Chapter 10- Nice

10.9K 385 16
                                    

"Vendaral Magical Academy: Blazing Fire"

=Chapter 10- Nice=

"Ano ba?! Bitiwan mo nga ako!" Sigaw ko kay Van habang nagpupumiglas sa mahigpit na hawak nya sa braso ko. Ang sakit kaya, baka gusto nya akong bitawan?

"Don't be too noisy, your annoying." Naiirita nyang sabi pero tuloy tuloy pa din sa pagkakaladkad sa akin. Kanina pa sya ganyan, masyado syang manhid, nasasaktan din kaya ako.... yung braso ko.

"Bitawan mo ko!" Malakas na sigaw ko at buti naman ay binitiwan na nya ako, humarap sya sa akin. "Bakit mo ba ako hinila?! Wala ka bang manners?!" Pasigaw kong tanong sa kanya, nakakainis na kaya. Wala akong ka-alam alam kung ano bang ginagawa nya, tsaka isa pa, hindi kami close noh!

"I pulled you because I want to. And me? Walang manners? Are you kidding? It's not like you called tanda stupid." Sabi nya at nag-iwas ng tingin. Hinarap ko sya, ang gulo nya, promise.

"Pwede ba? Seryosohin mo nga! Bakit mo nga ako dinala dito?" Tanong ko ulit. Umiling lang sya at tinuro ang room sa gilid namin. Tumingin ako dito at sumilip. Huh? May saltik ba sya? Napaka dilim at napaka lawak ng room na 'to, pwede ko ng tawagin itong bahay. Anong bang ibig sabihin nya?

"Anong----" Napaka bastos talaga nito. Tinakpan nya yung bibig ko at pinasok sa big room na napakalaki. Naramdaman ko nalang na naka sandal na ako sa pader habang nasa harap ko sya, hindi ko makita ang mukha nya dahil sa madilim. "Stop being annoying. Pwede ba yon?" Wika nya. Nakaka panindig balahibo ang boses nya kaya dahan dahan akong tumango.

"Good." Saad nya at naramdaman ko ang space sa gitna namin. Buti naman at lumayo na sya, masyado syang malapit.

*SWISSSHH*

Napatingin ako sa ginawa nyang fire vase at sa loob noon ay blue fire na kakaiba ang pag blaze. Binigyan nya ng ilaw ang buong kwarto, ang lakas ng rays. Nakaka bilib, parang na estatwa na yung mata ko sa ginawa nya, in my whole life, hindi pa ako nakakagawa nyan. At kahit hate ko si Van, I can say that he is amazing.

"Fire Princess?" Biglang tanong nya. Hindi ko alam kung tinatanong nya ako or tinatawag nya ako kaya naman nanahimik lang ako at pinagmasdan ang blue fire. "Are you MY Princess?" Mahinang bulong nya. Hindi ko masyadong narinig, parang "ASDFGHJKL" lang yung narinig ko.

"Ano? Anong sabi mo? Di ko narinig eh, ang hina eh." Saad ko at tumingin na sa kanya. Nahuli ko syang nakatitig sa akin pero nag-iwas din. "Nah. Wala, sabi ko magsimula na tayo sa training." Wika nya at tumayo na. Naiwan akong naka-upo doon. Ano ba kasi yun?

"Hindi mo pa ba napag-iisipan yung battle?" Mahinahong tanong nya habang naghahanda ng kung ano. Bigla atang bumait? Pero wala akong pakielam, ayaw nya kayang sabihin yung sinabi nya kanina.

"Hindi." Tipid kong sagot. Tumingin sya sa akin. "It's not a joke Dana, pag hindi ka napasa dito, iba ang kahihinatnan mo. If your thinking na papalayasin ka lang nila dito, no, it's not." Iiling iling nyang sagot. Wala akong pakielam. Tinawag nya akong Dana? I don't care pa rin, unless sasabihin nya yung sinabi nya.

"Kahit sa impyerno pa ang pupuntahan ko, handa ako. Fire naman ako eh. Pero di Princess." Walang gana kong saad. Hindi ko alam kung bakit naapektuhan ako ng sobra dahil hindi lang sinabi ni Van sa akin yun. Feeling ko kase importante yun eh.

"I don't care if your my----- the FP or not. Let's start." Sabi nya. Automatic akong napatayo at tamad syang tinignan. Magkaharapan lang kami ngayon.

"Now, I will help you. I want you to stay here because I think you deserve it. So stop building conclusion on why I'm doing this, cause for me, it's just my past time."

------

A/N: Ang lame lame po. Sorry kung ngayon lang kahit sinabi kong kahapon pa dapat. Pero two chapters naman eh. BTW, pwedeng pahingi ng feedbacks? Thanks ;)

Vendaral Magical Academy: Blazing FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon