"Vendaral Magical Academy: Blazing Fire"
=Chapter 32- Trio=
"Van! Si M-Marky! Si M-Marky!" Sigaw ko kay Van habang nanlalaki ang mata. Kumunot ang noo nya at mukhang nagtataka sa sudden change of emotion ko. Natataranta kase ako, maraming monsters and ghosts sa labas, malamang nilalaban na nya. Isa lang sya at marami yung mga yun, baka mapano sya! Kailangan nya kami, kailangan nya ng tulong!
"Calm down Dana, calm down..." Pagpapahinahon sa akin ni Van. Humawak sya sa dalawang balikat ko at tumingin sa dalawang mata ko. Hindi pa rin ako mapakali. Paano kung may mangyare kay Marky? Ayoko munang isipin ang dahilan kung bakit nandirito sya, ang mahalaga, dapat ligtas sya.
"Tulungan natin sya!" Natatarantang sigaw ko. Ewan ko at bakit grabe ako makapag react. Basta ang alam ko, mapanganib sa labas at kahit anong oras, maaaring may mangyareng masama kay Marky.
"DANA!" Rinig na rinig ko pa rin ang sigaw nya sa labas ng kwartong 'to. Nakarinig ako ng pagsabog at pagyanig ng lupa kaya lalo akong nataranta.
"Van! Si Marky yun! Sure ako! Tulungan natin!" Sigaw ko pa. Napabuntong hininga sya. Malamang naiirita na sa akin. Pero wala akong pakielam, kase sobrang mapanganib sa labas, kailangan namin syang tulungan.
"Calm down. Please, huminahon ka muna.." Medyo naiinis na sabi ni Van. Napa-irap ako. Tinanggal ko yung mga kamay nya sa balikat ko. "Ano? Tatayo nalang tayo dito habang nanganganib na yung buhay ni Marky sa labas? Wala tayong gagawin?" Naiinis ko ring tanong. Bumuntong hininga ulit sya.
"Don't worry about him. Kaya nya ang sarili nya.." Mahinahon na sambit ni Van. Napa-iling ako. I don't understand, wala nalang kaming gagawin? I know I'm over-reacting but Marky is a good friend, kailangan namin syang tulungan.
"So ano? Kailan tayo aalis dito? Kailan natin sya tutulungan?" Naiinis kong tanong. Sigaw pa rin ng sigaw si Marky sa labas, alam kong medyo malayo sya sa kinaroroonan namin pero malakas ang sigaw nya. Rinig na rinig ko rin ang mga pagsabog at mga kung ano anong tunog na nagpapatunay na pinapatay na nya ang mga monsters.
"Hear that? He's not okay! Bakit ba sobrang hinahon mo dyan? Kaibigan mo yun! Bakit di mo tulungan?" Naiinis pa rin ako. Napapikit sya at napa-iling iling. "Dana, hindi pwedeng padalos dalos lahat dahil baka mapahamak tayo. We need a plan.." Paliwanag nya. Umiling iling naman ako at umatras.
"Plan? Nasa labas na nga lang yung tutulungan natin magplaplano pa tayo? Ano ba naman yan Van!" Mas lalong lumakas yung sigaw ko. At mas lalo ring lumakas ang sigaw ni Marky sa labas. Lalo akong nainis sa akin at kay Van, bakit wala pa syang ginagawa? Edi kung kanina pa kami lumabas dito, edi natulungan namin sya!
"Dana! Stop! You don't have any clue on what's happening outside, I've been here before, huminahon ka muna!" Hindi ko naman sya masisisi kung masisigawan nya ako pero hindi rin naman pwedeng nakatayo lang kami. Yeah, wala akong idea kung ano ang nangyayare sa labas, pero hindi ko naman malalaman kung hindi ko titignan!
"Hindi ako hihinahon, magplano ka kung gusto mong magplano. Lalabas ako, tutulungan ko si Marky!" Sigaw ko at tumalikod. Mababaw man kung mababaw, childish man kung childish. Wala akong pakielam. All I know is I need to help Marky.
Naglakad ako palayo sa kanya. Bahala sya, hindi ba nya naririnig yung sigaw ni Marky? Halatang hinahanap nya ako at humihingi rin sya ng tulong. Bakit pa kami magplaplano? Mauubusan lang kami ng oras sa pagpaplanong nalalaman nya.
Napatigil naman ako at napatingin sa harapan ko. Pader. Inikot ko ag buong paningin ko sa buong kwarto but I skip at Van's direction. Pader pa rin. Nasaan ba yung pinto? Puro pader lang, maagiw at maruming pader. Parang cube lang na walang bintana o pinto na pwedeng paglabasan.
I don't have a choice kundi lumingon at tumingin kay Van. It looks like huminahon na sya, parang sinasabi nyang 'go on'.
"Nasaan.ang.pinto.?" Madiin na tanong ko sa kanya. Ngumiti sya na nang-aasar. Para bang alam na nya na hahanapin ko rin sa kanya yung pinto kaya hinayaan nya lang ako kaninang maglakad paalis ng kwarto. Tumigil na yung pagsigaw ni Marky at wala na rin yung mga pagsabog at kung ano ano pa.
"See? We need a plan.." Sabi nya na pabiro. Para bang ayos lang ang lahat at hindi sya nag-aalala para kay Marky. Nainis ulit ako, this time, sa sarili ko nalang. Bakit ba hindi ko napansin yung pinto? Walang pinto, kanina pa ako nagmamaktol maktol dito eh wala naman pala talaga.
"Eh nasaan na nga? D-diba sabi m-mo dito ka n-na rin dati? A-anong g-ginawa mo?" Nawala lahat ng inis ko kanina at napalitan ng hiya. Nakakahiya ako, halos sigawan ko kanina si Van, padalos dalos kase ako eh.
"There's no door. Sinadya talaga nilang gawin yun. This is the safest room you'll find here, kapag nasa labas ka, the aura is different. Para bang safe ka talaga, plus there's a door. And when you enter, wala na. The door will disappear. Isa lang itong patibong.." Explain nya sa akin. Patibong? Grabe naman, yung feeling na kapag pumasok ka dito, feeling mo safe ka, pero ang totoo hindi naman pala, well yeah, safe pero hindi ka makakalabas and you need a plan. What the heck? Paasa.
"Dana!" Napatingin kaming pareho ni Van sa nagsalita. It's Marky! Nasa loob sya ng kwarto at halatang kakapasok nya, but walang pinto. Patibong pala talaga.
Napatakbo ako papunta sa kanya at niyakap sya. Seconds passed, I feel awkward. Napabitaw naman ako at umatras ng konti. Hindi ko na naman nacontrol yung emotion ko at padalos dalos ako sa pagyakap sa kanya, tsk.
"S-sorry. Akala ko kase ano nang nangyare sayo.." Sabi ko at umatras ulit pabalik sa pwesto namin ni Van kanina na ngayo'y tahimik lang. Ngayon ko lang napansin na may mga galos sya sa braso at may sugat sya sa pisngi, but all in all, wala namang problema.
"You have Red Eyes. Bagay mo. And you have the ring? You're really the Fire Princess. Van's Princess, huh?" Sabi nya at ngumiti, tinuro nya yung singsing sa kamay ko. Napatalikod naman sya at tsaka lang nya napansing wala na yung pintong pinasukan nya. Natawa sya at lumingon sa amin. "Trap, huh?" Tanong nya at natawa ulit. Anong problema nya? Alam na nga nyang trap tatawa tawa pa sya.
"Ahmm. Van?" Tawag ko kay Van at nilingon sya. Tahimik at nakayuko habang nakapamulsa ang set nya ngayon. Umupo naman sa Marky sa may sulok at napapikit. Tumingin sa akin si Van at binigyan nya ako ng 'what?' look nya.
"Diba sabi mo dito ka na rin dati? Alam mo na palang trap 'to bakit dito ka pa tumuloy?" Tanong ko sa kanya. Medyo ngumiti sya sa akin. "You know, I'll always choose what's best. And that is to keep you safe. Wala naman akong choice, trap man 'to kung trap, the important thing is ligtas ka.."
*Silence*
"And how to get out of here?" Narinig ko nalang na tanong ni Marky. Tumingin ako sa kanya, naka mulat na pala ang mata nya. Hinayaan ko nalang syang magtanong. I can't find my voice yet. I'm over-reacting again, pero iba kase kapag sinabi ni Van na importanteng ligtas ako. It's just feel... different.
"We have to build a strong force of power and destroy the wall. That wall isn't ordinary, they made it thick and powerful.." Tinuro nya yung pader sa kung saan pumasok kanina si Marky.
"And how to build that strong force?" Tanong ni Marky. Tumingin ako kay Van habang naghihintay ng sagot.
"Your power, my power and her power.."
---------
A/N: Simple lang ang chapter na 'to, hindi ko na masyadong binigyan pa ng kung ano ano. Anyways, comment naman kayo! :) Thanks :D
BINABASA MO ANG
Vendaral Magical Academy: Blazing Fire
General Fiction"Life is about taking risks... but what if you're starting to cross your limits?" Highest Ranking #7 in Fantasy {UNDER EDITING} (Copyright) StellRynaSirchNirt