Chapter 39- Power (Part 2)

4K 126 24
                                    

"Vendaral Magical Academy: Blazing Fire"

=Chapter 39- Power (Part 2)=

Third Person's POV

*KRIIIIKKKK*

Natigil sa paglapit ang babae sa dalagang si Light upang patayin ito. Hindi nya alam ngunit naramdaman na lamang nya ang biglang pagsakit ng buong katawan nya na dahilan upang sya'y mapapikit ng mariin. Pinilit nyang wag sumigaw, ayaw nyang ipakitang sya ay mahina.

Nangisay ngisay sya at napabagsak sa lupa, pakiramdam nya ay unti unting kinukuryente ang buong katawan nya, sa loob man o sa labas. Nag-uumpisa na syang magsuka ng dugo na parang may sinisira sa loob ng kanyang katawan.

Kahit sobrang sakit ng nararamdaman, pinilit nyang magmulat upang makita ang kadahilanan ng nararanasan nya ngayon. Hindi alintana ang pagsusuka at ang paghapdi ng buong katawan, nakita nya pa rin si Light, na ngayo'y nakatapat ang palad sa kanya at nakapikit ng mariin. Walang kamalay malay na naglalabas na ang kanyang mga palad ng kuryente.

Napangisi ang babae, kahit naghihirap, umiral pa rin ang kayabangan nito. 'So, she's the Electric Princess. She doesn't even know how to control her power, how weak.' Isip isip nya kahit hirap na hirap na. Alam nyang sa kahit ano mang oras ay babagsak na ang kaluluwa nya at tuluyang ng matatapos ang buhay nya. At sa huling pagkakataon, ngumisi syang muli bago bumagsak ang talukap ng mga mata nya, isang patunay na sya'y sumakabilang buhay na.

Sa kabilang dako, walang kamalay malay si Light na nagawa nyang patayin ang babaeng gusto syang patayin. Hindi nya maiikailang kanina pa sya nakakaramdam ng init na may kumakawalang enerhiya sa mga palad nya. Medyo mahapdi kaya hindi sya nagmulat, iniisip nyang nagsisimula na ang babae sa pagpatay sa kanya.

Ngunit masyadong matagal na nakapikit sya at habang nakatakip pa rin ang mga kamay. Nakaramdam na sya ng pangangalay pero hindi pa rin sya pinapatay, kaya kahit naguguluhan, minulat na rin nya ang mga mata at ibinaba agng mga kamay.

Muntik na syang mapatili dahil sa nakita, punit punit ang damit ng babae sa harapan nya, puro dugo ang lupa at halatang hirap na hirap ito bago mamatay. Kung tama ang hinala nya, halatang nakuryente ito.

Hindi nya alam kung dapat ba syang matuwa dahil sa wakas ay patay na ang papatay sa kanya o dapat syang matakot dahil may patay sa harapan nya.

Walang pag-aalinlangan syang napalapit sa babae habang nanginginig na hinawakan ang braso nito. Napatingin sya sa gilid, doon kitang kita nya kung paano maubos ang mga kasamahan ng babae dahil sa galing na papakipagpatayan ng kagrupo ni Oak.

Naguguluhan syang napatayo at napaatras. Hindi alam ang gagawin, walang kamalay malay nyang inilahad ang palad sa isa sa mga puno ng kagubatan at naisip ang kuryenteng pumatay sa babae. Nagulat sya ng may lumabas na Electric Ball at nanatili sa kanyang mga kamay. Naramdaman na naman nya ang init sa mga palad.

Nanginginig nyang nilaro ang bolang kuryente sa kanyang harapan, manghang mangha kahit nagugulat pa rin. Patuloy lamang sya sa paglalaro na parang bata nang may biglang realisasyon ang pumasok sa kanya isipan.

Kung sya ay nakaramdam ng mainit na enerhiya sa kanyang mga palad kanina habang sya ay nakapikit, nakuryente ang babae sa harapan nya at kaya nyang maglabas ng kakaibang enerhiya, 'ako ba ang may kagagawan nun?' Biglang tanong nya sa sarili. Nanginginig syang napa-iling, 'napakasama kong tao'. Isip isip nya at napatakbo palayo sa lugar na iyon. Tuloy tuloy lang sya sa pagtakbo hanggang sa namalayan na lamang nya ang kanyang sarili na papasok sa resthouse, hindi nya alintana kahit pa na napakarumi ng kanyang paa, puno ng putik na hinaluan ng dugo.

Wala syang pakielam kahit narumihan na ang sahig ng resthouse, derederetso lamang sya sa guest room kung saan natutulog si Oiree. Doon, napahiga sya at kama at pinikit ang mga mata.

Tatlong katanungan ang bumabagabag sa kanyang isipan. Una, kung bakit nakita nya sila Oak kasama ang kasamahan nitong nakikipag-away sa kagubatan. Pangalawa, ano nga ba talaga si Oak? Bakit may kalmutan at kagatan o anumang karahasan ang nasaksihan nya kanina? Pangatlo, bakit nagtataglay sya ng ganung enerhiya? Kuryente? Medyo lame.

Walang makasagot sa katanungan nya, walang makapagpagaan sa kalooban nya at walang makapagsabi kung ayos lang sya. Sobrang hirap. Mentally, emotionally at physically. Sa mga nasaksihan nya ngayon, hindi na nya alam kung makakapag-isip pa ba syang tama.

-----------

A/N: Sorry dahil super lame at super gulo ng chapter na 'to! Kaya kung may katanungan kayo, sabihin nyo sa lang sa comment box para hindi kayo maguluhan sa chapter na 'to.

Vendaral Magical Academy: Blazing FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon