Chapter 42- Truth

4.4K 151 16
                                    

"Vendaral Magical Academy: Blazing Fire"

=Chapter 42- Truth=

Third Person's POV

"She is not Dana.." Unang saad ni Marky habang nakatingin sa walang malay na si Victoria. Napatingin si Van sa kanya at muling ibinalik ang tingin kay Victoria. Tuluyan na silang nagtataka kung bakit ang daming kakaiba sa inaakala nilang si Dana, pero ngayon siguradong sigurado na silang hindi ito ang dalaga. Ang kailangan nalang nilang alamin ngayon ay kung sino ang nag-iisang tao ang nagtataglay ng ganoong ability, ang pag gaya sa isang tao pati ang kapangyarihan nito.

"You've said the obvious." Malamig na sambit ni Van at napatalikod. Napatingin sya sa sirang bintana na may basag na salamin sa tabi, may bakas pa nitong dugo at halatang may nag tangka ng pumasok dito. Napa buntong hininga sya.

"Now, where's Dana?" Nag-aalalang tanong ni Marky kay Van at sa sarili habang pinapanatili ang tingin sa nakasandal sa pader na si Victoria. Hindi nya mapigilang mag-alala para sa dalaga, kung hindi ito ang nasa harapan nya, nasaan sya?

"Do you think I didn't ask that question on my mind the moment I knew the truth?" Sarkastikong sabi ni Van at napalingon kay Marky. Tinignan nya si Victoria at napa buntong hininga muli. Napa kuyom ang kamao nya, gusto nyang saktan ang babaeng nasa harapan nya. Hindi nya malaman kung saan nito dinala si Dana, at hindi nya rin alam ang motibo nito.

Napa-iling iling na lamang si Marky at pinasadahan ang buhok nito gamit ang kamay dahil sa frustration. 'I'm going crazy, where are you, My Princess?' Sa isip ni Van at napa pikit ng mariin.

Light's POV (Danaiah)

I'm the Electric Princess? And I have a Prince? There's a place named Vendaral? Na doon daw ang mundo ng mga katulad ko? Parang napaka lame naman, alam ko hindi naman totoo ang mga Prince at Princess na yan. Gusto ko sanang batukan si Oak sa mga sinasabi nya pero parang hindi ko rin magawa dahil there's a part of me na naniniwala sa sinasabi nya. Syempre naman, nakakapag produce nga ako ng Electricity, and that is impossible, paano pa kaya sinabi nya diba?

"Argh!" Napa sabunot ako sa buhok ko at napahiga sa kama. Nakaka frustrate! Bakit kase kailangang mawalan pa ako ng memorya? Nakakainis!

"Oh ate? Stress na stress lang?" Hindi ko napansin si Oiree na pumasok sa guest room. Napatingin ako sa kanya at napa pikit muli. Oo, stress na stress talaga. Hindi naman sa OA ako, kayo kaya sa position ko? Gusto nyo? Aish!

"Oiree.. Alam mo ba yung lugar na Vendaral?" Random kong tanong, actually hindi naman talaga random, kase may connect naman yun kung bakit ako stress. Napa upo sya sa tabi ko at napa kunot noo.

"Oo naman, diba school yun?" Tanong nya. Ako naman yung napa kunot noo, pinagloloko ba ako ni Oak? Wala naman syang binanggit sa akin huh?

"School?" Tanong ko. Para kaseng mas may alam pa 'tong batang 'to kesa sa kuya nya.

"Oo, Vendaral Magical Academy. Yung school para sa special ones?" Napa usog ako papalapit sa kanya. Oo nga't totoo ang sinasabi ng kuya nya, at oo nga't totoo ring mas marami pa syang alam.

"Vendaral Magical Academy? V.M.A? Special Ones? Pwedeng explain mo?" Tanong ko. Kailangan kong makakuha ng info about it, pinapaalis na ako ni Oak dito eh, it means seryoso talaga.

"Vendaral Magical Academy, school para sa special ones. Yung may mga power? Teleport, telekinesis, speed, flying, controlling plants, etc, yung mga ganun ba? Pero sa bawat isang power, isang tao lamang ang nagmamay-ari noon sa buong mundo, kaya nga special ones lang eh. Pero may 10 tao ang natatangi ang kapangyarihan. Fire Prince and Princess, Water Prince and Princess, Air Prince and Princess, Earth Prince and Princess and lastly, Electric Prince and Princess. Halimbawa na lamang Fire Princess ka, kung sino yung Fire Prince, wala ka ng magagawa dahil yun ang taong nakatadhana sayo. Sila ang mga mas special pa sa special. At ang mundo ng mga yun ay sa V.M.A, at oo school yun para mahasa ang powers nila. But I know there's more deep reason kung bakit may ganoon. At kung ikaw ay isa sa mga yun, surely hindi ka nababagay rito dahil mundo ito ng mga Vampires and Wolves. At delikado ka rin dahil papatayin ka nila, Vampire and Wolves want to rule the world. Pero syempre kahit Vampires kami ni kuya, hindi ka namin papatayin dahil mababait kami. At----"

Napatakip si Oiree sa kanyang bibigna tila ba may nasabi syang dapat hindi nya nasabi.

"I'm sorry.." Sabi nya at tuluyang lumabas ng kwarto.

-------

A/N: So short right? Kung may questions, feel free to ask me. :) Votes and comments are highly appreciated, thanks! 😀

Vendaral Magical Academy: Blazing FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon