Chapter 13- Training With Them

10.6K 332 41
                                    

"Vendaral Magical Academy: Blazing Fire"

=Chapter 13- Training With Them=

Sinasamahan ako ni Sheyanne papunta sa big abandoned room. Sa mga hindi nakaka-alam nun, yun yung pinuntahan namin ni Van at dun din nya ako tinuruan kahapon.

Ang sabi nya, big abandoned room daw ang tawag dun. Hindi na daw kase nagagamit. Dati daw yun na training room pero napabayaan din sa hindi malamang dahilan.

"Bakit ka ba nagpapasama dun? Eh nakakatakot kaya dun, sobrang dilim pa. Teka, wag mo akong sabihan na pakelamera huh? Nagtatanong lang." Sabi nya. Sasabihin ko ba sa kanya yung battles ko at training namin ni Van? Eh hindi ko pa naman sya masyadong kakilala, at hindi ako nagtitiwala agad. Atsaka, bakit ba big deal sa kanya ang pagiging pakelamera, kagabi pa sya ah. -.-

"Ah, wala lang. Nadaanan ko lang kahapon kaya naisipan kong tignan ulit." Palusot ko. Tumango tango sya pero alam kong hindi sya naniwala.

"Andito na tayo." Wika nya, at oo nga. Nandito na kami. Sumilip ako sa loob at walang katao-tao. Ewan ko kung bakit ba ako pumunta dito, wala namang sinabi si Van na magtratraining kami araw-araw. Hindi nya ako obligasyon, at isa pa, ayokong mag-assume.

"Dana, alis na ako ah. May pasok pa kasi ako sa English Class. Ingat ka." Paalam nya at umalis na. Absent ang teacher namin ngayon kaya walang class sa subject nya, that's why naisipan ko muna dito.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto at hinanap ang switch ng ilaw. Kinapa kapa ko ang pader, ang dilim kase eh. Para na tuloy akong nakapikit.

Patuloy lang ako sa pagkapa hanggang sa napatigil ako. Parang may matigas na bagay akong nahawakan eh. Teka.. Kinapa ko pa ng kinapa hanggang sa marealize ko na balikat ito. OMG! Ibig sabihin may kasama ako dito?

Gumawa ako ng fire no-particular-name at pinag-stay sa kamay ko. Naglikha ito ng konting liwanag pero sapat na para makita ko kung sino ang natutulog habang nakasandal sa pader.

Van..

****

*Shissshhhh*

Teka, bakit parang may kumikiliti sa ilong ko? Ano ba yon? Parang kung anong bagay na nasa ilong ko ngayon eh. Hindi naman mahangin dahil sa pagkaka-alam ko, nandito ako sa big abandoned room at hinintay ko si Van magising pero unfortunately, nakatulog ako..... Wait! Si Van! Si Van!

Napamulat ako ng mata at umupo kaagad. Nakita ko si Van sa harapan ko na may hawak na feathers habang nagpipigil ng tawa. So sya yung kumikiliti sa ilong ko? How dare he?! Bakit di nalang nya ako ginising sa maayos na paraan? Buiset yan ah. >___<

Pinalo ko yung braso nya hanggang sa tuluyan na nga syang tumawa. Aisshh, ano bang nakakatawa dun? Masama ang tingin ko sa kanya habang tumatawa sya. Nakaka-asar na ah.

Tumayo ako at aalis na sana pero mabilisan nyang nahawakan ang braso ko. Tumingin ako at seryoso na naman ang mukha nya. "Come with me." At hinila na nya ako palabas ng abandoned room. Normally, hindi ako papayag kung ganito lang ako hihila hilain ng isang tao lalo na't kakakilala ko palang, pero ewan ko at nagpatangay ako sa hila nya. Alam kong maraming estudyante ang nakatingin sa amin pero parang wala na KAMING pakelam. Basta, ayokong mag-assume na baka ako lang ang nakakaramdam nito. Basta masaya ako, parang nawala yung asar ko nung hinila nya ako dadalhin sa God-Knows-Where, period.

Ang bilis nyang tumakbo kaya parang bang isang blur na slow motion ang paligid. At feeling ko, nasa isang rides ako sa carnival na kung saan napakahangin. Tinatangay nito ang buhok ko at gusto ko itong ramdamin kaya napapikit nalang ako.

*Swoooossshhh*

"Open your eyes." Utos ni Van, automatic na napasunod ako kaya ginawa ko naman. At ngayon? Ano ang nakikita ko? Just WOW! Wala akong masabi sa scene na ito, napaka perfect. Parang kaya ko nang mabuhay dito, tapos napaka sariwa ng hangin. Ang daming puno na matataas at meron pang super green na damo. Kung idedescribe ko lang, surely hindi nyo mafefeel ang kagandahan. Simple man pero breath taking kaya feeling ko mamamatay na ako -__-

"Anong gagawin natin dito? Magmumuni muni na tayong dalawa lang?" Leche, walang kwenta yung tanong ko. As in wala, bakit ko yung tinanong? I sounded like a completely solid die hard fan of him. Myghad, lupa, please? Kung sa ibang fictional character dito sa wattpad, lagi nilang hinihiling na lamunin mo na sila. Pero hindi sila nag-eexist! Makatotohanan ang istorya ko kaya ako nalang ang lamunin mo! Please! (Makatotohanan?)

Napatingin sya sa akin at ngumisi. "So I didn't expect that you want me. I imagine na nag dday dreaming ka about me and you, dito habang nag-iisip isip." Asar nya sa akin which made my face really red. Yumuko ako, hindi ko mahanap ang tamang salita.

"But, sorry, I'm going to break your dreams. Hindi tayo nandito para sa friendship, nandito tayo para sa training, MP." Tss, ayan na naman yung MP nya. Sino ba kase yun? Ang gulo nya ah. Pero sige, sasakyan ko nalang yung trip nya, MP nalang rin tawag ko sa kanya, mehehehehe.

"Tinuturuan mo ako nang hindi ko hinihingi, hindi ba't ikaw ang may gusto sa akin nyan, MP?" I don't know the meaning of it pero I just want to ride his joke until sya na ang sumuko.

Natigilan sya pero naka recover din agad. "Let's start our training, baka abutin tayo ng gabi." Cold nyang sabi at nagready na. Tss. Kanina sya yung nang-aasar tapos ngayon sya naman yung cold? Wow, BIPOLAR KING title goes to Van Montenegro. -.-

Tinuruan nya ako paano gumawa ng trio fire balls in one hand. Hindi lang ito basta basta tatlo na pinaghalo halong fire balls. Para syang nag jujug sa isang kamay mo na kapag tumama sa kalaban mo, whole body ang effect.

Then, sinabi rin nya sa akin kung paano gumawa ng fire blades. Medyo mahirap ito lalo na hindi lang shape ang gagayahin mo, dapat mapanatilihin mong matalim ito kapag ginamit mo ito. Nasugatan pa nga ako eh, he didn't care so I was disappointed, akala ko kase friends na kami. Hinayaan nya lang ako so hinayaan ko rin ang mga sugat ko, cold at masungit sya sa buong training pero sinusungitan ko rin naman. Ang dami nyang tinuro at halatang pinapagod nya ako. Tss, walang awa.

Third, trio blades naman. Mas matalim ito kumapara sa single blades lang. Kakaiba 'to dahil kapag tumama na ito sa kalaban, pwede mong gawin ang blades shape na gusto mo kaya surely na mahahati ang part na pinatamaan mo. Pero kanina, hindi ko nacontrol ang trio blades kaya bumalik sya sa akin, nag freak-out ako pero agad sinangga ni Van sa ere yung trio blades, akala ko nga matutuluyan na ako pero nandyan sya. Thanks to him.

Wala syang gasgas ni isa nung umuwi na kami, hinatid lang nya ako sa dorm ko at walang goodbye at pasabi na umalis. So eto ako ngayon, ginagamot ni Hanianne yung sugat ko. Sinabi ko lang na nag experiment ako with my powers kaya nakuha ko yan. Binigyan nya ako ng gamot na bagong gawa nya. I trust her Science Skills kaya tinanggap ko naman.

Natapos ang araw ko with that. I don't think it's worthy pero mababaw man, pinag-iisipan ko pa rin ang MP na yun. What is that?

"Hanianne..." Tawag na pabulong ko kay Hanianne sa taas ng kama ko, gising pa pala sya. Tumingin sya sa akin. "Bakit?" Tanong nya.

"Alam mo ba yung MP?" Tanong ko. Medyo napa-isip sya. So, I'm expecting na alam nya yun. "Hmm, parang? Saan mo ba narinig?" Teka, sasabihin ko ba? Sasabihin ko na yung kay Van?

"Wala, narinig ko lang na pinag-uusapan ng mga estudyante yun and I heard Van Montenegro." Isang dakilang palusot, sana naman maniwala sya.

"Bakit naman pag-uusapan ng mga students yun?" Tanong nya, parang kinakausap lang nya yung sarili nya. "Hmm, wag mo nang alalahanin yun, it's all in the past. Goodnight." Maagap nyang sabi at nagtalukbong ng kumot.

Mas lalo akong naguguluhan, anong ibig sabihin nya na "It's all in the past"? Aisshh.

----

A/N: Sorry kung lame pero may moment na sila Van and Dana :) Anyway, sinong makakahula sa kung anong ibig sabihin ng sinabi ni Hanianne na, "It's all in the past"? Ang makahula, dedicate ko sa kanya yung next chaptie :) Thanks

Vendaral Magical Academy: Blazing FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon