Chapter 38- Power

4.2K 125 5
                                    

"Vendaral Magical Academy: Blazing Fire"

=Chapter 38- Power=

So, I'm Light Rain Pacific Ventura? And this little girl sleeping on my lap is gladly letting me to use her family's surname even if she don't know me too well and same with me to her. Grabe, talagang Ventura ang apelyido ko? As in ganun nalang yun? Wala ng papepapeles pa? I mean, napakabilis naman. Kung ganun nalang pala ang pag gawa o pag palit ng pangalan ng isang tao, malamang eh wala ng pangit o baduy na pangalan ngayon. Plus the fact na ibig sabihin eh talagang pinayagan nya akong mag stay o manirahan sa kanila ng pamilya nya. Ibig sabihin, kapag umuwi na sila sa bahay talaga nila eh kasama na rin ako? Part of the family na? Eh di ko pa naman nakakakilala ang parents nila ni Oak, at si Oak, parang hindi naman sya sang-ayon sa pananatili ko rito. Parang naawa lang talaga sya kaya nya ako pinatuloy. Haisstt. Ano ba 'tong iniisip ko? Napaka nonsense na hindi naman. Aissh!

Hinaplos ko ulit ang buhok ni Oiree na natutulog sa lap ko. Napakabait ng batang 'to. Kahit mataray sya sa akin eh hindi naman yun sapat para ayawan ko sya. Kakakilala ko palang sa kanya at sya sa akin pero agad syang nagtiwala sa at pinatuloy ako? Nakakapagtaka pero napakabait na move, parang napakatalino nya at iniisip muna bago gumalaw or tinutumbasan ang bawat bagay. Feeling ko tuloy eh napakabobo ko kapag kaharap ko sya.

Naramdaman ko ang pag galaw nya, humarap sya sa kanan at nagkusot ng mata. Buong akala ko eh magigising na sya ulit pero hindi, pinagpatuloy lamang nya ang pagtulog. Wala naman akong magawa kaya pinagmasdan ko sya.

Pero hindi ko inaasahang makakita ng galos at mga sugat sa kanyang likuran. Napunit na rin ang suot nyang damit sa likod. Puno ng malalaking galos, parang kinalmot habang may mga pattern ang sugat nya. Halos masama ang balat nya sa mga sugat, bigla akong kinilabutan. Bakit hindi ko ito napansin kanina? Masyado ba akong lutang at hindi ko ito nakita? O magaling lang talaga syang magtago at hindi ko ito napansin sa likod nya? Pero kahit na ano pa man, bottomline ay malalala ang likod nya.

Napatayo ako at dahan dahang inihiga ang ulo nya sa unan. Naghanap ako ng mga First Aid Kit na sa kabinet pero wala. Napatingin ako sa mahimbing na natutulog na si Oiree. Naaawa ako sa nakita ko kaya wala akong nagawa kundi lumabas ng kwarto.

Pagtapak ko pa lamang palabas eh kitang kita ko na ang ganda ng disenyo ng rest house. Wala akong oras para isa't isahin ang maganda sa istruktura kaya tumakbo na lamang ako sa mahabang pasilyo. Kailangan kong mahanap si Oak, sya lang naman ang tao rito at ang may alam ng lahat. Mukhang hindi nya alam ang tungkol sa mga galos at sugat ni Oiree kaya kailangan kong ipaalam sa kanya ito, dahil kung alam na nya, dapat eh ginamot na rin nya.

Nilibot ko ang buong rest house pero wala, napilitan muli akong lumabas para mahanap si Oak. Gabi na rin kaya hindi ko masyadong makita ang dinadaanan ko. Pero si Oiree ang importante dito at hindi ako, sya ang naglayo sa akin sa kapahamakan kaya dapat eh kahit sa galos o sugat man lang nya eh makatulong ako.

Nakarinig ako ng kung anong kaguluhan o paggalawa ng mga nilalang sa isang parte ng kagubatan. Hindi ko namalayan na dinadala na pala ako ng aking mga paa sa damuhan.

Palakas ng palakas ang ingay kaya tumakbo ako lalo papalapit, doon ko nasaksihan ang isang kaguluhan, o pag-aaway. Dali dali akong nagtago sa mga puno para makasilip ng hindi ako nakikita.

Dalawang grupo ang naglalaban. Ang isang grupo ay puro lalaki, isa lamang ang babae pero magaling syang makipaglaban. Sa kabilang grupo naman ay mga magkahalong bilang ng babae at lalaki, na nakabilang roon si Oak. Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto kong sila ay hindi lamang nakikipaglaban gamit ang normal na paraan. Napapatakip ako sa aking bibig nang nakakita ako ng may mga nagkakagatan sa leeg, ngunit walang dugo, merong nagkakalmutan.

Unti unti akong napa-atras nang ma realize ko na masyadong delikado ang sitwasyon. Isinantabi ko muna lahat ng katanungang bumabalot sa isip ko. Kung bakit ganoon, at si Oak...

Nakatitig pa rin ako sa laban habang umaatras, pero tuluyan nang binalot ng kaba at takot ang isipan at buong pagkatao ko nang makita kong wala na ang nag-iisang babae sa kabilang grupo. Ibig sabihin ba noon ay...

"Hey.. Hey, where are you going? Tatakas ka? Sorry pero walang takasan 'to. Alam kong isa ka kila Oak, hindi ba?" Dahan dahan akong lumingon sa pinanggalingan ng boses. At sya nga, ang babaeng nawawala sa laban dahil nandirito na sya upang tapusin ako. Nanginginig akong tumingin sa kanya.

"Oh? Bakit ka nanginginig?" Unti unting kumorba ang nakakapangilabot na ngisi ng babae, tila ba masaya syang nakikitang natatakot ako sa kanya.

"Aalis ka? Tatapusin muna kita.." Saad nito. Mas lalo akong nanginig. Napapikit na lamang ako ng mariin at hinarap ang mga palad sa babae at likod ng kamay sa mukha ko upang hindi ko makita ang mangyayare o maprotektahan man lamang ang sarili ko kahit sa ganitong paraan.

*KRRIIKKK*

----------------

A/N: Hello Guys! Ayos lang naman yung haba noh? So ayun, eto na nga yung Chapter 38, sorry sa typos, wala kase akong time mag proofread ng bawat chapter bago ipublish. Thanks for reading this! Votes and comments :) 😁

Vendaral Magical Academy: Blazing FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon