Chapter 26- The Castle Of Agony

8K 242 16
                                    

"Vendaral Magical Academy: Blazing Fire"

=Chapter 26- The Castle Of Agony=

Dayne is MP, said Van. She is MP then why the hell Van is calling me MP too? What was that for?

*******

Naglalakad ako palabas ng Dorm kasama si Hanianne at Sheyanne. Rhianne is nowhere to be find right now, maaga palang kase eh lumalabas na sya ng Dorm, baka gusto lang mapag-isa kaya ganun. Hindi ko na rin nakaka-usap yun these past few days, at madalas naman kapag gabi ay tulog na sya agad. Kapag naman kinakamusta ko sya sa dalawang 'to, nag ch-change topic lang si Hanianne habang iniignore lang ni Sheyanne. Hinayaan ko na lang rin kase mismong mga kapatid nya hindi naman nag-aalala sa kanya, so baka ayos lang sya.

"Lalim nyan. Iniwan mo na kami." Napatingin ako sa nagsalitang si Sheyanne. Nakakunot ang noo nya habang naka taas ang kilay ni Hanianne. Tinignan ko sila gamit ang 'nagtataka' look ko.

"What?" I asked in confusion. Shey rolled her eyes habang mukhang disappointed naman itong si Han. Ano bang problema nila?

"Ang sabi ko, ang lalim ng iniisip mo. Iniwan mo na kami, ni hindi ka man nag k-kwento." Paliwanag ni Shey na para bang isa akong batang tinuturuan ng teacher. Napa roll eyes ako sa kanila. Kahit kailan talaga ang corny nya.

"Ang slow mo." Simpleng saad ni Han. Napatingin ako sa kanya, neutral lang ang face nya na parang wala lang ang sinabi nya. Tumawa naman si Shey. Pinagtritripan ako ng magkapatid na 'to ah, pag umpugin ko kaya?

"Porket matalino ka, slow agad ako?" Saad ko kay Han at bumaling kay Shey. "At ikaw, ang corny mo na nga tapos tatawa tawa ka pa." Kunwaring sermon ko. Tumigil sa pagtawa si Shey at nag poker face. Mukha silang mga batang napagalitan ng ina. Napatawa tuloy ako. Nagkatinginan yung dalawa at agad ding nag sitawanan.

Nagkwentuhan lang kami hanggang sa makapunta kami sa hallway. Wala nang masyadong tao dito sa corridor, 3 nalang sa locker's area sa gilid, yung mga naglalagay lang ng mga books nila. Nasa klase na siguro yung mga students, at isa lang ang ibig sabihin nun...

"Late na tayo." Sabay sabay naming sabing tatlo. Nagkatinginan kami at sabay sabay ring tumawa. Pareho pareho lang pala kaming naiisip ngayon. "Oo nga, late na nga tayo kaya wag na tayong magtawanan dito." Sabat ni Shey na nakapag patigil sa akin sa pagtawa.

"Taray mo!" Pabiro kong saad at tumawa ng mahina. "Sige na, pupunta na ako sa class ko. Malamang bagyo na naman ang dadatnan ko pag pasok ko doon." Sabi ko at nag paalam na. Naiwan silang dalawa dun habang naglakad na ako palayo. Tumakbo nalang ako para mabilis. Tumigil ako sa harapan ng pinto ng classroom ko.

Agad kong tinulak pabukas yung pinto at pumasok. Maingay 'tong bumagsak pasara. Himala at tahimik ang classroom, mukhang mali ako ng inakala nang sinabi ko kila Shey na bagyo ang aabutan ko. Naka-upo silang lahat habang nakatingin sa akin. Nasa harapan naman yung teacher na hindi ko alam ang pangalan dahil wala akong pakielam, pero may naalala pa rin ako na Ma'am India ba yun? Ewan ko. At tatlong bagong students, dalawang lalake at isang babae. They have the looks, huh?

Tumingin ng matalim sa akin yung teacher. "Ms. Danaiah Santos, you're late." Mariin na saad nya at pinanliitan ako ng mata. Kailangan talaga full name? Tumingin naman sa akin yung tatlong students na nagpapakilala sa harapan pero naudlot dahil sa dramatic kong pagpasok sa classroom.

"Yeah right, obvious naman eh." Pabalang na sagot ko, may konting nagtawanan dahil sa epic na mukha nung teacher. Yung iba naman nanatiling tahimik dahil takot, tss. Habang nakangisi naman yung babaeng bago sa harapan.

"What the hell Ms. Danaiah? I'm your teacher and you're just my student. Don't talk to me like that." May hint ng authority sa boses nung teacher sa sinabi nya. Napa roll eyes nalang ako. Lahat sila nakatingin sa akin, na para bang may show at hinihintay nalang kung ano ang idedepensa ko.

Vendaral Magical Academy: Blazing FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon