"Vendaral Magical Academy: Blazing Fire"
=Chapter 44- Going Back=
Third Person's POV
Hindi nagdalawang isip na tumakbo papunta sa lugar ng pagsabog sila Van at Marky. Isinantabi muna nila ang patungkol kay Victoria at dali daling sinundan ang pinangyarihan ng malakas na ingay. Hindi nila maintindihan pero alam nilang mayroon silang mapapala rito.
Maya't maya ay may narinig silang tunog, parang may nabagsak na salamin. Mas lalo nilang binilisan ang pagtakbo, sigurado silang may kung sino man ang naroroon at may sapat na lakas upang gumawa ng ingay. Walang tigil nilang pinuntahan ang lugar upang maabutan ang may kagagawan.
Napahinto sila dahil naroon na sila sa mismong pinangyarihan ng pag sabog. Wala silang nakita kundi madumi at magulong lugar, kagaya lamang ng ibang bahagi ng kinaapakan nilang lugar ngayon.
Bakas sa kanilang pagmumukha ang dismaya, ngunit lumiwanag rin nang may makita silang babae sa sulok, nakahiga sa mga pira pirasong salamin, bagay na nakapagpadugo sa braso at likod nito. Nakatalikod ito sa kanila kaya hindi nila makita ang mukha. Dahan dahan silang lumapit------ may distansya pa rin---- at iniharap ang katawan.
Bumungad sa kanila ang napaka gandang babae na walang malay, napakarumi ng pagmumukha nito at pati ang damit. Agad binuhat ni Marky ang babae palayo sa pira pirasong salamin upang hindi na dumagdag ang sugat nito. Isinandal nya ang katawan nito sa pader.
Hindi makagalaw at dismayado ang lalaking si Van habang nakatayo pa rin sa harapan ng mga basag na salamin. Hindi nya maintindihan, ang buong akala nya ay matatagpuan na nya si Dana. Akala nya ang dalaga na nakahiga sa sahig ang hinahanap nya. Ngunit hindi.. nagkamali sya.
Light's POV
*Flashback*
Ramdam ko ang pagkirot ng kalmot na natamo ko sa dalawang bampira na umatake sa akin. Sobrang bilis nilang gumalaw, parang hangin--- o mas mabilis pa roon. Sigurado akong balak na talaga nila akong patayin, kagaya nga ng sinabi nila, tatapusin na nila ako. So, totoo nga yung sinabi ni Oiree? Inuubos talaga ng mga kalahi nila ang mga katulad namin? Pero bakit? Wala syang nabanggit.
Hinanda ko ang sarili ko para labanan ang dalawang bampira, ilalahad ko na sana ang mga kamay ko nang biglang....
*SWOOOOSSSHH*
Itim... Puro itim ang nakikita ko, sigurado akong hindi ako nakapikit pero itim lang talaga. Para kong nasa kawalan. Walang mapupuntahan. Nakakabinging katahimikan.
Pero mabilis ang pangyayare, nagbago ang lahat. Bigla akong nakaramdam ng hilo, parang nag-iikot ikot lahat. Ang nakakabinging katahimikan at simpleng itim, ngayo'y iba na. Parang naaalog ang buong isipan ko. Pati emosyon ko napaglalaruan. Galit, saya, lungkot, takot... Lahat. Para akong nahuhulog habang nagpapaipaikot.
*BOOOGGSSSHHHH*
Namalayan ko na lamang na wala na ang nakakahilo at nakakagulong kapaligiran. Bumalik na sa dati ang pag gana ng isipan ko. Ngunit ang nakakagulat ay wala na ako sa gubat, wala ng mga bampira na gustong tumapos sa buhay ko. Nandito lamang ako sa isang lugar na magulo at madumi, may bakas ng dugo.
Castle of Agony, hindi ko alam ngunit owtomatikong pumasok sa isipan ko yan. Pakiramdam ko ay epekto lamang 'to ng pag loloko ng isipan ko.
Dala ng pag sisirko sirko ng paningin ko kanina, kung ano anong larawan ang pumapasok sa isipan ko. Magulo ang lahat ngunit isa ang tumatak sa isipan ko.
BINABASA MO ANG
Vendaral Magical Academy: Blazing Fire
General Fiction"Life is about taking risks... but what if you're starting to cross your limits?" Highest Ranking #7 in Fantasy {UNDER EDITING} (Copyright) StellRynaSirchNirt