Chapter 34- Mysterious Guy

5K 147 3
                                    

"Vendaral Magical Academy: Blazing Fire"

=Chapter 34- Mysterious Guy=

I heard something, like something fell from a high place. Like a piece of metal that fell on the floor. Before everything get vanished in my sight, I can tell what I heard because I've seen it despite of the noise. And what is it? It's my ring, the ring that Arrah gave to me. The ring with a Red Stone, more like symbolizing Fire. My ring. I want to get that ring on the floor and wear it back on my finger, but that requires all of my energy. I don't know, I can't move my body then I felt nothing. As in nothing, all of my senses shut off. Like I'm kind of a device that being literally shut down. Off.

"Why did you get her, huh?! You know they can track us because of her ring! At mahuhuli tayo! Aren't you thinking?!" Sigaw ng isang babae. Halata mong galit na galit ito. Hindi ko alam kung sino ang sinasabi nung babae. Bigla bigla ko lang naman naririnig yun kahit wala akong pakielam.

Biglang kumirot ang ulo at buong katawan ko. Parang may pumipiga sa ulo ko at may pumapalipit sa ugat ng katawan ko. Sobrang sakit, hindi ko pa naranasan ang ganito, at ayoko talaga. Parang gusto kong mag sisigaw para kahit papaano maibsan ang sakit, pero ni pagmulat ng mata ko ay hindi ko magawa. Bukas na bukas ang isipan ko pero parang wala naman itong epekto sa katawan at lakas ko.

"Lower down your voice Victoria! She might hear you, her senses are sharp. Don't worry, she's not wearing her ring. Maybe it fell somewhere." May narinig ulit akong sumagot na lalaki. Ayoko munang isipin ang lahat ng naririnig ko dahil sa sakit na nadarama ko ngunit pilit pa rin pumapasok sa isipan ko ang ingay. Sa totoo lang eh wala naman akong pakielam, pero wala akong magawa para pigilan ito!

"Make it sure Hugo, I don't want to repeat what happened.." Bakas sa tono ng pananalita ng babae ang takot. Kung kanina ay nagsisisigaw sya, mas kalmado sya ngayon. Nakarinig lang ako ng konting yapak at ang pagbukas ng pinto. Ilan pang yapak at ang pagsara muli. Wala akong maramdamang presensya sa paligid ko, pero hindi ko muna inisip yun...

***

"Gaahh!" Napasigaw ako at kasabay noon ang pagmulat ng mata ko. Hingal na hingal ako at ramdam ko ang pagtulo ng pawis sa bandang noo ko. Hindi ko alam kung bakit pagod na pagod ako, hindi naman ako nanaginip o ano.

Napaupo ako at pinagmasdan ang buong kwarto. Bakit palagi na lamang ako nagigising sa kwartong hindi ko alam? Puting puti ang kwarto, walang kagamit gamit bukod sa mesa sa tabi ng kamang hinihigaan ko. Naka uniform pa rin ako kaya sigurado akong hindi panaginip ang lahat.

Ang pagdukot sa akin ng misteryosong lalaki, hindi ko alam, sa lugar kung saan punong puno ng makakapal na usok, naramdaman ko ang sarili ko na naibuhat ng kung sino kasabay ng pagtakip sa bibig ko. Wala akong magawa kundi magpumiglas, pero masyado syang malakas. Hindi ko magamit ang kapangyarihan ko sa hindi malamang dahilan. At sa panahong iyon, alam ko... alam ko sa sarili kong sa kahit ano mang oras, maaring mawalan ako ng malay. Ayun nga, pero bago ang lahat, naramdaman ko ang pagdulas ng singsing sa daliri, at rinig ko ang pagkahulog nito sa sahig.

Hindi ko maiwasang magalit, mainis. Parang gusto kong sumigaw. Napakahina ko para hayaan lang ang lalaking yun na dukutin ako. Bakit?! Iniwan ko pa bigla sila Van at Marky! Nanggigigil ako! Gusto kong manuntok! Hindi naman ako natatakot sa kung anong pwedeng gawin nya, naiinis lang ako. Yeah, I know it's odd.

*Door Opens*

Napatingin ako sa pinto, nakita kong iniluwa nito ang lalaki. Pamilyar, at oo, sya ang kumuha sa akin! Sya!

"Putek kang lalaki ka! Saan mo ko dinala?! Bakit mo ko kinuha?! Huh?!" Napatayo ako ng wala sa oras at tumayo sa harapan ng lalaking 'to. I sounded like a completely Stupid Girl. Para lang akong bulilit sa harapan nya. Pero I don't care, sino bang hindi magagalit kapag dinukot ka? Hindi ko na masyadong i bibig deal. May powers naman ako, I can turn him into ashes anytime kung balak nya akong patayin at pera ang habol nya. Pero kahit na! Nakakagalit pa rin!

"Quiet! Don't be noisy!" Ang tanging sinigaw nya. Sya, sya ang narinig kong kausap ng babae. Sya ang boses na yun!

"Maingay huh?! Sinong hindi mag-iingay?! Ikaw kaya----"

"UGH!" Napasigaw ako nang maramdaman ko ang sakit sa tyan ko. Napayuko ako at napaupo sa kama. Ugh! WTH!

Napaubo ubo ako at humingang malalim dahil sa gulat ng pagsuntok nya sa tyan ko. Masyadong masakit, kakaiba ang suntok nya, parang naibigay nya lahat ng lakas nya. O mas malakas pa?! Basta! Hindi normal eh!

"I told you! Just stay quiet!" Naiiritang sigaw nya. Ayokong matakot pero bakit nagsisimula na akong kainin ng takot?

Pasimple kong tinago ang kamay ko sa likod, hindi nya napapansin dahil alam nyang tinitiis ko pa rin ang sakit. Oo, masakit, pero hindi ko naman sya bibigyan ng pangalawang pagkakataon para gawin pa ulit yun. Para habang mas maaga pa, maagap ko na ito.

Gumawa ako ng Fire Ball at binigay ang lahat ng lakas ko roon. Pasimple akong tumingin sa kanya, may kausap sya sa telepono, halata mong busy sya at walang kaalam alam sa nangyayare.

Dahan dahan akong tumayo, ni hindi gumawa ng bakas o ano mang tunog na makaka-agaw ng atensyon nya. Tiniis ko muna ang sakit sa aking tyan. Nakatingin lang ako sa bawat galaw nya....

"Hoy!" Sigaw ko at ibinato sa kanya ang Fire Ball. Pero nagulat ako nang walang kahit anong Fire Ball ang naibato sa kanya. Napatingin sya sa akin at nanlaki ang mata.

"So you planned to attack me?! Huh?!" Galit nyang sigaw at lumapit sa akin. Mabilisan akong gumawa ng fire ball at ibinato sa kanya. Ngunit nawala ito sa ere. Gumawa ulit ako pero nawala ulit. Ano bang nangyayare?!

"UGH! COUGH!" Napa ubo na ako sa sakit nang maramdaman ko na naman ang kamao nya sa aking tyan. Ngunit dugo na ang lumabas sa aking labi. Napatingin ako sa kanya. "A-anong nangyayare?!" Natataranta kong tanong at napa-upo sa kama. Naguguluhan ako, b-bakit nawawala bigla ang apoy?! B-bakit?!

"What?! You want more?!" Tanong nya at akmang susuntukin ulit ako nang may pumasok sa pinto. Nagpasalamat nalang ako ng tahimik, ayoko na. Hindi ko na kaya, ang s-sakit. Pakiramdam ko wala na akong kwenta. Pakiramdam ko hindi ko naman kayang iligtas ang sarili ko.

"Hugo! Stop that! We need her, did you forgot?! There are more important things than hurting her, let's go! I found them!" Sigaw nung babae. Yung babae! Yung kausap nitong buiset na lalaki!

"Aissh!" Ang tanging naisigaw ng lalaki at sumunod doon sa babae. Lumabas sila at narinig ko ang paglock ng pinto.

-------------

A/N: Hello Guys! Welcome back to me! Baka every Saturday or Friday or Sunday nalang ang update ko. Baka every week 1 chapter. Sorry, ganun lang kaya ko. Busy kase ako eh. At sorry rin kay @LhadyTaffy dahil sinabi kong dapat kahapon pa or yung mismong day na yun ang update pero wala naman. Hi! Sorry! 500 words palang kase ang nagagawa ko eh!

But BTW, @PopOutwrites, Username ng ate ko, haha! May story kase sya, at recommended for all of you! Maganda yung story nya, promise! Nabasa ko at sigurado akong magugustuhan nyo. Bisitahin nyo nalang ang profile at tignan ang Caliginous Apocalypse, thank you!

Votes and comments! :)

Vendaral Magical Academy: Blazing FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon