"Vendaral Magical Academy: Blazing Fire"
=Chapter 11- Training=
"First, you should know your limits. Dapat wag mong pipilitin ang sarili mong gawin ang isang fire technique kung hindi naman kaya. It might be the reason of your death." Pananakot nya. Tumango tango lang ako, alam ko naman yan eh. Common sense lang kaya yun.
"Second, your Fire Power is not a joke. It is the most dangerous you will possess in our 5 elements. Pakatandaan mo yon, totoo ang sabi ni Nicole na mahina ka. That's why I don't even know kung bakit napunta sayo yang power na yan. Tsk." Inis nyang wika. Tumango lang ako. "Pero bakit ikaw? Mahina ka rin naman ah.." Reklamo ko sa kanya.
"Well, I'm not weak. I can handle myself. Stop asking, I'm not your teacher." Saad nya. "You're not my teacher but why are you explaining this even if I don't want to?" Tanong ko. Umiling lang sya. "Ang kulit mo, wag ka ng magtanong."
"Third, don't try some techniques na hindi mo pa napag-aaralan. Maaaring hindi mo ito ma control." Pagtutuloy nya. Ang sarap sumabat sa mga sinasabi nya, nakakainis kaya. "Oo na, para akong bata. 17 na kaya ako." Inis kong sabi.
"Oh? 17 ka na? Hindi halata, your acting like a 8 year old crying baby. So immature and hard headed." Panlalait nya. Inirapan ko nalang sya. Nakakatamad makipag-argue sa lalaking 'to. Walang patutunguhan.
"Fourth, wala na. Magsimula na tayo." Hay salamat naman, nakakaboring kaya. Plus the fact na lagi kong tinitignan yung headset nya sa leeg at gusto ko ng putulin. If I know dala dala nya yan simula nung pumunta sya dito sa Vendaral. Like duh?! Anong silbi?
"Danaiah! Ano ba? Mag concentrate ka nga, I'm wasting my time here, tss." Pagmamaktol nya. Well, sino bang may sabi na tulungan nya ako? Eh sya lang naman yung nagdala dala sa akin dito tapos biglang bait. May saltik ba sya?
"Oo na, bakit di ka na kase mag simula para may pinapakinggan ako dito, di yung hinahayaan mo kong mag space out." Paliwanag ko, inirapan nya lang ako. Oo, di nya bagay, pero sige na nga. Oo, cool pala -.-
"Let's start with the basic. The fire balls." Lumapit sya sa akin at pinakita ang bagong gawa nyang large fire balls. Medium, small and super small FB (fire balls) lang ang kaya kong gawin. I've once tried the large ones pero nahihimatay lang ako.
"Just concentrate and feel your power. Let it burst out in your hand, then, you should control it. Isipin mo ang large fire balls at gawin mo ito. Hindi pwedeng hahayaan mo lang. Remember, delikado yan." Remind nya. Pumikit ako at binukas ang palad ko.
Inisip ko ang power na meron ako, inisip ko kung ano ang pagkakaiba between humans and me na may power, inisip ko rin ang pakiramdam na kakaiba pag lumalabas ang power ko.
*SWUSSHH*
Naramdaman ko sa palad ko ang natural power na lumabas, wala pang maitatawag dito kundi fire. Means, kailangan ko bang imold at ibigay ang kakayahan ng FB. Nag concentrate ako at inisip ang pinaka malaking fire balls na magagawa ko, at kung hanggang saan ang makakaya ko. Kailangan kong kontrolin ang isip ko at wag mag papapasok ng kahit anong bagay, kundi, sayang lahat ng efforts ko.
Minulat ko ang mata at nakita ang perfect shape, large fire ball na medyo maliit sa gawa ni Van. Medyo lang naman, pero matatawag pa rin na large. Tumingin ako sa kanya at ngumiti.
"First try? You did it, not bad, pero your too slow. Kung aatake ang kalaban, gagawin mo muna yon para madepensahan? Malamang nakahandusay ka na sa semento kung ganyan ka kabagal. Failed." Umiiling iling na sabi nya. Sinamaan ko sya ng tingin, pagkatapos lahat ng efforts ko? Sasayangin nya lang? Ganon?
"Ayos na yon for beginners like me! Tsaka sabi mo nung una, ayos lang. Tapos ngayon, failed? Aba!" Kontra ko. Nag-ayos sya ng gamit at pinatay ang ginawa nyang blue fire, akmang lalabas na sya ng harangan ko sya.
"What?" Tanong nya. "Passed ako diba?" Tanong ko, umiling iling lang sya.
"Your too weak, MP. You should take your training, para may improvements." Sabi nya at umalis na.
MP? Ano yon?
------
A/N: Alam nyo ba kung ano ang MP na sinasabi ni Van? Dahil may nagcomment sa past chapters, ginanahan ako kaya nag-ud na ako. :) Comment your thoughts
![](https://img.wattpad.com/cover/50628865-288-k619380.jpg)
BINABASA MO ANG
Vendaral Magical Academy: Blazing Fire
Fiksi Umum"Life is about taking risks... but what if you're starting to cross your limits?" Highest Ranking #7 in Fantasy {UNDER EDITING} (Copyright) StellRynaSirchNirt