Chapter 2- Her Power

15.4K 520 14
                                    

"Vendaral Magical Academy: Blazing Fire"

=Chapter 2- Her Power=

"Dana naman eh... Sige na kase..." Pagmamaka-awa ni Ricca, friend para sa akin, bestfriend para sa kanya. Ayos diba? Feelingera rin eh. Pasalamat sya at yun lang ang sayad nya. Pag naman ako napuno sa kanya, hindi ko sya pagtyatyagaan ng ganito.

"A.Y.O.K.O. May buhay din ako at wag mo akong guluhin. Anong oras na kaya." Wika ko at tumingin sa relo. "8:00 na! Gagabihin ako! Wala na akong mapapara na Jeep! At tignan mo naman, wala ng katao-tao dito!" Sermon ko sa kanya. Alam nyo ba ang hinihingi nya? Ang tulungan ko sya sa Project nya na bukas nya na ipapass. Ewan ko bakit sa akin sya nagpapatulong. Hindi naman ako yung top sa klase pero bakit ako ang ginugulo nya? Kasalanan ko ba kung bakit wala pa syang nagagawa? Kasalanan ko rin ba kung babagsak sya?

"Eh please na kase..." Pagmamaka-awa nya. Wala akong awa kaya hindi nya ako madadala sa ganyan ganyan nya. Nag tuloy tuloy ako sa paglalakad papunta sa gate ng school habang sya naman ay sinusundan ako.

"Sige na, please. Sige ka, magpapakamatay ako!" Pananakot nya. Pero hindi ako nadadala. Tumigil ako ng kaunti at lumingon sa kanya. "Do what you want! It's a free country!" Sigaw ko at nagpatuloy sa paglalakad. Wala na akong pakielam kung anong mangyare sa kanya. Mamatay man sya bukas or bumagsak sya sa subject nya. I.DONT.CARE. Yeah, selfish man kung selfish, wala rin akong pakielam.

"Please na kase!" Sigaw nya pa habang sinusundan ako. Hindi pa ba sya susuko? Edi sana kung ginagawa na nya yung project nya ngayon, malamang tapos na sya! At wala pa syang inaabalang tao na mainit ang ulo!

"Wala ka ng magagawa. Aalis na ako. Gawin mo nalang mag-isa yung project mo, kaya mo na yan. Malaki ka na!" Saad ko pero patuloy pa rin sa paglalakad. Tumigil sya sa kakasunod sa akin kaya feeling ko sumuko na rin sya. Thank God! Nakaka-irita na kaya sya!

"Kahit pa ipagsabi ko ang FIRE POWER mo?" Nanlalaki ang mata kong lumingon sa kanya. How did she know that? Naglakad ako papunta sa kanya at hinawakan ang balikat nya. "San mo nalaman yun? Kanino? Sagutin mo ko!" Wika ko sa mabilis na tono. Wala dapat maka-alam nun! Sure na makikick-out ako sa school kahit pa close ng Principal si Dad. Syempre iisipin nila Halimaw ako. Alam naman natin ang mga tao ngayon.

"Kay Tiffany! Sinabi nya sa akin na ipagsabi ko sa buong campus, pero di ko ginawa. Kase friend kita eh." Paliwanag nya. Tinignan ko ng masama ang kawalan. Iniisip si Tiffany. Buiset na babae yun! Ayaw rin naman ni Beth na malaman ng buong university ang powers ko. Kase sya rin ang ggagastos sa ibang school pag nakick-out ako. Pero ewan ko lang sa Tiffany na yun! Napaka..... buiset! Makakatikim talaga yun sa akin mamaya!

"Leche." Bulong ko at tinignan si Ricca. Akmang magsasalita na ako ng unahan nya na ako. "Ano? Tutulungan mo na ako?" Tanong nya gamit ang mapang-asar na tono. Nanggigigil ako kay Tiffany! Kung alam lang nya kung gaano kalaking gulo ang ginawa nya pag nalaman nila ang power ko. Buiset na palaka!

"Aish.. Wag mong ipagkakalat! Subukan mo lang kundi gagawin kitang abo!" Pananakot ko at sinamahan sya sa paggawa ng project. Napipilitan lang talaga ako eh. Kung hindi lang dahil sa power ko malamang hindi ko 'to gagawin. Nagsisisi lang talaga ako na nagkaroon pa ako nito. Sagabal lang eh!

Nang matapos ko agad eh nag para na ako ng Jeep. Salamat nalang at meron pang dumaan na Jeep kahit 11:00 na. Ako lang mag-isa sa loob kaya naging alerto ako. Kahit kilala ko yung driver at kilala nya rin ako eh wala pa rin akong tiwala sa kanya. Feeling ko di sya mapagkakatiwalaan.

Nakatulog ako ng sandali sa Jeep at pag gising ko... Teka, bakit ibang way na 'tong dinadaanan namin? Hindi ito yung way papunta sa bahay ah! Sabi na nga ba eh! Hindi talaga mapagkakatiwalaan 'tong si Manong! Baka san nya ako dalhin! Baka anong gawin nya sa akin! Buiset!

"MANONG IBABA NYO NA AKO." Biglang sabi ko gamit sa malamig kong boses. Bagkus na itigil ang Jeep, nagtuloy tuloy lang sya na kinapanic ko. Alam kong narinig nya ako pero bakit ayaw nya akong ibaba?

"MANONG, OKAY NA AKO DITO." Sabi ko ulit. Tumingin sya sa akin pero binalewala nya lang at tuloy tuloy pa rin. O sige, kung hindi ko sya madadaan sa magandang usapan, anong gagawin ko? Alangan namang tumalon ako dyan? Kahit may powers ako babae pa rin naman ako eh.

Gumawa ako ng maliit na SuperSmall Fire Ball at ibinato sa balikat ni Manong. Ayos lang sa akin kung masaktan ko sya, wala akong pakielam. Ibaba nya lang ako ayos na.

"AHHHHHHHHH!" Sigaw nya at pinatigil ang Jeep. Sakto namang bumaba ako. Tumakbo sya at binuhusan ng tubig ang balikat nya. Ngayong ayos na sya, maaari na nya akong habulin. Pero hindi ako papahabol.

Sumakay sya sa Jeep at hinabol ako. Hindi ko mapigilang mapatigil ng kaunti dahil sa pagod. Hingal na hingal ako.

*BLAAGG*

Bigla akong nadapa sa isang sanga na nakaharang sa daanan. Shet naman! Wrong timing! Pinilit kong tumayo pero hindi ko kaya. Lumingon ako at nakita si Manong na pababa ng jeep at papunta sa direksyon ko. Pilit akong tumatayo pero masakit talaga.

Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya nag produce nalang ako ng Medium Size Fire Ball sa kamay ko at pinakita kay Manong. Napatigil sya habang nanlalaki ang mata nya. "PAANO MO NAGAWA IYAN?"

Hindi sya makapaniwala. Sinamantala ko na ang pagkagulat nya at tumayo na ako. Pinilit ko kahit masakit sa paa. Leche, makisama naman sana yung paa ko.

Naka recover kaagad si Manong at tumakbo papalapit sa akin. Binato ko kaagad yung Fire Ball sa paa nya. "DEMONYO! DEMONYO KA!" Nagsisisigaw sya habang nasusunog ang paa nya. Nakita nya ang sekreto ko. Hindi sya pwedeng mabuhay dahil ipagsasabi nya pero hindi ko kayang pumatay. Anong gagawin ko?

Pinilit kong tumakbo paalis. Hindi ko na kayang maglakad pa kaya naupo muna ako.

Napakalaking gulo ang pinasok ko. Paniguradong palalayasin ako nila Beth at Tiffany. Anong gagawin ko? Mapagkakamalan akong Halimaw o Demonyo. Nakakainis naman kase eh! Sagabal na naman yung kapangyarihan ko! Sana mawala na sya!

Kumuha ako ng panyo sa bag ko at tinali sa paa ko. Pansamantala lang 'to habang naglalakad ako pauwi. Kaya ko naman maka-abot sa bahay ng ganito.

________________

A/N: Don't judge agad! Patuloy lang po sana ang support nyo. Comments and votes! Thanks! :)

Vendaral Magical Academy: Blazing FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon