Chapter 15- Minor Powers

8.5K 304 10
                                    

"Vendaral Magical Academy: Blazing Fire"

=Chapter 15- Minor Powers =

"See you there, freak." Paalam ni Nicole at umalis na papunta sa impyerno---- I mean sa battle field. Kung alam nyo lang kung anong feeling na hindi ka pa ready at ni isa, wala kang clue sa kung anong mangyayare sayo, it's either mamamatay ka na or kung sweswertehin ka, maaaring sugat lang ang makukuha mo. Pero sana nga lang at maudlot ito ng kung ano. Kailangan ko munang mag training ng marami with Van. And speaking of Van, hindi man lang sya gumawa ng paraan para hindi matuloy yung laban, parang chill lang sya at calm habang nakangisi. Takshapo, sarap nyang batukan -.-

"Can't we stop the battle?" Tanong ko sa kung sinong katabi ko which happen na si Kaizer. Nag shrug lang sya at tumingin kay Van. Tumingin rin ako sa kanya, umiling lang sya at umalis na. Tsk, what was that? Akala ko ba tutulungan nya ako? Ano naman ngayon?

"Goodluck nalang sayo Dana.." Saad ni Kaizer at tinap ang balikat ko. Sumunod sya kay Van kaya si Marky at ako nalang ang natira sa table.

"I can help you the way I know." Biglang sabi ni Marky. Matutulungan nya ako? Nabuhayan ako at tumingin agad sa kanya. Ngumiti sya. "I don't know if this can help you but----"

"No, kahit ano pa yan. Just help me." I cut him off sa kung ano man ang katuloy ng 'but' nya. Tumayo sya at sinenyasan na sumunod sa akin. Tumayo na rin ako at sumama sa kanya.

Dinala nya ako sa harap ng Principal's Office. I don't know kung anong plano nya at kung may konektado ito sa powers nya but I trust him. He would never be in the highest class kung hindi sya mapagkakatiwalaan. I mean, yung hindi sya basta basta mang-iiwan. Tsaka I have no choice, hindi na dapat ako mag-inarte sa pagtitiwala sa kanya.

Kakatok na sana ako sa Principal's Office kaya lang pumasok na agad si Marky. Hindi ko naman sya masabihan ng walang manners dahil nga hindi ko naman alam kung close talaga sila ni Principal.

Anyway, sumunod ako sa kanya at umupo sa couch kagaya ng ginawa nya. "What are you doing here?" Tanong ni Principal, tumingin ako kay Marky since hindi ko naman alam yung binabalak nya.

"Nothing.." Balewalang sagot ni Marky. Agad akong napatingin sa kanya. What does he mean? Hindi nya ako tutulungan? Oh bakit nya pa ako dinala dito? Is he fooling me?

Aapela na sana ako pero parang nabasa nya yung isip ko kaya agad syang sumenyas na parang 'shut up, I have a plan', so back to normal ulit ako.

Nag eye contact sila ni Marky, medyo matagal pero unti unting may nabubuong kung ano sa atmosphere, parang kakaiba sya. Tinignan ko si Marky na nakatitig pa din. Pero may kakaiba na kay Principal, naging parang robot yung kung paano sya gumalaw tsaka naging emotionless yung mukha at mata nya. Ano 'to?

"Help Dana.." Yun lang ang sinabi nya at agad tumayo para pumunta sa ewan ko kung anong tawag pero dito sya nagsasalita at nag-aannounce
sa buong academy.

"Battle of Nicole Fuerte and Danaiah Santos will be move next week. I repeat, battle of Nicole Fuerte and Danaiah Santos will be move next week." Nanlalaki ang mata kong tinignan si Marky habang nakangiti sya. "Narinig mo yun Marky? Bakit biglang nagbago yung isip nya?" Masigla kong tanong. Sino ba naman kasing hindi sisigla, hindi na ako mamamatay! Oo, alam ko naman matapang ako pero matapang lang ako kung alam ko namang may kaya ako at sa ibang bagay yun. And I have to admit it, wala akong panama kay Nicole pagdating sa labanan ng powers. She's a pro and I'm a amateur. She's in Highest Class and I'm in Lowest Class. So, anong laban ko?

"Yeah, I did that." Nakangiti nyang sabi. Nanlaki lalo ang mga mata ko, how did he do that? Oh my! No time for tarayan muna, he save my life! Not literally pero napigilan nya, eh.

In-eye contact nya ulit si Principal while saying "Forget about what happened. I command you to forget about what happened.." Patuloy sa pag-eye contact ang dalawa hanggang sa naging tao ulit ang galaw ni Principal at nagkaroon ito ng emosyon.

"Oh, you two? What are you doing here?" Umiling si Marky at umalis, sumunod lang ako sa kanya. Hinarap ko sya sa akin ng nakangiti kaming parehas. "Explain everything." Utos ko. I want to know kung paano nangyare yun, that was so cool!

"Alright, ganito yun. I controlled him para i-announce na next week pa yung battles. Binlock ko yung part ng utak nya na nag cocontrol sa pagiging sya at ganun na nga ang nangyayare." Paliwanag nya.

"Wew, so cool. But yun lang ba yung powers na pino posses mo?" Tanong ko. I don't know kase masyadong mababa.

Tumawa sya. Anong nakakatawa sa sinabi ko? Hmp. "Of course not, hindi ako mapupunta sa top 5 highest class kung wala akong pinoposses na major power. I posses Electricity Power." Ngiti nya sa akin. Tumango ako pero hindi ko mapigilang magtanong.

"Bakit may iba ka pang minor powers? Pwede ba yun?" Tanong ko. Daldal ko ba? Eh ngayon lang kase ako nabilib ng ganito. As in pinabilib na nga ako, natulungan pa ako.

"Yes, pwedeng pwede. Lahi ng pamilya Alcantara which is namin na magkaroon ng 2 minor powers kahit hindi ganun ka major yung powers talaga namin." Sagot nya. Edi buong angkan nila may Powers? How cool!

"Wait, kung 2 minor powers ang meron ang bawat tao sa lahi nyo, ano yung isa mo?" Tanong ko.

"Eto na kase, hindi pa natin natutuloy yung kwento kanina, tanong ka kase ng tanong eh." Saad nya. Nag peace sign lang ako at sinenyasan syang tumuloy na.

"Yun nga, para hindi maalala ng utak ni Principal na kinontrol ko sya, binigyan ko sya ng memory lost na kung saan, makakalimutan nya yung mga nangyare 15 minutes ago." Pagtutuloy nya. Oh my! He can do that? How cool! Oh my I love him!

---------

A/N: Comments naman kayo para ganahan ako mag-ud, palaging dalawa lang yung nagcocomment. Thanks sayo :) Basta vote and comments huh? Thanks! :D

Vendaral Magical Academy: Blazing FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon