Chapter 55- No Title

2K 53 5
                                    

AUTHOR'S NOTE: Kaya late ang update ay dahil sa cellphone ko! Ayos na naman syang pang type kaso, hindi pwede ang letter P nya. Kaya tinatapos ko muna ang buong chapter ng walang letter P, kapalit nya ay eto (). At syempre pag natapos na, nag a-auto rotate screen ako para maiba ang direksyon ng keyboard. And doon, ie-edit ko na ng letter P ang lahat ng ganito (). Kaya SUPER HASSLE! Pinaghihirapan ko ang isang chapter and double update pa kaya please understand. Nag-promise rin kase ako na kapag hindi ako nakapag ud sa nakatakdang date, double update dapat. So ayun. Saka nabusy na rin lalo na't may mga classes na tayo. Okay basa na!

"Vendaral Magical Academy: Blazing Fire"

=Chapter 55- No Title=

"A-ano? Susundan natin sya?" Tanong ko kay Arrah habang tumatakbo. Nakasunod lang ako sa kanya at hindi ko alam kung saan kami pupunta. Basta basta nalang nya akong sinenyasan na sumunod sa kanya kanina nang tumakbo sya palabas ng Restroom. Wala naman akong nagawa since mas marami syang alam sa akin. At mapagkakatiwalaan naman siguro sya dahil may chance na syang sabihin sa mga nakakataas ng Vendaral ang nalalaman nya na ako ang hinahanap nila pero hindi nya sinabi. Doon palang napatunayaan ko ng karapat dapat syang bigyan ng konting tiwala. Konti lang talaga dahil baka naman mamaya may plano lang sya or sinabi na nya at nagkukunware lang. Hindi ko alam kaya nga konti lang.

"Oo. Bago pa sya makapagsumbong." Sabi nya at patuloy pa ring tumatakbo. Napakunot noo naman ako. Hindi kami pwedeng lumabas dito maliban nalang kung may consent. Pero alam kong imposible yun kaya hindi ko maintindihan si Arrah kung saan kami pupunta. Saan ba yung mga nakakataas ng Vendaral? Saan sila---

"Alam kong hindi pa sya nakakalabas dito dahil napakalayo at malawak ang agwat ng Exit ng Academy na ito sa Restroom. Imposibleng nagawa nya yun sa ilang segundo." Sabi nya pa. Hindi nalang ako nagsalita at sumunod nalang sa kanya. Patuloy lang akong tumakbo habang nasa likod ni Arrah.

Muntik na akong matisod nang biglang may humawak sa braso ko at pinigilan ako sa pagtakbo. Buti nalang may humawak sa akin kundi nahulog na ako. Ang bilis ko kayang tumakbo tapos biglang pipigilan? Pero teka sino ba naman kase-----

"Where the hell are you going?"

Napalingon ako sa nagsalita na si Van. UGHH! Bakit ba nandito sya?! Epal naman! Hindi ba nya alam na nakataya ang buhay ko dito pag hindi namin nahuli ni Arrah yung lalaki?! Aiisshh! Wait! Speaking of Arrah, diba tumatakbo na yun? Nasaan sya?

Luminga linga ako at nakita si Van na nasa malayo, at hawak hawak si Arrah sa braso. Ahmm, hinabol nya? Ang bilis naman nya! Nag-isip lang ako sandali, hawak na nga nya ngayon sa braso si Arrah?

"That guy! Hindi ko na sya mahahabol!" Narinig kong reklamo ni Arrah habang papalapit dito. Parang gusto nyang kumawala sa hawak ni Van pero hindi sya makaalis dahil sa higpit nito. Halos kaladkarin sya papalapit dito. Psh.

Pero ano nga ba talagang gusto ni Van? Ano yun papansin? Pero imposible, hindi naman ganung tao si Van. Sure akong may dahilan pero siguraduhin nyang mas mahalaga sa buhay ko ang dahilan na yun. Dahil sa ginawa nyang yan, sobrang taas ng chance na makakapagsumbong ang bwisit na lalakeng yun! At pwede ko pang ikamatay! Kahit naman minsan ignorante ako, at minsan nagbibiro akong wala akong pakielam sa buhay ko, minsan lang naman yun dahil ayoko pang mamatay!

"Aissshh! Bitawan mo nga ako!"

Bumalik ako sa reyalidad dahil sa pagdadabog ni Arrah. Nakalapit na pala sila dito, ni hindi ko man lang napansin. Nakahawak pa rin si Van sa braso nya at hindi ko alam kung bakit hindi pa sya bumitaw. Like duhh, nakatayo lang naman sila dito! Atsaka hindi naman siguro tatakas si Arrah ulit? Kaya bakit pa kailangan na hanggang ngayon nakahawak pa rin sya sa braso nya?

"Hoy! Di mo ba narinig? O sadyang bingi ka lang? Bitawan mo na daw sya! Ano 'to? Forever nakahawak sa braso nya? Masaya ba? ()sh." Sigaw ko kay Van na mukhang natauhan naman. Tinanggal na naman nya ang pagkahawak kay Arrah. Nakakainis ah. Hindi ko alam bakit pero sa tingin ko naiirita lang ako sa kanya dahil bukod sa epal sya, nakakabwisit pa syang umasta.

******

"What?! You killed him?!" Narinig kong pabulong na sigaw ni Arrah kay Van habang naglalakad kami papunta kila Crez and Czarina, hinahanap na kase kami para sa training. Kaya pala nandun kanina si Van at umepal sa Running Marathon Operation namin ni Arrah kase pinapatawag daw kami. Nagtagal rin kase kami sa Restroom. At ang mas malala, pinatay na pala ni Van yung lalakeng hinahabol namin. Kaya pala napaka confident nya na hindi ako mamamatay dahil napatay na nya yung hinahabol namin!

"Yeah." Tipid na sagot ni Van habang diretso ang tingin sa daan. "Why?" Dagdag nya pa at sinulyapan si Arrah. Wow! Kailangan sulyapan? Really? Edi wow.

"Nothing. Gusto ko lang sana ay torture-in sya." Sagot ni Arrah. Walang umimik sa amin tatlo. Tahimik lang hanggang makarating sa abandoned room.

"Ugh! Kanina pa namin kayo hinihintay!" Rinig kong sigaw ni Kaizer as soon as nakapasok kami sa room. Nagkanya kanyang pwesto na rin kami at walang pumansin sa kanya. Nagtanungan lang naman sila at ano pa nga ba ang gagawin namin? Edi mag deny! Alangan namang aminin namin na ako ay threat at balak patayin ng mga nakakataas? Stupid.

"Okay. Let's continue. Ipapartner partner namin kayo. Same gender. Mini battle outside with all students watching." Sabi ni Czarina. Nakita kong pinagmasdan nya kaming lahat.

"Nicole Fuerte and Danaiah Santos." Czarina.

Nanlaki ang mata ko. Like what the hell?! Si Nicole?! Ugh! Parang sinasadya talaga ng mundo ang ituloy ang battles na nauudlot ng nauudlot dati pa between me and Nicole. Psh. Ayoko ng battles!

"Marky Alcantara and Van Montenegro." Crez.

"Ailee Vaedine and Arrah Rodriguez." Czarina.

"Kaizer Gonzales and Tristan Callaghan." Crez.

"Logan Jenner and Crez." Czarina.

"All set, let's start."

-----------------

A/N: Wala na akong masabi pa! Pero atleast double update diba? Dedicated nga pala kay @-----. Mahilig sya sa Fantasy Stories and when I checked out his account, nakita kong may story syang Fantasy. Edi binasa ko kase. And holy mother of cheesecake, feeling ko mas maganda pa ang story nya samantalang sya pa yung nagpapadedicate. So ayun! Galing mo! Keep it up! 😀

Vendaral Magical Academy: Blazing FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon