"Vendaral Magical Academy: Blazing Fire"
=Chapter 35- Another Dana?!=
Third Person's POV
Tahimik na naglalakad ang kambal na nagngangalang Victoria at Veronica. Tanging tunog lamang ng sapatos nila ang maririnig. Magkamukhang magkamukha ang dalawa ngunit hindi sa galaw. Kaya nga sumangayon ang isa't isa sa plano dahil parehong pabor sa kanila ito.
"Hanggang dito na lamang ako, dadalhin na kita doon.." Saad ni Veronica sa kanyang kakambal. Ngumisi si Victoria at tumango, bakas sa pagmumukha nito ang kasiyahan.
"Sure my dear, but let me..." Sabi nya at unti unting nagbago ang kanyang katawan at pagmumukha. Nag-iba ang lahat sa kanya, kasama na ang kasuotan, pati ang kapangyarihan nito na apoy. Hindi na sya ngayon si Victoria, kundi si..
"Kamukhang kamukha mo na si Danaiah, Victoria. Pati ang kanyang pulang mata, nakuha mo rin.." Pagpupuri sa kanya ng kapatid. Ngumiti ito. "Don't call me Victoria, starting this day, I'm Danaiah Santos. Make sure you won't let that girl escape, understand?" Utos nito sa kapatid.
"Matutupad. O baka gusto mo pang iligaw ko sya nang hindi na rin sya makabalik?" Mapanglarong tanong ni Veronica. Ngumisi lamang si Victoria. "Much better. But remember, don't you ever kill her, if she dies, I'll not be Danaiah anymore." Ang tanging naisagot nya.
"Matutupad muli. Dadalhin na kita doon." Saad ni Veronica. Sumangayon si Victoria na si Danaiah ang pisikal na anyo.
Pumikit si Veronica at inilahad ang kamay sa harapan--- kay Victoria---- at nilunod ang isipan sa lugar na kapupuntahan ng kapatid.
*BOOOGGGSSHH*
Isang malakas na pagsabog. Pagmulat ni Veronica, wala na ang kanyang kambal at siguradong sigurado sya na kasama na nito si Montenegro at si Alcantara. Tagumpay ang plano, isip isip nya at ngumisi. Masaya ito para sa kambal dahil sa wakas, maisasagawa na nito ang paghihiganti na matagal na nitong hinahangad.
Naglakad sya pabalik upang bisitahin ang babae na tuluyan na ring mawawala at kakalimutan ng mundo. Dahil ang bagong Danaiah Santos na kikilalanin ng lahat ay ang kapatid nyang si Victoria Ric.
*****
Dana's POV
Naiiyak ako. Hindi ko alam kung bakit ako nandito, hindi ko alam kung anong gagawin ko at ang malala, wala akong kamalay malay kung anong magiging kapalaran ko. Kung sana eh nagagamit ko pa yung kapangyarihan ko, pero wala, nawawala nalang bigla sa ere kapag gagamitin ko na ito. Hindi ko alam kung epekto ba ito ng pagkawala ng singsing ko o ano.
Tumayo ako para icheck ang pinto, naisip ko na baka tanga yung lalaki at nakalimutan nyang ilock ang pintuan. Nang maicheck ko na, isip ko lang pala lahat yun dahil hindi sya tanga kase nailock nya ng maigi. Nakakainis, bakit?! Bakit kase kailangang mangyare 'to?!
Kasalukuyan akong nagluluksa nang biglang bumukas ang pintuan. Napatingin ako habang hinihiling na sana hindi ito yung lalaki. Natupad naman dahil hindi nga sya, yung babaeng Victoria ata ang pangalan? Ngunit maamo ang mukha nya ngayon kesa kanina noong tinawag nya ang lalaki.
"Danaiah.." Tawag nya sa akin at sinara ang pintuan. Ang lamig ng boses nya, hindi katulad kanina na matinis. Napaurong ako sa kama dahil sa takot sa kung anong gagawin nya. Papatayin o papatayin o papalayain? Which one? Can you tell me which one?
Natawa sya na pinagtaka ko. Anong nakakatawa sa sitwasyon ko? Alam ko namang aware syang dinukot lang kaya't anong tinatawatawa nya dyan?!
"Huwag kang matakot, Danaiah. Hindi naman kita papatayin.." Sabi nya at lumapit papunta sa akin. the way she calls my name, kakaiba.
Napahigpit ang kapit ko sa balot nitong kama. Wala na naman akong panlaban sa kanya, pati kapangyarihan ko, hindi ko na magamit.
"Kinakabahan ka hindi ba? Wag, sabi ko sayo, hindi naman kita sasaktan.." Sabi nya at lumapit sa akin. Napakalalim nyang magsalita ng tagalog, pero kanina lang english sya ng english.
Mas lalo syang lumapit sa akin at tumayo sa tabi. Tinaas nya ang kamay nya at unti unti itong nilapit sa pagmumukha ko. Ni hindi ko magawang umilag sa kanya dahil wala na akong lakas para gawin iyon. Napapikit na lamang ako at hinintay ang kamay nya sa pagmumukha ko.
Naramdaman ko ang paghaplos nya sa pisngi ko. Dumiin ang pagkakapikit ko at hinintay sa sampal nya o ano.
Ngunit wala, patuloy lang sya sa paghaplos, walang masakit sa ginagawa nya. "Wag kang mag-alala, dadalhin kita sa lugar na walang panganib, wala kang maalala, hindi na ikaw si Danaiah dahil kinuha na ng aking kapatid ang katauhan mo. Ikaw, ngayon, bagong mukha, bago ang lahat. Nasa sa iyo na lamang kung makakabalik ka pa sa iyong pinanggalingan."
---------
A/N: Sup? Sorry sa super late update! Nabusy kase ako nung Saturday kaya wala akong nagawa, umalis naman kami nung Sunday kase pumunta kaming Thanksgiving Day ng Pangako Sa'yo 😀 At ngayong araw ko lang nagawa ito, at ang mas malala, short lang sya, sorry, ang daming ko ng kasalanan. Anyway, etong part na 'to ng bawat chapter ang pinaka gusto kong part, ang author's note. Bakit? Well, dito ko lang naman kayo napapasalamatan. Thank you very much for reading this crap.😂😂😂😂😂
BINABASA MO ANG
Vendaral Magical Academy: Blazing Fire
General Fiction"Life is about taking risks... but what if you're starting to cross your limits?" Highest Ranking #7 in Fantasy {UNDER EDITING} (Copyright) StellRynaSirchNirt