"Vendaral Magical Academy: Blazing Fire"
=Chapter 5- Fighting=
"Hey!" Sigaw ng babae na kaboses ni Tiffany. Maraming "hey" sa mundo kaya hindi ako lumingon. "Hoy!" Buiset, naaalala ko tuloy si Tiffany sa boses nito. Hanggang dito ba naman, may nagpapaalala pa rin sa alaga kong palaka? Tsh. Kung ako ang tinatawag, bakit hindi nila ako tawagin ng maayos? Bakit kailangan "hoy" pa? Excuse me, super common na non. At another excuse me, hindi ako COMMON.
"Hoy babaeng newbie!" Umalingawngaw ang boses ng frog sa buong classroom. Tumahimik ang lahat kaya lumingon ako. Wow, sa buong buhay ko, ngayon palang ako nakakakita ng babae na ganito kaganda. Magkaibang magkaiba sila ni Tiffany, maganda itong babae samantalang sya, kung ano ang boses, yun ang itsura.
"Ako ba?" Tanong ko habang turo ang sarili ko. Aisshh, malamang naman Dana, newbie nga eh. Pero teka, malay mo may iba ding bago dito? Baka kapag hindi ko tinanong yun, maisipan pa akong assumera.
"Obviously naman. Kabago bago, tanga? Anong pangalan mo? Pasalamat ka, akong nagtanong. Bihira lang sa akin 'to." Malakas nyang sabi na ikinatahimik ng mga estudyante. Madaling mag-init ang ulo ko lalo na tinawagan akong tanga? Pero I managed to control myself, baka kapag may nasuntok ako dito, magkarecord ako. Katulad nalang kanina, sinagot ko pa kase yung Principal kaya nalagay ako sa last section.
"Danaiah Santos." Simple kong sabi. Yumuko ako, nagpipigil lang ng inis. "Tss. What a weak move! Yuko? Tsk. Kaya pala nandito ka sa last section eh, weak ka. Ano nga palang powers mo?" Derederetso nyang salita. Pumikit ako para magpigil, namumula na ako. Promise! Konti nalang! Pag binatakan ko ng sagot yan, baka umiyak yan sa nanay nya.
"F-fire power." Utal kong sagot, hindi ko na yata kaya. Hindi ko na kayang magpigil, pero sige, hayaan natin. Let's give her one more chance.
"F-fire? Are you sure? Hindi suitable sayo yun! Mahina ka eh! Sinungaling ka talaga! Tapos ano? Wala ka nang power? Sinayang ko lang pala yung oras ko sa isang katulad mo. Tch." Sabi nya at tumalikod na. Babaeng 'to! Grrr.... Humanda ka!
Humarap ako sa kanya at hinila ang buhok nya. Napasigaw sya na kinagulat ng lahat, parang tumigil yung oras. Pero para sa akin, hindi. Wala akong pakielam! Pinuno nya ako! Sya naman pupunuin ko!
Hinarap ko sa akin yung mukha nya at mabilising sinuntok ng malakas bandang ilong nya. "Buset kang babae ka! Kanina pa ako nagtitimpi sayo! Hindi ako tanga para magpa-api sayo! Punong puno na ako! Weak? Weak ba ang tawag mo dito?" Tanong ko at mas hinigpitan pa ang hawak sa buhok nya. "Wag kang sisigaw sigaw dyan! Kahit newbie ako hindi ako natatakot sayo! Leader ka dito? Wala akong pakielam! At hindi ka naniniwala na Fire ang power ko? Well, manood ka lang."
Gumawa ako ng medium sized fire ball at walang pag dadalawang isip na nilagay sa buhok nya.
"AHHHHHHHHHHH!"
________
A/N: Sorry for the super late update! Tapos ang panget pa. Tapos ang ikli pa. Mianhe :) Votes and comments para mapabilis ang ud! Kamsahamnida! :D
BINABASA MO ANG
Vendaral Magical Academy: Blazing Fire
Narrativa generale"Life is about taking risks... but what if you're starting to cross your limits?" Highest Ranking #7 in Fantasy {UNDER EDITING} (Copyright) StellRynaSirchNirt