Chapter 8- Fire Princess

11.2K 401 16
                                    

"Vendaral Magical Academy: Blazing Fire"

=Chapter 8- Fire Princess=

*PAKK*

Nagising ako sa lakas ng palo sa braso ko. Ano ba yon? Ang sarap sarap ng tulog ko dito eh. Pinikit kong mariin ang mga mata ko at niyakap ng mahigpit ang sarili ko. Geez, bakit ang lamig naman?

*SPLAAASH*

Napamulat ako at nanlaki ang mga mata ko ng parang may nagbuhos sa mukha ko ng napakalamig na tubig.

Napatayo ako sa kinahihigaan ko at pinunasan ang sarili, nakita kong naka kunot noo si Nicole sa tabi ko habang naka tingin sa akin sa malayo yung lalaking nakatitig palagi. Kinakausap naman nung babaeng nakabangs yung masiyahin na lalaki. Pero teka, nasaan si Van? Aissh, bakit ko sya hinahanap? Oo, gusto ko lang putulin yung leeg nya dahil sa headset nya. Oo, yun lang yun.

"Gumising ka nga, babae ka! Hindi ka namin dinala dito para matulog! At isa pa, tulo laway ka pa! Gross.. And if I we're you, I'm going to fix myself first, nakakahiya yang itsura mo. Ugly duckling." Sabi nya na kinainis ko, tignan mo nga naman sya. Ang yabang nya, porket maganda? Tss. *Mental Roll Eyes*

"Oo na, eto na oh! Nakagising na ako! Bulag ka ba? At hindi ko rin naman alam bakit nakatulog ako, wala akong alam kaya dapat alam mo yun. Babaeng 'to. Tulo laway ba kamo? The hell mo mukha mo! Wala akong pake! Hindi ko na kailangan mag-ayos pa sa harapan ninyo, eh halata namang pag nag-ayos ako, paa nalang kita, idagdag pa natin ang katotohanan na napaka arte mo, pa english english ka pa, kala mo naman nasa ibang bansa k, hmp!" Saad ko at tumayo na, hinila nya yung blouse ko na syang kinaupo ko. Gulo ba hanap nito? Tss.

"Hoy! Kinakausap pa kita! That's not the right manner, halatang wala kang pinag-aralan." Nag init ang ulo ko sa sinabi nya, walang pinag-aralan? Aba, letche 'to ah.

Pasimple akong gumawa ng small fireball at mabilisang tumayo. Binato ko sa kanya yung ball na ikinagulat nya at pati na rin ang 3 pa. Mabilis ang reflexes nya kaya nadepensahan nya agad yon gamit ang napakalaking water shield. Kitang kita ko paano nilamon ng tubig ang apoy ko. Woah, ngayon lang ako nakakita nyan.

Nanlalaki ang mga matang tinignan ako ng apat. Hindi ko alam kung dahil mahina ako or dahil sa power ko. Tumayo si Nicole at nagpagpag ng kamay. "Tss, so fire ang power mo? Saan mo nakuha?! Bakit fire din ang power mo?! Huh?! Dinaya mo ba kami?! That's impossible! Really!" Sigaw ni Nicole. Hindi ko makuha kung anong pinagtataka nya.

"Nics, sya ang Fire Princess kaya nangyare yun. Baka nahanap na natin talaga at sya na yun. Hindi naman i----" Naputol ang sasabihin nung nakabangs na babae dahil nagsalita na si Nicole. Fire Princess? Ako? Tss, what a joke?

"Seriously Ailee? Siguro ka ba sa sinasabi mo? Unang una, hindi natin alam saan sya nanggaling, alam agad ni Principal yun kung sya nga ang FP. Pangalawa, she's weak! She don't deserve that kind of big title!" Pag rereklamo ni Nicole kay Ailee, yung naka bangs. Ano ba kasing pinag-uusapan nila? I'm kinda confused.

"No Nics, I agree with Ailee, sya na ang FP. Let's inform principal kung ganun. Imposibleng hindi sya, ----" Ayan na naman si Nicole, putol ng putol sa sasabihin. Well, to inform you, yung lalaking masayahin yung nagsalita.

"Pati ikaw Kaizer? Wow ha. Tss." Sabi nya at tumingin kay Kaizer. "What's the problem if she is the Fire Princess Nics? There's no problem in that. In fact, we should be happy right now because she is here." Biglang sabat nung nakababang buhok. Tumingin sa kanya si Nicole.

"What the hell? Ikaw rin Marky? I'm impressed, napaniwala kayo ng babaeng yan." Saad nya at lumabas ng room.

------

A/N: Maikli lang talaga, sinadya ko hahaha. May QUOTA na nyan. Feedbacks naman para mapabilis ang update :) Thanks :D

Vendaral Magical Academy: Blazing FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon