Chapter 31

492 10 0
                                    

A/N: Actually kagabi pa 'to kaso kaimbyerna talaga si internet kasi wala nga huhuhu. Ilang araw na. Iyak </3 Anyway, enjoy reading! :)

***

ELLA's POV

Pinagbuksan ako ni Lance ng pinto ng kotse at pumasok naman ako. "Thank you." sabi ko sa kanya habang nakangiti. Sumulyap ako sa coffee shop at nakita kong nakatingin samin si Clarisse.

Sorry, Clarisse. But this man would never be yours, again.

"So where are we going now?" tanong ni Lance at niyakap ko naman siya. "Hon, don't let yourself fall in love with me." sabi ko at ginantihan niya naman ako ng yakap. "I told you before na I love you so much. And it's true."

Humiwalay ako sa kanya at inayos ang seatbelt ko. "Let's go?" Natawa naman siya ng bahagya. "What?" I asked. "Tinanong kita kanina kung saan tayo pupunta." Sinamaan ko naman siya ng tingin pero napangisi ako. "Let's go to your condo." Napakunot ang noo niya. "Bakit doon?"

"Just trust me, okay?" sabi ko at sinunod naman niya. Habang nasa byahe kami ay tiningnan ko ulit siya. "Did you know that Clarisse is following us?" tanong ko at napansin ko na naman na kumunot ang noo niya kaya hinilot ko 'yon. "Napapansin ko lang, laging kumukunot 'yang noo mo. Naiirita ka na ba sakin?" malungkot kong sabi kaya bigla niyang itinabi sa kalsada ang sasakyan.

"Ella, I'm driving. Paano kung makasagasa tayo o mabangga? Gusto mo bang mapahamak yung sarili mo?" sigaw niya pero di ako natinag. "You want to help me na maghiganti kay Clarisse. But now you're blaming me!? Sinusundan niya tayo at alam kong nakikita niya ang ginagawa natin sa loob nitong sasakyan mo! If you would be like this, just leave me alone! I can do my revenge to Clarisse without you." sabi ko atsaka lumabas ng sasakyan.

"Napakamareklamo! Siya naman ang may gusto na ipamukha sa babaeng 'yon na may iba na siya! Bahala siya sa buhay niy--" Naputol ang pagmamaktol ko ng biglang may humawak sa braso ko at niyakap ako. "I just want you to be safe with me. That's the reason kaya ako nagagalit." sabi ni Lance at humiwalay sa pagkakayakap sakin. He cupped my face at tiningnan ako sa mata. "I don't care if you want Clarisse to be hurt. But the only thing I know is I want you to be with me." sabi niya at hinalikan ako.

-----

"Hindi mo man lang ba ako papapasukin sa bahay niyo?" tanong ni Lance sakin habang nakapamulsa. "Go home, Lance." sabi ko sa kanya na may kasamang ngiti.

"Sino siya?" Parehas kaming napalingon sa nagsalita. "G-Gino.."

"Friend mo?" tanong niya ulit pero hindi ako makapagsalita. "I'm her fiancé, Lance Marquez. You are?" sabi ni Lance pero ngumisi lang siya. "Fiancé?" sarkastikong sabi ni Gino.

Why I am feeling nervous?

"I'm her husband." Kung nagulat ako sa announcement ni Lance nung opening ng hotel niya, mas nagulat naman ako sa sinabi ni Gino. Seriously?!

"Are you kidding me?" tanong ni Lance pero hinila ako ni Gino para yakapin. "What are you saying?" tanong ko sa kanya. "No. Nagka-amnesia lang siya kaya di niya maalala. Anyway, stop saying na fiancé mo siya. But thank you sa paghatid mo sa kanya." sabi ni Gino at nag-umpisa nang maglakad papunta sa loob ng gate habang yakap-yakap pa din ako. "W-Wai--" Hindi na ko makapagsalita dahil pinipilit ni Gino na humarap lang ako sa dinadaanan namin kaya pinunta ko yung kamay ko sa likod at nagwave kay Lance.

Nang makapasok kami sa bahay ni Gino ay agad kong hiniwalay ang sarili ko sa kanya. "Gino, bakit mo sinabi 'yon?" inis kong sabi sa kanya. "Bakit? Totoo naman yung sinabi ko diba?"

"Anong totoo? Wala namang totoo dun!" sigaw ko. "Magiging asawa din kita kaya wag ka ng umangal!" Nanlaki ang mata ko dahil sa pagtaas niya ng boses sakin kaya umakyat na ko sa kwarto ko at nagkulong.

"Nahihibang na siya. Baliw ka Gino, baliw!" sigaw ko at hinawakan yung dibdib ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Napatalon ako sa gulat ng biglang may kumatok sa pinto. "S-Sino yan?" tanong ko. "Yung asawa mo. Tapos ka na bang kiligin dyan?"

"Ang kapal mo! Umuwi ka na nga sa inyo!" sigaw ko dahil ayoko pa din siyang pagbuksan ng pinto. "Nandito na nga ko sa harap ng bahay namin kaso ayaw akong pagbuksan nang pinakamamahal kong asawa ng pinto." Tumayo ako at lumapit sa table ko, naglagay ako ng tubig sa baso at agad yun na ininom.

Puso, kalma! Pinagtitripan ka lang niyan ni Gino.

"Hindi mo ko asawa kaya umuwi ka na kila Scarlet!" sigaw ko. "Baby, Love, pagbuksan mo na ko ng pinto, please? Di na ko galit." Natawa naman ako dahil sa tono ng pagsasalita niya. Ang childish na naman niya.

Lumapit na ko sa may pinto at pinagbuksan siya. Bumungad sakin ang wagas niyang ngiti at dahan-dahan niya kong niyakap. "Sumusobra na 'yang yakap mo sakin ah?" pabiro kong sabi kaya mas lalong humigpit ang yakap niya sakin.

"Ella.." tawag niya sakin habang nakayakap pa din. "Yes?" tanong ko. "Matagal ko nang gustong sabihin sayo 'to. Simula nung bumalik ka dito kasama si Zach pero di ko magawang sabihin dahil alam kong masaya na kayo nun kasama si Achella. Pero nung umalis si Achella, ayokong mag-take advantage sayo dahil gusto kong makahinga ka muna ng maayos sa mga pinagdaanan mo noon. At ngayon nung mabalitaan ko na may fiancé ka, nagalit at nainis ako sa sarili ko nun dahil bakit ang bagal kong kumilos? Kaya ngayon, hindi ko na papalampasin yung pagkakataon na 'to. Kahit may fiancé ka, totoo man 'yon o hindi. Papatunayan ko sayo na para sakin ka lang. At hinding-hindi ako papayag na mapunta ka pa sa iba kagaya nung nangyari dati."

"Christella, liligawan ulit kita at hindi ako humihingi ng permiso sayo sa gagawin kong 'to. Mahal na mahal kita at papatunayan ko 'yon sayo.."

***

A/N: AAAAAAHHHHHHH!! *insert tili na bonggang-bongga* charot! Pero *tili* ulit! HAHAHAHAHA! Anunaaaaaa? May Lance na, may Gino pa? Haba ng hair Ella ha? Kamusta naman tayo? Kamusta ka naman Clarisse? HAHAHAHAHA! (nabaliw na)

Read. Vote. Comment :) Mwa mwaaaps!

Heartless RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon