Prologue

3.7K 54 0
                                    

"What do you mean by that? Makikipaghiwalay ka sakin dahil sawa ka na?" bulyaw ko kay Gino. "Yes." Walang emosyon niyang sagot. Napatingala na lang ako dahil ayokong umiyak sa harapan niya. Ayokong ipakita sa kanya na mahina ako. Ayokong ipakita sa kanya na hindi ko kaya, kahit sa totoo lang, hindi ko talaga kaya.


"Ano bang kagaguhan 'to, Gino?" ngumiti siya sa naging tanong ko. "Kagaguhan? Hindi 'to kagaguhan, Ella. Sinasabi ko lang yung totoo." Kalmado pa din siya. Kalmado na parang wala lang ako sa kanya.


"Ganun? Ganun-ganon na lang? After f*cking 3 years, Gino! THREE YEARS! Makikipaghiwalay ka sakin!?" hindi ko na napigilan yung inis ko, yung galit ko. May karapatan naman akong magalit diba?


"You know what? Let's stop this. Wala nang hahantungan 'tong pagtatalo natin."


"FINE! Tapusin na natin 'tong put*ng inang relasyon na 'to! Ito naman kasi talaga yung gusto mo diba? Yung paglaruan lang ako! Ganyan ka naman kasi! Kapag nagsawa ka at nawalan ka ng gana, iiwan mo lang ako. Kagaya diyan sa mga babae mo!!"


"Wala akong ibang babae. I never cheated on you!" sigaw niya.


"Talaga? Eh ano yung mga litrato na lagi kong narereceive ha? Kaya mo bang ipaliwanag 'yon!? Halos makipaglampungan ka na nga kahit saan eh! If you want to have s*x with them, sa private place naman sana - " tumingin ako sa kanya matapos niya kong sampalin. Nginitian ko siya, "Ngayon hindi na ko magtataka kung bakit ka nagsawa sakin. Kasi alam mo? Narealize ko na katawan lang naman yung habol mo sakin eh. Pero never akong pumayag kasi may respeto ako sa sarili ko!"


"Ella, I'm sorry.."


"Sorry? NAPAKADALING SABIHIN NG SORRY DIBA!? Napakadali! Sa sobrang dali, halos araw-arawin mo na yung pagsosorry sakin! Alam mo tama ka eh. Let's stop this. Wala na nga talagang patutunguhan 'tong relasyon na 'to." Sabi ko sa kanya at saka umalis.


Alam kong masakit. Tiniis ko lahat. Tiniis kong maging tanga. Pero I have my limit. Napapagod din ako. At alam kong tama 'tong naging desisyon ko. At never kong pagsisisihan 'to. Ipapakita ko sa kanya na kayang-kaya ko nang wala siya.


The Heartless Princess Book Two.

"HEARTLESS REVENGE"


COPYRIGHT 10/27/2015 by BLUEMONSTEE

ALL RIGHTS RESERVED


Heartless RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon