"Vendaral Magical Academy: Blazing Fire"
=Chapter 28- With Him=
"W-what happened?" Nalilitong tanong ko kay Van ng biglang mag-iba ang lugar at mawala sila Ma'am Indie. Para kaming nasa isang lumang mansion, para na ring kastilyo na matagal ng hindi napapasukan ng tao. Maagiw at magulo ang mga gamit, may mga bakas ng dugo kung saan saan, may ibang kagamitan ang natatakpan pa ng puting tela--- or pulang tela dahil puno ng bloodstains. Madilim dito at konti lang ang maaninag mo kaya medyo na c-creepyhan ako. Hindi ko rin alam bakit bigla nalang humahangin ng malakas samantalang wala namang bintanang nakabukas o ano. Tapos may mga ingay na hindi maipaliwanag. Is this the Castle Of Agony? This place is creepy, too much for it's name. Geez.
Hindi sumagot si Van, lumapit ako sa tabi nya dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Malay ko ba kung may monsters na biglang kumuha sa akin.
Hindi ko inakala na meron pala akong kasama dito, at si Van pa. Nagulat lang naman ako, kase base on Sue's experience, mag-isa lang sya. Did they change the rules kaya magkasama kami ni Van ngayon? Or nagkataon lang na sabay kaming may ginawang ka-stupidohan? Basta't kahit ano pa man, I should be thankful na may karamay akong makakaranas ng Agony. At may katulong pa akong pumatay sa mga kakaibang nilalang na nagkalat dito.
"Stay at my side no matter what. Got it?" Narinig kong paalala ni Van. Tumingin ako sa kanya, hindi ko makita ang reaction nya dahil madilim. Pero alam kong tumitingin sya sa paligid, gumagalaw kasi yung ulo nya eh. Tumango nalang ako, mukhang nakita nya ang pagtango ko kahit busy sya sa pagsusuri sa buong lugar.
Nagsimula na syang maglakad kaya sumunod na lang ako. Tanging pag-apak namin at kakaibang tunog lang ang maririnig ngayon. "Bakit pakiramdam ko hindi mo kabisado 'tong lugar na 'to? You've been here before.." Pagsisimula ko ng conversation, gusto kong matanggal yung konting takot sa dibdib ko kaya mas maganda kung makikipag kwentuhan muna ako.
"They've changed the place, they made it more...... quiet." Mahinang saad nya habang sinusuri ang lugar. Nakasunod pa din ako sa kanya kahit minsan patigil tigil sya.
Hindi na ako sumagot, it looks like he's busy scanning the whole place. I guess he knows what to do kaya hindi ko na muna aabalahin. At mukhang wala sya sa mood makipag kwentuhan.
"Van! Look!" Pasigaw kong bulong sa kanya sabay turo dun sa nakita ko. Tumingin naman sya sa tinuturo ko, agad kong naramdaman ang paghawak nya sa kamay ko. Mabilis syang tumakbo kaya nakakaladkad na rin ako.
Kahit nalilito, hindi na ako nag-atubiling mag reklamo pa. Alam ko naman ang nakita ko eh. Dark Ghosts ang tawag sa kanila, they will attack you when you're in the dark. Kailangan nasa isang maliwanag na pwesto ka to save yourself. Or else, ewan ko nalang. Paano ko nalaman? Si Sue, sya lang naman ang Information House ko about this place. Sinabi nya yung about dun, I guess Van knows about it kaya tumakbo agad kami.
I'm starting to get panick when I realized na wala pa ni isang bakas ng liwanag ang nakikita ko. Mukhang naramdaman ni Van na nag p-panick na ako kaya hinigpitan nya ang hawak sa kamay ko. Mas binilisan ko ang takbo para makasabay ako sa kanya.
Kahit pa malamig ang simoy ng hangin at nakaka ginaw talaga, hindi ko na naisipan pang tumigil at maghanap ng heat. Pinipigilan ko nalang manginig dahil baka mapansin ni Van at kung anong gawin nya. Sumabay ako sa pagtakbo kahit pagod na rin ako.
Alam ko... Alam kong nakasunod sa amin ang mga Dark Ghosts, we can't kill them in the Dark. It's their territory, kailangan nasa liwanag muna kami bago namin sila patayin. Kaso mukhang malabo, walang liwanag. Hindi rin naman pwede yung light ng fire power namin, it won't work. Kung tatakbo nalang kami hanggang mamaya, nakakapagod din yun.
"I-Im t-tired..." Automatic na lumabas iyon sa bibig ko. Nagulat rin ako, wala naman akong balak ipaalam na super pagod na ako. Pero bakit ba kase bigla bigla nalang lumalabas sa bibig ko iyon?
Nakita kong tumigil si Van, mabilis ko nalang naramdaman na nabuhat na pala nya ako at agad rin syang nakatakbo. Late na nang marealize ko na binuhat nya ako na pang 'Bridal Style'. Ewan ko at bakit pa pumasok sa isip ko kung anong style yung pagbuhat nya. I mean, we're in danger, tapos ganito pa.
"I.... I can walk.." Sabi ko nalang na pabulong, tinignan ko sya pero wala syang reaction at tuloy tuloy pa din sa pagtakbo habang buhat ako. "You don't have to do this for me... You know, pagod lang ako pero hindi ko sinabing kaya kong mag lakad.." Litanya ko, doon naman sya nag kareaction, pero hindi ko makita. Basta hindi na yung aura nyang walang wala.
"I'm not doing this for you.... kung babagal bagal ka lang because you're tired, mahuhuli tayo.... at madadamay ako. I need to do this to save myself, not for you.." Sabi nya. Nagulat naman ako sa sinabi, masyadong hard... at harsh. Kung makapag salita sya parang isa lang akong stranger na ngayon lang nya nakilala. Grabe lang...
"O-okay..." Wala na akong ibang nasabi kundi iyon, tumingin ako ng deretso sa dinadaanan namin.. Oh God, thank you very much. I can see light. Liwanag galing sa malayo....
-------------
A/N: Ito lang ang nakaya ko, sorry.. Rush ko lang sya ginawa ngayon, nagkalagnat kase ako kahapon, so hindi ako nakapasok. Tapos ngayon, bumalik pa. I tried my best to update so sana nagustuhan nyo. Thank you :)
BINABASA MO ANG
Vendaral Magical Academy: Blazing Fire
General Fiction"Life is about taking risks... but what if you're starting to cross your limits?" Highest Ranking #7 in Fantasy {UNDER EDITING} (Copyright) StellRynaSirchNirt