"Vendaral Magical Academy: Blazing Fire"
=Chapter 24- All Day=
"Wake up.." Narinig kong pasigaw na bulong ni Van sa tenga ko, naramdaman ko nalang ang basa sa may bandang balikat ko, at alam kong luha nya yun. Meron akong mahinang pag hikbi na naririnig galing sa kanya. Bakit naman sya iiyak? At bakit nya naman ako ginigising? Yeah I know cause I'm sleeping pero masama na bang matulog?
Pero dahil doon, tuluyan ko ng minulat ang mga mata ko. Tinignan ko ang gawing kanan ko para makita si Van, wala sya. I touch my shoulder, wala rin, tuyo lang rin, wala yung basa ng luha nya.
Alam kong hindi ako nananaginip, alam kong totoo yun at sya mismo ang nagsalita sa gilid ko. Boses nga lang nya pero malinaw na naramdaman ko ang luha nya sa balikat ko. Pero bakit dry naman nang tignan ko? Nalilito lang ba ako?
Napag desisyunan kong wag na lamang pansinin yon at isintabi muna. Walang tao sa kwartong 'to kundi ako lamang. I'm laying in a soft white single bed. Pure white lamang ang kwarto at may kakaunting gamit. Alam kong wala ako sa hospital dahil wala naman yung mga dextrose o ano ano man ang nakalagay sa akin. Tsaka may bintana sa gilid, which means nakita ko ang paligid. Confirmed, nasa Academy ako.
Nakaramdam ako ng gutom kaya nadapo ang paningin ko sa nag-iisang refrigerator rito. I smiled at the thought na makakakain na ako. Agad akong tumayo at lumakad sa direksyon non. Nang nasa harapan ko na ito, dali dali ko itong binuksan.
Are you kidding me? Lamig lang ang lumabas sa walang kalaman laman na ref, uso ba talaga ang paasa sa panahon ngayon? Pati pagkain pinapaasa ka na? -_____-
Lumabas ako sa walang kwentang kwartong yun at naglakad sa hallway. Ngayon ko lang napansin na gabi na pala kaya walang katao-tao.
I tried to regain kung ano ang mga scenes na nangyare. Kung bakit ako natutulog doon sa kwartong yun at hindi sa dorm. Ang pagkaka-alala ko, I was with Reirie and others on the field. And... Yeah, yeah. Now I know, my head hurts so I passed-out. Biruin nyo yun? Naalala ko pa? -.-
But the thing is bakit wala sila, bakit napunta ako doon? Okay, sige, sabihin na nating dinala nila ako doon pero bakit wala sila? Kahit wala na sila basta may pagkain ayos lang.
I went to the cafeteria, nakasindi pa ang ilaw nila para sa mga students na mag didinner. Kakaunti lang naman sila at naka pjs pa.
I ordered foods at tumingin ng table, maraming bakante pero gusto ko yung sa peaceful, not until nung makita ko sila Ailee, Nicole, Kaizer and Marky sa isang table. They are all laughing, but my eyes search for Van. Syempre, nandyan yung apat, dapat nandyan rin sya.
I ignored them and went to another table. "Dana!" Narinig kong tawag sa akin ni Marky, tinignan ko yung direksyon nila at nakita silang lahat na nakatingin sa akin. I smiled a bit and looked away. Tinanguan lang ako ni Ailee at Kaizer, inirapan naman ako ni Nicole -.- at tumayo si Marky papunta sa akin. Aishh, gusto ko ngang mapag-isa tapos lalapit naman sa akin 'tong isang 'to.
"Bakit nawala ka bigla? Hindi ka namin nakita buong maghapon, where have you been?" Tanong nya at ginabayan ako papunta sa table nila, hindi ako nagpahila sa kanya at nag stand still lang.
"Nasa kwarto lang naman ako sa kung saan nyo ko dinala kaninang umaga. Ni hindi ko na nga alam kung anong nangyare pagkatapos kong mahimatay." Sabi ko sabay kibit balikat. Kumunot ang noo nya at hinila ako papunta sa ibang vacant table. Kinuha nya yung tray ko at nilapag sa lamesa.
"Dinala ka namin? What? Tsaka nahimatay?" Tanong nya na halatang walang ka-alam alam. Tinaasan ko sya ng kilay at kumuha ng fries. "Diba nga kanina nung battles? Nung pairs na dapat kaso sumakit yung ulo ko like hell kaya I passed-out? After that hindi ko na alam kase pag gising ko I'm in a room, so I conclude kayo nag dala sa akin." Pagpapaliwanag ko sabay subo ng fries. Mas lalong lumalim ang pagka kunot ng noo nya kasabay ng mas lalong pagkalito nya. Ano bang nangyare sa isang 'to at walang ka-alam alam? Like duh, nandun lang naman sya.
"Huh? Bigla ka na nga lang nawala na parang bula kanina nung mag-sstart na. Hindi ka na namin nahanap kaya hindi na rin natuloy. Akala namin tumakas ka kase ayaw mo lang mag battles." Paliwanag nya at kumuha ng pagkain sa tray ko, tinignan ko sya ng masama pero binaliwala nya. Hindi ko alam kung anong sinasabi nya, kahit saang tignan ang anggulo, walang tugma sa mga alam namin.
"Ano? Binibig time mo ba ako? Lahat kayo naroon at kitang kita kung paano ako nahimatay. Paanong totoo yang sinasabi mo?" Sabi ko at tinignan yung tatlong nag-uusap na naiwan sa table nila Marky. Wag nyang sabihing pati sila ganun rin ang alam na nangyare? Kase sure at sigurado akong tama ako.
"Dana! Andyan ka lang pala! San ka nanggaling?" Napatingin kami ni Marky kay Hanianne at Sheyanne na hingal na hingal na nakatingin sa amin. Mukhang galing pang marathon. Naka pjs pa eh. "Kaninang umaga ka pa wala, san ka ba galing?" Hingal na tanong ni Sheyanne, pina-upo ko silang dalawa at binigay ang tubig ko.
Maiintindihan ko kung sasabihin nilang hindi nila ako mahanap kase hindi naman nila alam ang tungkol sa battles, pero si Marky at yung tatlo, hindi talaga nila alam yung tungkol sa pagkahimatay ko.
"Ah, wala. Nagtago lang ako sa kung saan, gusto ko kaseng mapag-isa." Pagsisinungaling ko na tinanguan nila. Humarap naman sa akin si Marky. "Baka imagination mo lang yun. Sige, balik na ako sa kanila." Sabi nya sabay turo sa table nila Ailee. Kumunot ang noo ko, imagination? Seriously? Kahit naman minsan parang ewan ako, nasa tamang pag-iisip pa rin ako.
"Bakit nyo ba ako hinahanap?" Baling ko kayla Sheyanne. Umiling sila at nag kibit balikat. "Buong araw ka kayang absent sa mga klase, tsaka nawawala ka eh, kaya hahanapin ka namin." Sagot ni Hanianne na tinanguan ni Sheyanne. Inubos ko nalang yung pagkain ko habang sila kwento ng kwento tungkol sa mga klase na na missed ko.
Niyaya na nila akong bumalik sa dorm, gabi na rin at may pasok pa bukas kaya naman sumang-ayon na ako. I take a bath and gently lay on my bed. Natulog ako all day kaya hindi imposibleng madaling araw na ako makatulog. Buhay na buhay pa ang diwa ko samantalang tulog na tulog na yung tatlo.
Naalala ko tuloy yung scene na nakita ko before I passed-out. It's kinda weird na bigla nalang pumapasok sa isip ko yon kahit wala naman akong experience na ganun. I don't even know Dayne nor Damone. Pero ang nakakataka, nandun si Van. And his calling me Dayne. At ang mas lalong confusing, I felt like I know everything that time. Para bang naiiyak talaga ako, para bang guilty talaga ako. Para bang ako si Dayne.
------------
A/N: Hello Guys! Ang tagal ko rin nawala sa Wattpad World! Nabusy ako eh, na writer's block Parang walang scene ang gustong pumasok sa isip ko, naka tatlong draft ako dito sa Chapter 24. Eto lang ang napili ko. Sorry rin dahil 1 month walang ud. Ako man din araw araw iniisip yung ud, baka wala nang magbasa nito dahil sa sobrang late ng update. I'm so sorry, hope you understand. Baka naman kase pag nag-update ako agad, panget naman. So sana maintindihan nyo! Thank you! Merry Christmas Guys! Happy New Year na rin!
BINABASA MO ANG
Vendaral Magical Academy: Blazing Fire
General Fiction"Life is about taking risks... but what if you're starting to cross your limits?" Highest Ranking #7 in Fantasy {UNDER EDITING} (Copyright) StellRynaSirchNirt