Author's Note: Nasa multimedia yung BATTLE FIELD
"Vendaral Magical Academy: Blazing Fire"
=Chapter 56- Mini Battles=
"Calling all the attention of Vendaral Students. Please proceed to the battle field. Once again, calling all the attention of Vendaral Students, proceed to the battle field."
Napabuntong hininga nalang ako. Wala na. Wala na akong magagawa. Kung dati, nagawa ko pang makatakas sa kapalaran ko, ngayon hindi na. Kailangan ko nalang talagang harapin ang mangyayare. Pakiramdam ko mamamatay na ako. OA man pakinggan pero yun na yun. Pakiramdam ko napaka unfair naman sa part ko na wala man lang ako kaexpe-experience at napakahina ko pa para makipagsabayan sa kanila. Nung huli ngang nakipaglaban ako kay Ailee, muntik na akong halos mamatay, kundi lang dahil kay Van.. Tapos ngayon ano 'to? Hindi pa ba sila nagtatanda sa nangyare sa akin noon? O sadyang sanay nalang sila sa ganito? Either way, it's still unfair at ayoko yun mangyare. Baka ito pa ang maging sanhi ng pagkamatay ko.
Tahimik kong pinagmasdan kung paano unti unting napuno ang seats sa battle field. Dumilim ang paligid at umilaw ang sa bandang gitna kung saan mangyayare ang ayokong mangyare. Halos malula ako sa dami ng estudyante. Marami rin palang mga katulad namin. Napuno ang lahat ng seats at mukhang sinakto ang bilang nito sa bilang estudyante. Ayoko.. Ayoko pang mamatay, ayokong mapahiya sa harapan, ayoko. Maraming rason kaya ayaw ko. Kung gugustuhin ko man ang nangyayare ngayon, siguro kapag handa na talaga ako. Pero ngayon? Wala pa ako sa letrang 'H'.
Nagsigawan ang mga estudyante nang kumalat at magkaroon ng apoy sa labas ng battle field. Isang illusion. Hindi ko alam bakit humihiyaw pa sila. Kung tutuosin, mas matagal pa sila sa akin dito pero kung makareact sila, parang bago bago lang at hindi pa nasanay. Marami pang sinabi si Principal pero busy ako para pakinggan pa yun. Busy akong tanggalin ang salitang kaba sa sistema ko.
"Let's start with Mr. Van Montenegro and Marky Alcantara."
Yun lang ang narinig ko sa haba ng sinabi nya. Yun lang ata ang importante eh. Akala ko ba 'Mini' battles lang 'to, bakit parang effort na effort pa sila at mukhang pinaghandaan? Saka ko naalala, ibang klaseng school pala 'to kaya sa isang iglap lang, kaya nilang pagandahin ang buong paligid. Pero parang di ko mafeel, hindi ko maramdaman.
Nagsimulang mag-ingay ang buong battle field nang pumanik sila Van at Marky. Nakakabingi, dinaig pa ang nasa concert. Bakit ba kase sila sumisigaw? Wala namang special sa pagpanik nung dalawa. Nakakaiirita lang.
Nagulat ako nang magkaroon ng transparent shield na naghihiwalay sa stage at mga students. Nag curve 'to pataas hanggang sa nag enclose na sya.
*KRINNGGGG*
Umalingawngaw ang napakalakas na pagtunog ng Red Bell sa gilid ng Battle Field. Nakakabingi. Pero bakit sumisigaw pa sila? Mas lalong nakakairita! May mga saltik ata ang mga tao dito eh. Mabuti naman at tumigil na sila. Finocus ko nalang ang tingin kila Marky at Van kung saan nagsisimula na pala sila.
Pinaghalong Fire at Electricity. Parang may bahay na nasusunog at tinamaan pa ng kidlat. Kung tutuosin, meron ako nung dalawang yun. At ayaw ko mang sabihin pero 'Prince' ko rin ang dalawang naglalaban sa stage. Parang masyadong hindi kapani paniwala dahil sa short period of time lang na nagdaan, MAS naging complicated ang buhay ko. Hindi naman sya nag turn ng 360 degrees, kase una palang alam ko namang may Fire power ako at sagabal yun, ang mas nakapagcomplicated lang lalo ay yung eto nga. Ayoko ng ikwento, nakakasawa.
Sampung minuto na siguro silang naglalaban at masasabi kong pantay lang. Oo, intense. Hindi na ako nagulat, alam ko namang magaling sila. Hindi ko naman pagmumukhaing tanga ang sarili ko kakasigaw katulad ng mga estudyante, kase dapat una palang na pumunta sila dito, alam na nilang intense ang labanan dahil nga Highest Class. Hindi ko alam kung sadyang tanga lang sila o nakiki-uso lang. Kase honestly speaking, nakakairita sila.
Isang Fire Dragon at Thunder Tiger. Nakasakay sila dun sa mga ginawa nila habang nakikipaglaban. Hayy. Nakakapagod. Malamang iniisip nyo na sana may power kayo, or anything na nag eexist dito sa mundong 'to na wala sa normal na mundo. Pero ako ng magsasabi. Mahirap. Mas Pipiliin ko nalang humilata, matulog, kumain at mag-aral buong maghapon sa bahay kesa sa ganito. Hindi naman ibibigay yang power na yan ng basta basta dahil sinuswerte ka. HINDI. Great power comes with a great responsibility. Tandaan mo yan.
*BOOGGHHSS*
"AHHHH!"
Ang sakit ng buong katawan ko. Pakiramdam ko nabali ang buto sa likod ko. Ang hapdi. Sobrang hapdi. Ano bang nangyayare?
Sinubukan kong imulat ang mga mata ko. P-pero...
Bakit wala akong makita? Bakit puro itim ang lahat?
"Dana!" Hindi ko alam kung saan nanggaling ang sigaw na yun. Wala akong makita. Pero sigurado akong si Arrah yun. Nakarinig pa ako ng ibang sigawan at pagsabog. Ano ba talaga ang nangyayare? Bakit wala akong makita?!
"Dana, tara na! Ano pang ginagawa mo?!" Narinig kong natatarantang sigaw ni Arrah, sigurado akong medyo malapit sya sa akin. "Tumayo ka na dyan! Tara!" Sigaw nya pa. Pero wala akong magawa. Wala akong makita. Narinig ko ang yapak nya papalapit dito. Nakaramdam ako ng paghawak sa may bandang braso dahilan para mapadaing ako.
"Ohmygod D-dana! What happened to you?! Anong nangyare sa mata mo?!..... M-may nakikita ka pa ba? Can you see me?" Narinig kong kinakabahan nyang tanong. Sinubukan kong ilibot ang mata ko ngunit puro itim lamang ang nakikita ko.
"W-wala a-akong makita. I-itim. I-itim ang n-nakikita ko." Sinubukan kong magsalita para lang masagot sya kahit hirap na hirap ako. Narinig ko ang paghikbi nya. Ano bang nangyayare?! Bakit wala akong makita?!
"Omygod Dana. Y-you l-lost your eyesight..."
---------------------------------------------
A/N: Okay! Thank you for reading this dahil 3 chapters nalang at magtatapos na ang story na 'to!
Pero syempre, joke lang yun. Mahaba haba pa 'to. Basta kapit lang :)
BINABASA MO ANG
Vendaral Magical Academy: Blazing Fire
Fiksi Umum"Life is about taking risks... but what if you're starting to cross your limits?" Highest Ranking #7 in Fantasy {UNDER EDITING} (Copyright) StellRynaSirchNirt