Chapter 51- Explanation

3.6K 115 12
                                    

"Vendaral Magical Academy: Blazing Fire"

=Chapter 51- Explanation=

Third Person's POV

"W-what?" Hindi makapaniwalang tanong ni Dana habang naka kunot noo. Bakas rin sa mukha nyang sya'y naguguluhan. Ni minsan hindi nya naisip na involve ang mga magulang nya dito. At sya mismong anak nila, hindi nya alam na dating Fire Prince at Electric Princess ang mga magulang nya. Pero ang mas malala, hindi lang sya Fire Princess, pati Electric Princess.

"At first, akala namin na yung Electric Princess ay yung babaeng ginamit nila Veronica at nagkahalo lang ang powers nyo. Pero agad rin naming nalaman na saktong nag trigger yung Electric Power mo noong nag-iba ang lahat sayo. Your memories erased kaya nawala rin sa isip mo ang fire. At nagkataon na yung electric ang lumabas sayo." Sabi ni Marky na hindi pinansin ang kaguluhan sa mukha ni Dana.

"I don't care about that. Pero.. my parents? About them?" Tanong ni Dana at halatang nag hihintay sya ng sagot.

"Your Father is the Fire Prince in their times, and your Mother is the Electric Princess. Dati pa man, there is a rule na hinding hindi pwedeng sirain both Vendaral and Schyliterin. Kung sino man ang kapareho mong power will be your partner in general, sya na ang dapat mong makatuluyan. Kaya nila ginawa yun para maiwasan ang pagkasira ng Human Race and our race, dahil ang magkaroon ng isang tao na may dalawang power can kill all people. That person is strong, at isa syang malaking threat." Tumingin si Marky sa dalaga. "You're a big threat in both Vendaral and Schyliterin. At hindi hahayaan ng mga nakatataas na mabuhay ka. They will kill you because you're a big threat."

Napatulala na lamang si Dana sa narinig. Wala ni isa ang nagsalita sa kanila dahil alam nila kung gaano kabigat at kalala ang sitwasyon. Kumunot ang noo nya dahil sa isang bagay na narealize nya.

"Ako lang ba yung threat dito?" Tanong nya at tinignan ng mariin sila Marky at Van. Agad nagtaka ang dalawa. Mukhang ine-expect na rin naman ito ng Principal kaya nanatili nyang pinagmasdan ang tatlo.

"What do you mean?" Tanong ni Van. Tumingin sa kanya si Dana. "Nagulo ng mga parents ko ang dapat na nakatadhana sa isa't isa. So wala ng partner ang Fire Princess at Electric Prince. Paano naman yun?" Sabi nya.

Napa iling naman si Van dahil napaka babaw lang pala ng naiisip ng dalaga. Pinaubaya na lamang nya kay Marky ang pag bibigay ng explanation.

"My Dad married the Dark Electric Princess. And Van's Mom married the Dark Fire Prince. They're from the Schyliterin." Saad ni Marky.

"What? Anong ibig mong sabihin?" Nalilitong tanong ni Dana.

"Ang Schyliterin ang counterpart ng Vendaral. Doon ang base ng mga Dark Prince and Princess. Lahat ng may power na Dark, doon nabibilang. While Vendaral keeps us, yung normal lang. Wala namang rule sa dalawang management na hindi pwedeng magkatuluyan ang Dark sa hindi, as long as pareho silang power. We chose to stay here instead sa Schyliterin. When we're 7 years old, we have the freedom to choose what Management we want to. At pinili namin rito." Pagtatapos ni Marky. Napatango na lamang si Dana at malalim na nag-isip.

"Wala kaming pinagsabihan ng tungkol dito. It's just you, us, tanda, Mrs. Tredeo and Ms. Rim." Biglang sambit ni Van. Mukha kaseng hindi na magtatanong si Dana at masasayang lang ang oras kung wala ring nangyayareng pagpapaliwanag.

Napatingin sa kanya si Dana. "Mrs. Tradeo? And that is because?"

"Mrs. Tradeo is the one who bought you here at your first day. Hindi ba't sya ang sumalubong sayo sa gate noon?" Sabat ni Principal kaya sya napatingin rito. Naalala nya bigla si Mrs. Tradeo. Tumingin sya kay Van upang hintayin ang katuloy ng sinabi nya.

"That's because hindi pwedeng malaman ng mga nakakataas ang tungkol dito. Kahit pa ang Vendaral. Lalo na ang Schyliterin. Walang pagdadalawang isip ka nilang papatayin." Si Marky na ang sumagot kaya sa kanya napatingin ang dalaga.

"So... Anong gagawin natin? Sooner or later, kahit hindi nyo sasabihin, malalaman din nila yan. But..." Napatigil sya dahil sa may naalala. Wala man masyadong pakielam sa mg magulang nya pero gusto nyang malaman bakit naghiwalay sila. Oo, dati iniisip nya ay syempre nandun si Beth. Pero ngayong alam nyang hindi rin sila normal, sigurado syang may mas malalim pang dahilan.

"Paanong hindi nila nalaman yung about sa akin noon pa? Hindi ba sila nagtaka nung dati pa man?" Tanong nya sa kanila. Umiiling iling naman si Marky habang tahimik lang si Van. Wala silang alam dito at si Principal lang ang makakapagbigay sa kanya noon.

"It's too late when they found out that Danny married Aiah. Hindi na nila sila nahanap pa. Napagdesisyunan nilang maghiwalay para sa ikaliligtas mo. You live with your father. Inasawa nya si Beth para walang makahalata sayo. Hanggang noon pa kase ay may naghahanap pa rin sa mga magulang mo. Until one night, pinatay ang tatay mo; ng mga Schyliterin Government, from work. They tortured him para umamin na may anak silang dalawa ni Aiah, until his last breath, he protected you. Wala syang inamin. Pinagmukha nilang car accident lang ang nangyare. Aiah found out what happened to your father. Alam nyang naghahanap pa rin sila sayo. Kaya she send Erie out; her cat to find you and bring you here. Ilang araw noong nasa Castle Of Agony kayo, palihim na nakipagkita sa akin si Aiah. Pinakiusapan nya akong protektahan ka at wag sabihin sa nakakataas ang tungkol dito. And she's willing to sacrifice her life para doon. I refuse to kill her at sinabi kong wala akong sasabihin. That's why I'm here."

Napatulala na lamang si Danaiah sa nalaman. Isang tanong ang naglalaro sa isip nya kaya walang pag-aalinlangan nya iyong sinabi.

"Paano mo nalaman lahat yun?" Tanong nya sa Principal. Walang emosyon syang tinignan nito. "Mrs. Tradeo possess mind reading ability. Binasa nya ang nasa isip mo kaya nalaman nya ang patungkol sa Step Sister at Step Mom mo. We also conclude our information kaya nabuo yun." Paliwanag nya at binalik ang tingin sa kanilang lahat.

"A-anong gagawin natin?" Tanong ni Dana. Ngayon palang nag sink in lahat ng sinabi nila sa kanya.

"Just stay quiet, act like nothing's strange. May nagaganap na Battles Of Vendaral Vs. Schyliterin every year. 20 days from now, mangyayare na this year. And automatic, the representatives will be the Power Princess and Prince. Lahat kayo kasali. And Danaiah, you have to stick in only with one power---" Naputol ang paliwanag ng Principal ng sumabat ang dalaga.

"Kung ganon, sino ang magiging isa pang Princess ng hindi ko gagampanan? Hindi ba dapat kumpleto?" Tanong nya ng naka kunot noo.

"Just let me finish on what I'm saying, okay?" Sabi ng Principal at tinignan si Danaiah. Nanahimik na lamang sya at hinintay ang susunod na sasabihin nito.

"As I was saying, isang power lang per round ang kailangan mong gamitin. Hindi ka pwedeng magkamali. Per round naman ang laban kaya walang problema. But.. we need to change your apperance." Sabi nito na ikinalito ng tatlo.

"Let's continue dicussing tomorrow. Just go to your classes." Utos nito at sinenyasan ang tatlo na maari na silang makalabas. Wala ng nagawa si Danaiah kung hindi sumunod. Wala syang ganang magtaray ngayon dahil sa mga nalaman nya.

--------

A/N: Okay, sorry for the LL chapter. Lame and late update. May writer's block ako. Kay @Jung123ME na hindi ko nasagutan ang tanong, sorry rin dahil ngayon ko lang nakita. Sakto naman yung tanong mo dahil etong update na 'to yung sagot doon. So ayun, sana nag-enjoy kayo. Votes and comment ✌ Remember, COMMENTS. :) Thanks :D

Dedicated nga pala 'to kay @ms_yoriyo :) Hala eto na. Maganda yung story mo kaya maniwala ka sa akin. Konti man ang reads, ayos lang, atleast maganda naman diba? Basahin nyo yung story nyang 'Suddenly'. Lack 'tong VMA sa Love kaya kung naghahanap kayo noon, saktong sakto ang story ni @ms_yoriyo. Just give it a try :)

Vendaral Magical Academy: Blazing FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon