Chapter 50- Obviously, Definitely, Really Going Back, Like Home

4.1K 124 17
                                    

"Vendaral Magical Academy: Blazing Fire"

=Chapter 50- Obviously, Definitely, Really Going Back, Like Home=

Dana's POV

I felt nothing. I felt numb. Wala akong maramdaman. Oo't may malay ako pero pakiramdam ko blanko ang lahat. Pure black everywhere. Alam kong nakapikit ako pero normal lang naman na makaramdam ako. It's like several days had passed and I'm still here, conscious but I can't feel anything. Parang ilang araw rin akong nakatingin sa kawalan, hindi makagalaw nor makapagsalita. Kahit makaramdam man lang. But I was there, watching how black become black. Hindi ako naiinip dahil wala akong maramdaman. Walang masakit o ano. As in blank, wala.

Hindi na nung nagawa ko ng buksan ang mga mata ko. Nakakasilaw, lalo na yung ilaw na nakasabit sa ceiling. Nakaramdam na rin ako sa wakas. Pero yung nag construct ng silid na 'to, manhid. Hindi ba nya naisip na kapag nagkamalay na ang isang tao na nakahiga rito, deretso ang tingin nya sa ilaw na napakasilaw? Hay naku. Hinayaan ko munang mag adjust ang paningin ko. Medyo napapapikit pikit pa rin ako dahil matagal tagal akong nakatingin sa kawalan. May nakikita ako pero black, weird right?

Nagawa ko na ring malibot ang paningin ko. At ang unang nakita kong buhay ay si.... w-wait. Van? Si Van? Van Montenegro? Yung lalakeng kinaiinisan ko dahil palaging may headset sa bandang leeg? Yung gusto kong putulan ng leeg? Sya? Pero ngayon, wala na syang headset. Nakahawak sya sa kamay ko, at nakatingin sa... wait.. kwintas? Yung may DVP initials? Oo nga pala, eto yung binigay nya nung battles. Suot ko pa pala 'to?

"Hindi ka mawawala sa akin. Hindi ka matutulad kay Dayne na nawala sa akin. Hinding hindi." Nagulat naman ako sa sinabi nya. Involve ulit si Dayne? Ano ba kaseng connection ko sa kanya? At bakit ako mawawala? Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa bigla syang tumingin sa akin. Nagtama ang mga mata namin kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"V-van?" Automatic kong sabi. Nagulat rin sya. Akala ko kakausapin nya ako pero nagulat ako nang bigla nya akong yakapin. Hindi na ako nakagalaw. Iba yung yakap nya. Nakahiga ako pero nakayakap sya sa akin. I know it's weird for him na yakapin ako. Duhh?! Suplado kaya 'to. Tapos ganun lang? Pero hinayaan ko nalang, I hate to admit it pero parang may kakaiba akong nararamdaman. Pabalik ko syang niyakap. Pakiramdam ko napakatagal ko syang hindi nakita. Parang---

"You're back.." Bulong nya sa may bandang tenga ko. Gusto ko sana syang bigyan ng pilosopong sagot kaso alam kong seryoso sya. Hindi sya yung dating Van. Iba talaga.

"Bakit? Nawala ba ako?" Pabiro kong sagot sa kanya. Tumawa ako. Sa totoo lang eh ni hindi ko alam kung anong sagot sa tanong ko. Pakiramdam ko lang naman eh dumaan ang matagal na panahon, hindi naman years pero sapat na para matawag na matagal.

Bumitaw sya sa yakap kaya bumitaw rin ako. Pinilit kong sumandal sa headboard ng kama at umayos ng upo. Ngayon lang ako nakaramdam ng hiya. Bakit hindi ko man lang sya tinulak? Diba ganun naman talaga ako? Bakit hinayaan ko lang sya? Maybe I know that there's something's strange, may iba eh.

"Y----" Hindi na naituloy ni Van ang sasabihin nya dahil bumukas ang pinto at iniluwa noon si Marky. Bago pa man ako makapag react, bigla nalang syang tumakbo papalapit sa akin at niyakap rin ako. Katulad ng kay Van, kakaiba rin ang kanya. May nasesense talaga akong something. Bukod sa napakastrange sa feeling kung bakit narito ako at may nararamdaman akong kakaiba, eto pang mga pagyakap nila sa akin ang ang lalong nagpadagdag sa percent ng Weirdness Meter ko.

"I miss you." Sabi nya ng makabitaw na sa yakap. Hindi ako makagalaw. I know ginawa na rin ito ni Van pero there's a hint of obvious something yung kanya. Napakaraming strange, odd, weird, eccentric and not-so-normal-because-it's-abnormal feeling ang dumadalo sa utak ko. At hindi ako tanga para masense na may alam ang dalawang lalaki sa harapan ko.

Vendaral Magical Academy: Blazing FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon