"Vendaral Magical Academy: Blazing Fire"
=Chapter 30- Prince and Princess=
"R-Red E-Eyes? What the hell are you saying? Are you kidding me?" Mautal utal kong tanong sa kanya. Hindi ko alam kung galit ba sa akin 'tong si Van at nang-g-goodtime. Sa oras at lugar ng sitwasyon namin ngayon, nakuha nya pang mag biro. Ang awkward na nga nung atmosphere ano ano pang random jokes ang sinasabi nya.
"I'm not kidding, you have Red Eyes... Really.." Sabi nya na para bang simple at casual lang yung topic. My goodness, I don't have time for jokes. Gusto ko syang hampasin kaso mukhang seryoso nga sya. Yeah, sure we're in this kind of Magical World na magical talaga, where there is Powers, Battles, Monters, etc., but my eyes turning Red? Nuh-uh, ibang usapan na yan.
"Please tell me the truth, hindi ako nakikipag biruan.." Banta ko sa kanya na parang bang matatakot naman sya kahit hindi naman. He sigh then look at me straight in the eyes. Ugh, why do he have to make the atmosphere awkward? Naiilang ako, grabe sya makatingin sa mata ko so umiwas ako ng tingin.
"Look at my eyes.." Utos nya sa akin. Sunod sunurang Dana, tinignan ko nga sya. I was ordered by him, parang hindi ko napigilan at napatingin talaga ako sa mata nya.
And then suddenly....
OHMYGOSH. Is this true? Really? Did I just saw my reflection in his eyes and it's obviously stating that my eyes is Red? Huh? What the hell is going on? Sa pagkakatanda ko, I didn't wear any contact lense at wala akong balak. Bakit naman ganito?
"Totoo 'to?.." Tanong ko, half para sa sarili ko at half para kay Van. Busy ako sa pagtitig sa reflection ng mata ko sa mata nya. It was Red, na may halong Black. I've never seen myself at the mirror wearing this Red Eyes. Dati, naimagine ko na lahat ng kulay na pwedeng ikulay sa mata ko, but I've never imagine Danaiah wearing Red. Like duh?! Magmumukha akong Jejemon, hindi ka naman Vampire o ano tapos mapula yung mata mo?
But this time is different. Hindi ako mukhang addict o ano, it's just perfectly fitted at bagay na bagay sa mukha ko. I mean, I'm not beautiful, pero bumagay sya.
"Oh yeah, okay, sinking in my mind. My eyes are Red. But why? I'm sure there is an explanation, hindi naman pupwedeng bigla nalang naging pula yung mata ko.." Litanya ko kay Van at umiwas ng tingin. Umatras din ako ng kaonti para hindi nakaka-ilang.
"One of the signs na you're the Fire Princess.." Unang pasabog pa lang nya eh nanlaki na yung mata ko. Oo, alam ko, dati sinasabi na nila yan, but I didn't care, baka nagbibiro lang sila, pero ngayon? Naconfirm na sa akin, my eyes became Red at nanggaling na mismo kay Van na ako ang Fire Princess, it's not like he's lying, seryoso kaya sya. But hindi enough na ako lang yung Fire Princess, I need explanation.
"Owwkayy... Explain everything, at syempre sinabi mo na this is one of the signs, you mean marami pa. Then tell me, ALL." Madiin kong sabi at nag cross arms. Bumuntong hininga ulit sya at umiling iling. Ano namang iniiling iling nito? Mahirap ba yung pinapa explain ko sa kanya? Para lang naman syang mag rereport sa klase, isa na nga lang akong manonood eh.
"I can't tell you everything, there's always a right time.." Sabi nya at ngumiti, bigla naman akong may naalala bigla. Nakatingin kase sya sa mata ko at sa mga mata ko lang kaya tuloy hindi nya nakita yung naalala ko.
"V-van! Y-yung ring ko! Diba... kanina? What happen?" Naexcite pa akong itanong eh hindi ko naman alam yung right words. Napatingin nalang ako sa singsing ko, tumingin rin sya pero saglit lang at agad ring bumalik yung tingin sa mga mata ko. Addict na ba sya dun sa kulay ng mata ko? Kanina pa sya titig ng titig eh.
"Who gave you that ring?" Van nga naman, imbis na sumagot sa tanong ko, nagtanong pa lalo. Pero seryoso na sya kaya mas maganda kung sasagot naman ako.
"Y-yung.. ano... Yung transferee sa amin.. oo, yun nga.. yung tatlo, d-dalawang lalaki tsaka isang babae.." Ewan ko ba bakit nauutal at kinakabahan akong sagutin yung tanong na yun. Like duh?! Hindi naman ako nagsisinungaling, nagmukha tuloy akong nag-iimbento ng kwento, bakit kase hindi ko masabi ng maayos?
Mas lalong naging curious at serious ang mukha nya, mukhang interesado na sya. Di katulad kanina na parang alam na nya yung lahat at ako nalang yung hindi. HAH! Ngayon ako naman may alam.
"Transferee? Who are they?" Tanong nya. Tignan mo 'to, nagtanong ako, hindi nya sinagot dahil nagtanong rin sya, sinagot ko ang tanong nya pero nagtanong ulit. Bastos rin eh noh?
"Arrah Rodriguez, Tristan Callaghan and Logan Jenner. Now, sagutin mo na ang tanong ko, ano ngang nangyare kanina?" I'm impressed, natatandaan ko pa pala yung names nila, wala naman kase talaga akong pakielam but I did remember their names.
Nakita kong pahalo halo na ang 'Serious, Curious at Shock' na naka pinta sa mukha nya. Ano bang meron at interesadong interesado sya? Ako nga, walang pakielam eh. Selfish na kung selfish pero ganun ako.
"They're already here.." Sabi nya sa sarili nya. Sinong 'they'? Sila Arrah ba? Bakit naman ganito 'tong makapag react? Kung in-explain na kaya nya noh?
Hinintay ko syang magsalita, mukhang nag-aanalyze pa sya eh. Tumingin tingin muna ako sa paligid, nasaan ba talaga kami? Ayaw naman kaseng magsabi ni Van eh.
"Listen, you're the Fire Princess----"
"Teka lang, kung ako yung Princess, ibig sabihin ba nun eh ikaw yung Prince?" Oh boy! Ano ba 'tong lumalabas sa bibig ko? Ako yung princess tapos sya yung prince? Shet naman, kahiya ka Dana, kahiya ka..
Medyo natawa naman sya. Aissh, malamang pinagtatawanan ako dahil kung ano anong sinasabi ko. Isipin pa nyan nya eh may gusto ako sa kanya, wala naman eh. Eh teka nga, bakit ko naman iisipin na iniisip nya na may gusto ako sa kanya? Haist, ang gulo ko naman.
I was about to apologize nang sumagot sya. "Yeah, that's true. There's only 2 person in the world who possess Fire Power.." Sabi nya. "And that's you, My Princess," Sabay turo sa akin. "and me, Your Prince."
----------
A/N: Ito lang nakaya ko, sorry. Hope you like this chapter! Feedbacks naman! Thanks!
Dedicated ito sa kanya dahil sya yung pangalawang nag padedic. Hello! :)
BINABASA MO ANG
Vendaral Magical Academy: Blazing Fire
General Fiction"Life is about taking risks... but what if you're starting to cross your limits?" Highest Ranking #7 in Fantasy {UNDER EDITING} (Copyright) StellRynaSirchNirt