapon sa basurahan. I want justice!!! Kaya kailangan Kong lakasan ang loob ko Para magawa ko ang matagal ko ng gustong gawin, pero Hindi pa ngayon, Hindi pa ngayon dahil alam Kong may tamang oras Para jan. Kailangan kong paghandaan ang bagay na yan. Lumabas ako sa condo ko Para mag unwind.
Habang naglalakad ako ay may naramdaman Ako. Parang may mga matang nakatingin saakin, Parang may mga taong sumusunod saakin at ngayon ko lang din napansin na wala masyadong taong naglalakad dito sa dinadaanan ko o mas mabuting sabihin na wala talagang tao dito maliban saakin at sa mga taong nagtatago.
"Show yourself"- sabi ko habang nakatingin sa isang madilim na bahagi dahil sigurado Akong doon ang Isa sa kanila, at Maya Maya lang ay naramdaman Kong nakapalibot na sila saakin.
"What do you want?"- tanong ko ng biglaang sumulpot sa dilim ang isang nakangising lalaki na nakasoot ng itim na damit, tantiya ko ay fifty plus na Ito.
"Gusto ka lang namin tanungin"- nilingon ko ang isang lalaki sa kaliwa ko. Pasimple ko silang binilang at doon ko lang nalaman na labing tatlo pala sila, akalain mo nga naman Bakit di pa nila ginawang 15?
BINABASA MO ANG
Revenge is my mission
Aksiang istoryang ito ay gawa lamang ng aking malikot at di matahitahimik na emahinasyon. maraming wrong typos and wrong grammars dahil ako'y isang tao lamang at nagkakamali ^_^ ang mga pangyayari, characters, at iba pa ay walang katotohanan gaya nga ng...