Chapter 49- Definitely Going Back

3.5K 136 9
                                    

"Vendaral Magical Academy: Blazing Fire"

=Chapter 49- Definitely Going Back=

"Wait. That's not your True Body and Form?"

What did she mean by that? Oo, wala akong maalala ni isa. At ibang tao pa nga ang nagsasabi ng tungkol sa pagkatao ko imbes na ako. Pero ni minsan hindi sumagi sa isipan ko ang tanong nung babae. Gusto ko ng lumabas rito sa kwartong 'to para hanapin yung babae, papatayin ako ng curiosity. Sinabi nya kaseng lalabas muna sya at mag stay put lang ako. Kaso parang di ko naman magawa, sa mga katagang iniwan nya sa akin, mas lalo akong naguluhan. Pakiramdam ko may mali.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Napatingin agad ako roon at laking pasalamat ko nang makitang yung babae na yun. Hindi ko mabasa ang expression nya. Pero halatang seryoso sya.

"We need to remove the spell surrounding you. I informed the Principal about this, we can't figure out what's going on unless we remove the spell." Sabi nya sa akin at lumapit. Kumunot ang noo ko sa sinabi nya. Bakit kailangan nya pang i-inform yung Principal? Big deal ba talaga 'to?

"Ahmm. Anong klaseng spell ba yung nakapalibot sa akin?" Tanong ko. Hindi naman kase malinaw sa akin yung ibig sabihin nya. Saan ko ba nakuha yung spell? Sure naman akong may kinalaman 'to sa nangyare sa akin bago ako mawalan ng alaala. Kaya pala ganyan yung pakiramdam ko, something's wrong.

"Like I've said, hindi pa natin ma figure out. Unless kung matatanggal natin." Saad nya sa akin. Napaisip naman ako, have no clue on what's happening to me, and when I say that, I mean simula nung sa resthouse nila Oak. Kung yung mga ibang tao, pagnagka amnesia, may mga family na nags-support sa kanila. Paano naman ako? Na bigla nalang nagising sa gitna ng gubat? May tumulong sa akin pero hindi ko naman talaga kilala. Then malalaman kong hindi ako normal at pinapaalis ako roon dahil hindi ko raw mundo yun, kundi mundo ng mga vampires? At napunta ako sa impyerno at nakilala ang dalawang lalaki, which is hindi rin ako kilala. Tapos mapupunta ako rito, malalaman kong may spell na naka surround sa akin. Ano pa ba? Baka naman yun yung puno't dulo bakit nawalan ako ng alaala? I mean come on! It's not impossible!

"Sige." Sabi ko at huminga ng malalim. Mukhang wala namang mali sa pagfunction ng katawan ko, kase diba kapag sinabing spell, parang abnormal yung effect sa isang tao? Pero bakit ako? Nakakagalaw naman ako ng maayos, walang abnormal sa akin, pero may spell palang nakapaligid sa akin?

"Humiga ka na." Sabi nya na nakapag pabalik sa akin. Nakita kong may puting single bed na sa tabi ko. H-huh? Ba't kanina wala naman 'to? And then I thought, oo nga pala, hindi 'to normal. Humiga na ako roon at inayos ang higa ko.

"Close your eyes." Narinig kong utos nung babae. Huminga ulit ako ng malalim at pumikit. Nakarinig ako ng konting ingay at ilang yapak.

"This will be painful so I need to make you fall asleep. Tatlong araw ang epekto nito. Pati ang pagpapatulog sayo ay magiging masakit rin so you need to endure it. Kapag hindi kita tinurukan nito, mas masakit dahil mararamdaman mo ang ich-chant ko sayo and that would be extremely painful. Mararamdaman mo pa rin ang sakit kung papatulugin kita gamit ang power ko. Kaya as for now, pilitin mo muna." Sabi nya. Napakagat labi nalang ako. Akala ko na dahil hindi 'to normal ay wala ng inject inject pa. Naramdaman ko nalang ang tusok ng injection sa wrist ko, hindi naman ako takot sa injection, pero iba ang pakiramdam nito.

Unti unti ko ng naramdaman ang pag-akyat ng kung ano sa ugat ko pataas. Nagsisimula na itong kumirot. Kinagat ko na lamang ang labi ko. Parang humihigpit ang ugat ko. Parang may kung anong nagpupumilit sa akin. At gaya ng sinabi ng babae, napakasakit nito. Parang nagpupumilit na i shut down ang senses ko kaya naging sobrang sakit ng proseso. Tumagal ito ng ilang minuto hanggang sa....

*****

3 days later...

Third Person's POV

"Van, we need to tell Principal about this! Seryoso 'to at hindi natin kakayanin kung tayo lang!" Sigaw ni Marky kay Van. Kasalukuyan silang nasa loob ng clinic kasama si Dana na hanggang ngayon ay wala pa rin malay. Natapos na ang proseso sa pagtanggal ng spell na nakapalibot sa kanya kaya dito sya dinala.

"Just make sure that it's just us and tanda who knows about it. This is dangerous." Sabi naman ni Van at tinignan si Dana habang nakahiga sa kama. Ayaw na nyang lumala ang sitwasyon kaya hangga't maaga pa eh hihingi na sila ng tulong kay Principal.

Agad na lumabas ng clinic si Marky upang ipaalam ito sa Principal. Ngayon palang nila nabisita si Dana dahil sinisigurado pa lamang ni Ms. Trinidad na wala na talagang spell na nakapalibot sa kanya. Ngayong araw rin gigising si Dana ngunit hindi nila alam ang eksaktong oras. Alam na nila.. alam na nila kung anong nangyayare. Malaki ang gulo kaya ipapaalam na nila kay Principal ito.

Pinagmasdan ni Van ang dalaga at hinawakan ang kamay nito. Napatingin sya sa suot nitong kwintas na may nakalagay na 'DVP'.

"Hindi ka mawawala sa akin. Hindi ka matutulad kay Dayne na nawala sa akin. Hinding hindi." Sabi nya at hinawakan ng mahigpit ang kamay ni Dana. Napapikit sya at pinagmasdan muli ang dalaga.

"V-van?"

----------------

A/N: Okay guys, here is the Chapter 49! Sana nagustuhan nyo kahit maikli lang. Votes are highly appreciated, lalo na ang comments! Let me know what you're thinking! At sa mga palaging nagcocomment, thank you very much! Dedicated pala 'to kay @heidi009, dahil sa palagi nyang pagc-comment. Ngayon ko lang nakita yung mga comments mo. Sorry, btw thank you for reading this! 😊

Vendaral Magical Academy: Blazing FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon