Chapter 29- Eyes

6K 212 12
                                    

"Vendaral Magical Academy: Blazing Fire"

=Chapter 29- Eyes=

Binaba na ako ni Van kaya umayos na ako ng tayo, konti lang ang space na nabibigyan ng light kaya naging alerto kami sa paligid. Pundi pundi pa yung ilaw na nakasabit kaya humanda na kami kung sakaling aatake ang mga Dark Ghosts. Sa sulok na sulok kami nakapwesto kaya kung i corner nila kami, macocorner talaga kami dahil pader yung sa likod namin. Mas ayos naman 'to atleast yung harapan lang yung binabantayan namin. Kakayanin naman siguro naming patayin sila nang hindi kami nacocorner.

Naaaninag ko na yung mga Dark Ghosts. Literal silang Ghosts na lumulutang, pero wala silang faces. Para lang silang hangin, mapapansin mo lang sila dahil may shape sila. Tapos medyo may kakaibang ingay silang nilalabas, parang bumubulong na ewan.

In no time, biglang papunta na sa amin yung mga Dark Ghosts. Aren't they afraid in the light? Bakit tuloy tuloy lang sila? Bakit di sila tumitigil? I guess this isn't easy like I thought.

Hindi ko alam kung paano sila mapapatay. Like duhh, mga ghosts sila. Para lang silang hangin, wala namang sinabi si Sue about killing them kaya as in wala akong idea.

Tinry kong gumawa ng Fire Dragon, muntik na akong matumba nang may maramdaman akong enerhiya mula sa.... ring? Umilaw sya na parang glow in the dark, para syang Ruby. Napatigil rin si Van at napansin nya yun. Tumingin sya doon sa ring pero hindi pa rin sya tumitigil sa pag-atake sa sunod sunod na Dark Ghosts.

Halata mong nagulat talaga sya, pati rin naman ako eh. Umilaw ng sobra yung ring hanggang sa nagsilbi itong ilaw. Unti unti nang nawawala yung mga Dark Ghosts kahit wala kaming ginagawa.

Hindi ko alam kung anong nangyayare, basta ang sunod ko nalang nalaman ay ang pagyanig ng lupa, pagkawala ng mga ghosts at ang pagdilim ng paligid ko..

******

Once I felt full, my eyes automatically open. Na para bang may Energy Meter ako at napuno na yun kaya bigla bigla nalang bumukas ang mata ko. Hindi ako yung bagong gising na pipikit pikit pa yung mata, ngayon, parang matagal na akong nakagising. Iba yung pakiramdam ko, sobrang iba.

Naramdaman ko ang pagod ng sobrang pag higa kaya agad rin akong umayos at umupo. Nilibot ko ang paningin ko kung saan ako nakahiga, ngayon ko lang narealize na nasa sahig lang pala ako, marumi at maalikabok na sahig to be exact.

Ang unang pumasok si isip ko ay, nasaan si Van? Hindi ko alam bakit pero yun agad ang hinanap ng mata ko, and there he was, sitting on the floor while sleeping. Nakasandal sya sa pader at halata mong pagod na pagod.

First of all, I don't know what is this place, yeah sure we're still in the Hell Place pero I don't where the exact place I am. Madumi yung kwarto, magulo yung gamit at maraming agiw. Wooden lahat. Pero walang blood or any stuffs na pwedeng pandirihan. Wala ring mga exotic creautures or ghosts, hindi naman sa hinahanap ko pero natural namang hanapin ko sila dahil baka bigla bigla nalang silang lumitaw at umatake, hindi ba? So, you know what I mean.

I stood up to wake Van, sya lang naman ang nakaka-alam ng lahat, besides wala sa oras ang pagtulog namin. We need to get out of here as soon as possible, at hindi mangyayare yun kung matutulog lang kami dito.

"Hey.." Bulong ko at tinapik ang balikat nya, I lower down my voice para walang makarinig na kung ano man sa akin. Kahit naman walang blood dito sa kwartong 'to, it doesn't mean wala na ring monsters or ghosts. There are creatures that cannot be seen by naked eye, hindi mo alam, pinapanood ka lang.

Hindi man lang sya gumalaw kaya tinapik ko ulit sya. But this time, I called his name. "Van.. Wake up.." Bulong pa rin ang ginagawa ko, kung pwede lang sumigaw eh baka kanina ko pa sinigawan 'to.

Medyo gumagalaw na yung mata nya at finally, nagising na rin sya. Tumingin sya bigla sa mga mata ko, pero kung tititigan mo, halatang wala pa sya sa sarili nya. Pinagmasdan ko rin sya habang hinihintay na mag fully awake.

"D-dayne....?" Nagulat nalang ako ng hawakan nya ako sa balikat ng mahigpit. Alam kong wala pa sya sa sarili nya kaya tinanggal ko nalang yung mga kamay nya sa balikat ko.

Dayne? Bakit si Dayne na naman? Ano bang meron dun? Bakit palagi nalang nya akong napagkakamalan na si Dayne? Dayne? Dayne? Dayne? Puro nalang Dayne! Arrgghh! Kahit naman wala sya sa sarili nya, instinct na ang nagpapagana sa katawan nya, at yun yung automatic na nararamdaman nya. So, he is seeing right now is Dayne and not me?

Arrgh! Bakit ba ako naiinis? There's no time in giving small things attention. Pero... Small things lang nga ba?

"Dayne..." Buo na ang word ng pagkakasabi nya pero medyo wala pa din sya sa sarili nya. "Dayne... Dayne... Dayne.... Dayne.." Ulit ulit nyang binabanggit ang pangalan na yun sabay ang paghawak nya ng mahigpit sa balikat ko. "Dayne... Dayne.." Arrggh! Nakaka irita na! Puro nalang sya Dayne! Ano bang meron?! Nakakabanas! Can't he see I'm Dana?! Tsk!

"Dayne... Day----"

"I'm not Dayne okay?! I'm Danaiah!" I can't help but to shout. Nakaka umay, puro nalang Dayne. Tinanggal ko ang kamay nya sa balikat ko. Mukhang nagising na sya, as in gising na alam na ang ginagawa nya.

Tumayo ako at tumalikod sa kanya. Pinakalma ko muna ang sarili ko at saka ko lang naisip na sobrang tanga ko dahil sa pagsigaw na ginawa ko. Hindi ko man lang naisip na baka maka-attract ako ng mga monsters! Tsk, bakit kase ako nagpadala sa emotion ko? Like WTH?! Ang liit na bagay lang!

Humarap ako sa kanya, nakatayo na sya ngayon at parang nagsisisi yung mukha nya. Maybe he realized what he just did. Kase naman, baki----- arrgghh! Nagpapadala naman ako! Calm down, Dana.. Calm down.. Ang liit lang nung bagay.

"Okay.. I'm sorry, you know? Nairita lang ako, Dayne ka kase ng Dayne eh. Bu----"

"No, no. I'm really sorry, I was dreaming. I don't know it's you. I'm sorry, really. Don't be sorry, nakakainis naman talaga ako eh.." He said and gave me an apologetic eyes. Hindi ko alam pero parang gusto kong sabihin sa kanyang ayos lang, at yun naman ang ginawa ko.

"No, no, no. It's okay, nevermind. Little things, huh?" I said and gave him a nervous laugh. Umiwas ako ng tingin, medyo awkward eh. Ngumiti sya at tumango nalang. Parang hindi pa rin ako makapaniwala na dalawang beses lang syang nag sorry samantalang napakalaki ng kas---- Omygosh! Bakit ko ba ginagawang big deal yun? Am I not happy that he say sorry? Tsk, what is happening to me?

Binalik ko ang tingin ko sa kanya, ine-expect kong nililibot nya ngayon yung kwarto para malaman kung anong susunod na gagawin pero hindi, he's just looking at me---- exactly on my eyes.

"W-what?" I stutter, grabe naman kase syang makatitig sa mata ko. Sinong hindi ma c-conscious? Kakaiba yung tingin nya eh.

"You... you have Red Eyes."

--------------

A/N: Hello guys! Sa mga nagpapa dedicated, yung isa muna huh? Hinaya hinay lang, kung pwede lang mag dedicate ng tatlong tao, ginawa ko na. Pero hindi appropriate yun. So binase ko ang pag dededicate kung sino ang nauna. Next chappy nalang yung iba. Thanks :)



Vendaral Magical Academy: Blazing FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon