"Vendaral Magical Academy: Blazing Fire"
=Chapter 18- Necklace=
Nagising ako dahil sa ingay ng paligid. Sa komosyon at sa pag iiba ng atmosperya ng lugar na kinahihigaan ko. Minulat ko ang mata ko at nilibot ang tingin. Nandirito ako sa isang malawak na lupain. Maraming puno sa paligid pero nakahiga ako sa lilim. Tumayo ako kaagad dahil sa dumi ng hinihigaan ko. Pinagpag ko ang damit ko at lumakad lakad.
Nakita ko yung 5 at isa pang babae. Si Ailee at Kaizer na nag sisigawan. More like nag-aasaran. Si Nicole na nakiki-epal (as usual) sa dalawa. Si Van na pinagmamasdan ang paligid. At si Marky na tumatawa lang. Yung isa namang babae eh napatingin sa akin.
"Oh! Gising ka na pala! Buti naman." Sabi nya. Parang natigil ang mundo nila at tumingin sa akin, even Van. Ilang sandali lang ay nag tuloy ulit sila sa naudlot na katuwaan pero this time, lumapit na sa akin yung babae at si Van. Si Marky naman eh ngumiti lang kaya ngumiti rin ako.
"I'm Reirie, ako ang mag hahandle nung battles nyo ni Nicole. So, your Danaiah, right?" Wika nya at naglahad ng kamay, umiling lang ako kaya tinanggal na nya ang kamay nya. Kakakilala ko palang dito kay Reirie, shake hands na nga? Tsaka isa pa, dinala nya kami dito sa field para sa battles. Meaning, she can do everything na mas malala pa dun, I don't think katiwa tiwala sya.
Humarap si Van sa akin at sinenyasan si Reirie na umalis muna. Ngumiti sya at umalis na rin.
"So? Bakit?" Tanong ko. Nakaka curious kaya, sa pagkaka-alam ko wala naman dahilan para mag training pa kami.
"The battle will start..." Panimula nya. Tinaasan ko sya ng kilay at binigyan sya ng 'so what look'. Yumuko sya at pumunta sa isang puno para umupo. Lumapit ako pero hindi ako tumabi sa kanya, nanatili akong nakatayo. Pagod na akong umupo, kakagising ko nga lang eh.
"And I want to give you this..." Saad nya at may kinuha sa bulsa nya. It's a shining silver necklace na may 'DVP' na initial. Teka, what is that mean?
Tumayo sya sa likod ko at naramdaman ko ang malamig na bagay sa leeg ko. Napatingin ako dun sa center, 'DVP'. Of course may meaning yan, hindi kami ganun ka close para bigyan nya ako nito. At gawin pa sakin 'to.
"I know you asking what is that mean.." Sabi nya at umalis sa likod ko. Bumalik sya sa pagkaka-upo. Hinawakan ko yung initials, it felt so strange and foreign. Parang may kakaibang dark aura. What's that mean?
"And I gave you that cause I know, you'll going to appreciate it.." Dagdag nya pa. Lumingon ako sa kanya habang naka kunot ang noo.
"Paano ko ma a-appreciate yan kung hindi ko alam ang meaning?" Mataray kong tanong. Ngumiti sya. "You'll know it soon.." Misteryoso nyang sabi. Van, please stop making me confused for Pete's sake!
Biglang sumulpot si Reirie sa tabi ko at tinap ang shoulders ko. "Tara na, magsisimula na ang battles." Wika nya habang hinihintay akong sumunod sa kanya. May sasabihin pa ba si Van?
"Rei, give us some time. I assure you, it will be fast." Ngiti nya kay Reirie. Close sila? Oo nga, close sila, Rei nga yung tawag ni Van eh. Halatang matagal ng magkakilala. Tsk! Ano bang problema mo Dana kung close sila? Buiset -.-
"I'll wait here. Do your business, this battle can't be delayed." Paalala ni Reirie. Agad akong hinila ni Van sa medyo malayo at nilapit nya ang mukha nya sa may bandang tenga ko. I can feel his breath on my neck. Geez, may kakaiba talaga eh.
He holds my necklace, doon sa 'DVP' part. "If something bad happened, just think of me, and everything we'll be okay.." Bulong nya at sa isang iglap lang, nawala na sya.
DVP..
D- ano ang D? Could it be Danaiah? Kase diba sa akin nya binigay so may connect sa akin? Well, let's say it is.
V- ano ang V? Van? Van ba? Sya ang nag bigay so Van nga ba?
P- P? Ano ka naman? Hindi ko alam, wala namang connect eh.
Danaiah, Van P............
Van, ano ba talaga? Bakit ba ang gulo mo? And I'm starting to be insane because of you..
-----
A/N: Sorry for the late ud! Nadelete kase yung 1500+ words na na nasa drafts ko kaya inulit ko nalang. Mas ayos naman 'to kesa sa dati. Bukas nalang yung battles nila :)
Anyway, ano sa tingin nyo yung DVP? Tama ba si Dana? What do you think? Thanks for supporting my story!
BINABASA MO ANG
Vendaral Magical Academy: Blazing Fire
General Fiction"Life is about taking risks... but what if you're starting to cross your limits?" Highest Ranking #7 in Fantasy {UNDER EDITING} (Copyright) StellRynaSirchNirt