Short A/N: Before you read this, pagpasensyahan nyo na yung ibang writing style ng chapter na 'to. Nasira kase yung touchscreen ng cellphone ko, eh dun lang naman ako gumagawa. Kaya naman natagalan, hirap na hirap akong icompose ang sarili ko sa paggawa ng chapter sa laptop. Iba talaga kase yung spirit ng VMA sa akin pag sa cellphone. So ayun, hope you understand.
PS: Enjoy reading and icomment nyo nalang rin yung pagkakaiba ng chapter na 'to sa lahat. Thanks.
"Vendaral Magical Academy: Blazing Fire"
=Chapter 54- Untitled=
"Are you going to kill her?" Walang emosyong tanong ni Van kila Principal habang hawak ang kutsilyong dapat lilipad papunta sa akin. Nasa harapan ko na sya ngayon at sobrang lapit nya sa akin. Hindi agad ako nakapag react sa nangyare. Basta ang alam ko lang, sinabi ni Principal na mag t-training kami for the Battles between Vendaral and Schyliterin. Tapos nagulat nalang ako nung may knife ng paparating sa akin. Inaamin ko namang hindi naman ganun kabilis ang reflexes ko kaya hindi na ako nakakibo. Pero ang mas nakakagulat, hindi ko inaakalang sa sobrang tamad ni Van eh mabilis naman pala ang reflexes nya at nakuha pa ang knife na dapat papunta sa akin. And I thank him for that. Biruin mo yun? Yung pag punta lang kila Arrah para kunin ang sarili nyang singsing, hindi nya magawa at inutusan pa ang apoy, eh yung mabilis na pag galaw at pagkuha ng knife para sa akin, nagawa nya? May nakain ba sya? Hate nya kaya ako.
"We're just testing her reflexes. Don't over reacting Montenegro." Sagot nung lalake habang matalim na tinignan ako. Medyo napatikhim ako, para kaseng may chills syang binibigay. Napatingin sa akin si Van na sobrang lapit. Lumayo ako ng kaonti. Sobrang tahimik sa kwarto kaya ang paggalaw ko lang kanina ang narinig. Sasagot na sana si Van nang sumabat yung babaeng kasama nila. Nakangisi ito at parang hindi maganda ang sasabihin.
"Hayaan mo na, Crez. Baka girlfriend nya si Danaiah kaya worried sya." Natatawang saad nung babae dun sa lalake sabay tapik sa balikat nun at tinignan kaming dalawa ni Van. What the hell? Napakunot noo ako at magsasalita na sana nang dinagdagan nya yung sinabi nya. Ano ba naman kaseng pinagsasabi nito? Hindi ba pwedeng kaya ganun mag react si Van dahil baka mawalan sya ng Fire Princess? Or.. Syempre tao pa rin naman sya at may damdamin kaya ayaw nyang may mamatay mismo sa harapan nya ng walang nagawa? Oo, baka ganun nga. Hindi yung una. Aish.
"Joke lang." Sabi nung babae at tumawa. Tahimik lang kaming lahat habang nakatingin sa kanya. Spell Awkward? Nilagay nya yung sarili nya dyan kaya bahala sya. Nag iwas ako ng tingin at tumikhim. Yung iba naman ganun rin ginawa. Medyo matagal yung silence. Napatingin ako kay Van at halos mapalundag ako nang makita ko syang nakatingin sa akin habang bahagyang nakangiti. Wait.... WHAT? Nakatingin--- nakatitig habang bahagyang nakangiti.... sa akin? Namamalikmata ba ako? Nababaliw na ba ako? Tell me!
Mukhang napansin naman nya na nakita ko sya kaya nag iwas sya kaagad ng tingin. Nag iwas din ako. Ewan ko pero feeling ko kailangan kong gawin yun. Parang automatic reaction ng katawan ko sa nakita ko? Ewan ba.
Pero.. anong problema nun? M-medyo nakakailang tuloy. Umiling iling nalang ako. Nilipat ko yung tingin ko sa ibang direksyon. Nahagip ko si Marky na napakasama ng tingin sa aming dalawa--- kay Van. Anong ring problema nun? Bakit ba ang weird nila ngayon? Tapos awkward na nga gumaganyan ganyan pa.
Nung nahuli nya akong nakatingin sa kanya, ngumiti sya. Hindi ko pinansin at binalik ang tingin kay Principal. Awkward plus weird? Ugh! Parang gusto kong sumigawng pagkalakas lakas! Bukod sa pagkatahi tahimik, pagka-awkward awkward, gusto kong tadyakan yung babaeng yun!
"Ahmm. Can we start? Kase naiinip na ako. Kung ayaw nyo naman magsalita, hayaan nyong ako na ang magtahi sa mga bibig nya. Psh." Diretsahang saad ko na nakapagpanumbalik sa lahat. Hmp. If I know naghihintay lang sila ng may maglakas ng loob magsalita. Kulang nalang kase awkward air na yung malanghap naming imbes na fresh air.
*********
"Dana? Can we talk?" Nagulat naman ako sa bigla biglang pagsulpot ni Arrah sa tabi ko. Nagpaalam muna kase ako kila Principal na maghihilamos lang. Pawis na pawis na rin kase ako matapos nung 15 minutes training kasama sila Crez at Czarina, magkapatid silang trainer namin. Hinihintay pa ako kase match match ang training. So ayun nga, hindi ko man lang naramdaman ang presence ni Arrah. Naghugas ako ng kamay at humarap sa salamin. Tinignan ko sya sa reflection nya at tumango. Mukha kaseng seryoso sya kaya mamaya ko nalang sya it-trash talk.
"Hindi na ako magpapaligoy ligoy. You're the Fire Princess.... also the Electric Princess, right?" Medyo nagulat ako pero hindi ko ipinahalata na di ako nag expect. Kahit sya pa si Arrah na medyo kaibigan ko na, hindi ko pa rin masasabi kung mapagkakatiwalaan ba sya. Lalo na't ang mga magulang nya ay nagtatrabaho at isa sa mga nakatataas sa Vendaral. Kaya nga nasa kanya yung mga singsing eh. At wala pa ring kasiguraduhan na hindi sya magsusumbong. That's why kung mag f-freak out ako, baka isipin nyang may balak akong masama.
"Yeah. So? Yun lang ba?" Simpleng saad ko. Kinakabahan pa rin ako dahil hindi ko alam kung nagsumbong ba sya nung nalaman nya o ano. Kase halata namang wala syang alam kanina eh, at halata ring ngayon lang nya nalaman.
Matagal syang hindi nagsalita kaya para makaiwas na rin sa mga tanong nya, nag akma na akong aalis. Tumalikod ako. Hindi na ako nakapag hilamos, pero di bale na, babalik nalang siguro ako pagtapos ng training. Nagsimula na akong maglakad palayo pero nahawakan na ako ni Arrah sa braso. Ine-expect ko na 'to. Sobrang laking problema ang nalaman nya kaya malamang hindi sya magsasayang ng oras.
"Matagal ko ng alam. Bago pa ako dumating dito. But my parents doesn't know anything, kahit ang mga nakatataas, wala silang alam. I found it out myself. Nag research ako. Nalaman ko lang this year, 3 years ang ginugol kong oras para sa pag iimbestiga. Na curious lang naman ako noon dahil palaging yun ang balita, and it's funny na ako na pinakabata ang nakahanap ng katotohanan. I acted like I don't know anything. Magpasahanggang ngayon, hinahanap ka pa rin nila. I wanted to meet you that time kaya hindi ako nagsumbong. Hanggang sa pinag-aral na nila ako dito, they kept me for 16 years kasama sila Tristan and Logan. I told them everything kase alam ko mapagkakatiwalaan sila. At ngayon..."
Medyo magulo at random ang pagkakakwento nya sa akin, pero naiintindihan ko naman. Thankful pa rin naman ako sa kanya. Alam nya na ang tungkol sa akin pero wala syang sinabi. Nagkunwari ako ng walang pakielam. Pero sa totoo lang, sa mga oras na ngayon, napatunayan kong kaibigan talaga sya.
"And now I don't regret any of what I did. Napatunayan ko namang deserve mo yun. I just want to say that you should always take care. Lalo na sa battles between Schyliterin and Vendaral. They can kill you anytime sa oras na napatunayan nilang ikaw ang anak ng Fire Princess and Electric Princess. Kaya---"
Nagulat naman ako nang bigla syang tumigil. Nakatingin sya sa may bandang likuran ko. Parang nagulat pa sya na medyo namutla. Anong problema nito? Feel na feel ko pa man din yung sinasabi nya tapos titigil tigil.
"Kaya?" Tanong ko sa kanya ngunit kunot noo lang ang isinagot nya, pero nakatingin pa rin sa bandang likuran. Nacucurious na ako kaya lumingon ako para tignan kung ano yung tinitignan nya. Napakunot noo naman ako. Wala namang kakaiba ah? Bukod sa nakabukas na pinto ng Girls' Wash Room na lagi naman eh wala ng kakaiba. Ano bang tinitignan nya?
"Dana."
Napalingon ako ulit sa kanya. Sa akin na sya nakatingin. Hindi ko alam pero kahit expressionless yung mukha nya, feeling ko may meaning. Pinanood ko syang pumunta sa may pinto at sinara ito, nakita ko rin na pasimple nya itong nilock. Nakakapagtakha pero hinayaan ko nalang. Humarap sya sa akin.
"Nahuli ko ang isa sa mga taga bantay kong nakatingin dito sa direksyon natin, nasa likod sya. I forgot na ipapabantay ako nila Mom to ensure my safety and security. At isa pang purpose para na rin makahanap ng impormasyon about sayo. Hindi naman nila alam na nandito ka but I'm sure na may doubt pa rin sila. That's why even they trust Principal, hindi pa rin sila kampante."
"Kaya ngayon, sure akong narinig nya ang pinag-uusapan natin. And I also know na magsusumbong sya kila Mom na ikaw na nga ang hinahanap nila. But the good thing is, hindi nya nakita ang mukha mo dahil nung moment na lumingon ka, he's already gone."
--------------
A/N: Sorry talaga sa late update! Sorry rin dun sa mga nagcocomplain na magulo ang story ko, syempre amateur lang ako kaya asahan nyong magkakamali ako sa names. Saka kalagitnaan palang naman nung story kaya complicated pa sya, marami pang mabubunyag kaya stay still lang.
While waiting for mu pdate, pwede nyong basahin ang Caliginous Apocalypse. :) Gawa ng ate ko. Thanks :D Naka dedicate sa kanya yung chap so you can check her profile.
![](https://img.wattpad.com/cover/50628865-288-k619380.jpg)
BINABASA MO ANG
Vendaral Magical Academy: Blazing Fire
General Fiction"Life is about taking risks... but what if you're starting to cross your limits?" Highest Ranking #7 in Fantasy {UNDER EDITING} (Copyright) StellRynaSirchNirt