Chapter 24

538 14 0
                                    

GINO'S POV


"Pre, may gusto ka pa din kay Ella 'no?" tanong sakin ni Clyde. Natawa naman ako at sumagot, "Hindi ba halata?" napangisi naman siya. "Pupunta muna ko sa restroom, pre. Di na 'to mapipigilan eh. Masakit sa pantog." natatawa niyang sabi kaya tumango naman ako.


Mayamaya ay napansin ko si Zach na naglalakad pero may hila-hilang babae. Napakunot ang noo ko at sinundan ko sila. "Ayoko kasi nang masasaktan pa ulit si Ella. Tama na yung sakit na naparanas ko sa kanya dati."


Huminto sila sa medyo tago na lugar. Nakarinig naman ako na may papadating pero laking gulat ko ng makita ko si Ella kaya agad ko siyang hinila at tinakpan yung bibig. "Wag kang maingay." sabi ko sa kanya at unti-unti kong tinanggal yung kamay ko sa bibig niya. "Can you stop saying nonsense?" Napasilip ako sa nagsalita.


"Mukha bang nonsense yung sinasabi ko? Pano kung meron 'to? Zach, we had s*x last last night! Ramdam ko na lumabas sa loob ko 'yon!" sabi nung babaeng kasama niya. Tang*na na, niloloko niya lang ba si Ella? Nakita ko naman na napatakip ng bibig si Ella at tuluyan nang bumagsak yung mga luha niya. "Then, ipalaglag mo." sagot ni Zach kaya agad siyang sinampal nung babae.


"Ipalaglag? Grabe ka.." mukha maiiyak na yung babae. "Grabe ako? Ikaw yung grabe Kat. Ni hindi mo pa nga alam kung buntis ka ba talaga o hindi pero kung makaarte ka dyan? Bakit? Dahil mahal mo ko? Mas okay siguro kung manahimik ka na lang. Ayokong malaman pa 'to ni Ella." Gago. Anong gusto niyang palabasin? Itatago niya 'to kay Ella?


Napansin ko yung panghihina ng tuhod ni Ella kaya agad ko siya inalalayan. "We should go now. Tama na yung narinig mo." Gago ka Zach. Handa ko na sana siyang ipaubaya talaga sayo pero mukhang hindi ka karapat-dapat.


Nang makalayo-layo kami ay dun na humagulgol ng iyak si Ella. Napaupo siya sa buhangin dahil mukhang di niya kinakaya yung nalaman niya. Lumuhod ako para mapantayan siya atsaka ko siya niyakap.


Iyak lang siya ng iyak pero mayamaya pa ay tumunog ang phone niya.  Sinagot niya naman yun kahit na nahihirapan siyang magsalita. "H-Hello.." sagot niya sa kabilang linya pero bigla na lamang siyang nagbalak na tumayo pero nanghihina siya. "Ella, bakit?" kumapit siya sa braso ko. "S-Si Achella.." naiiyak niyang sabi pero bago pa niya matapos ay nawalan na siya ng malay. "Ella!" Tinapik-tapik ko siya pero di talaga siya nagigising. Agad ko na siyang binuhat at dinala sa pinakamalapit na hospital dito.


-----


"Kayo po ba ang guardian ni Ms. Maralla?" tumango naman ako. "Okay naman si Ms. Maralla, nasobrahan lang sa stress. Pwede na din siyang madischarge ngayon." tumango naman ako atsaka umalis yung doctor. Pinuntahan ko si Ella at tinitigan siya. Naiinis pa din ako dahil ginago siya ni Zach. Tang*na niya.


Naalala ko naman yung nangyari kanina. Si Achella.. Kinuha ko yung phone ko at tinawagan si Athea. "H-Hello, Gino.. Buti napatawag ka. Nakita mo ba si Ella? Kanina ko pa kasi siya tinatawagan dahil hanggang ngayon wala pa din siya dito sa hospital." natatarantang sabi ni Athea. "Andito kami ni Ella sa hospital."


"Ha? Eh bakit hindi pa din siya dito pumupunta?" napabuntong hininga naman ako. "Hinimatay siya kanina nung magkasama kami kaya dinala ko siya dito sa hospital. May nangyari ba?"


"S-Si Achella kasi.. Nahihirapan siyang huminga kanina tapos iyak ng iyak. Dinala namin siya ni Clyde dito sa hospital."


"May balita na ba kayo? Anong sabi ng doctor?"


"T-tungkol don.."


"G-Gino.." napalingon naman ako kay Ella at agad ko siyang inalalayan na umupo. "Asan ako?" tanong niya sakin. "Nasa hospital ka dahil hinimatay ka kanina." nanlaki naman ang mga mata niya. "S-Si Achella.. Asan siya? Nandito din ba siya sa hospital na 'to?" tumango naman ako. "Kamusta na siya?" napatingin naman ako sa phone ko at mukhang napansin niya yon at kinuha sakin.


"Si Athea.. H-Hello, Sis? Si Ella 'to. Kamusta yung anak ko?" unti-unti na namang tumulo ang luha ni Ella. Mukhang hindi maganda yung balita. Agad siyang tumayo at lumabas ng kwarto. "Ella!" tawag ko sa kanya at sinundan siya.


Nakita ko naman si Athea na umiiyak. "E-Ella, sorry.." naiiyak niyang sabi kay Ella. Niyakap naman siya ni Ella. "W-Wala kang kasalanan ha? A-Asan siya?" umiiyak na tanong ni Ella. Tinuro naman ni Athea yung room na kinalalagyan ni Achella. Nilapitan siya ni Ella at hinalikan sa noo. "B-Baby bakit? A-Ang bilis mo n-naman akong iniwan eh.. A-Alam kong m-masaya ka na dyan kasama si P-Papa God.. B-Baby, m-mamimiss ka ng sobra ni m-mommy.." napaupo naman si Ella sa sahig at humagulgol na naman ng humagulgol.


Nilapitan ko siya at niyakap. "Sige lang, iiyak mo lang ng iiyak. Sigurado ako na ikaw na yung babantayan ni Achella. She'll be your baby angel now." Naramdaman ko naman yung pagkapit niya sa shirt ko. "I love her so much, Gino.. Masyado p-pa siyang bata para m-mawala sa tabi ko.."


Bigla naman bumukas yung pinto at bumungad samin si Zach. Tumingin siya sakin at agad niya akong hinawakan sa kwelyo at hinila palabas ng kwarto kung asan si Achella. "Tang*na mo!! Anong karapatan mong pumunta dito ha?!" galit na galit niyang sabi atsaka ako sinuntok. "GINO!" rinig kong sigaw nila Athea. Pinigilan naman siya ni Clyde.


"Ano ba pre?" tanong sa kanya ni Clyde. "Zach, you shouldn't do that!" sigaw ni Athea. "Bakit? Eh nilalandi nga niya si Ella eh! Diba? Nandito ka to take advantage lalo na kapag wala ako!" lalapit na naman sana si Zach suntukin ako pero biglang dumating si Ella at humarang kaya napatigil siya. "Ella.." mahinang sabi ni Zach sa kanya.


"Umalis ka na Zach." nagtaka naman silang lahat sa sinabi ni Ella. "Bakit ako ang dapat umalis? Hindi ba dapat yang Gino na yan!?" sabu nu Zach habang dinuduro ako.


"Hindi, ikaw dapat ang umalis!" sigaw ni Ella. Tumayo naman ako at pinunasan yung dugo sa gilid ng labi ko.


"Bakit ako?! Ano? May relasyon na ulit kayo-" hindi na natapos ni Zach yung sasabihin niya dahil sa sinampal  siya ni Ella. "Zach, narinig ko yung usapan niyo ni Katrina kanina! You two had s*x last last night! Nung nagalit ka sakin dahil nagkausap kami ni Gino, yun yon diba? At yung nakasagot ng phone mo nung gabing 'yon! It's Katrina! Not a f*ckin' waitress!!"


"Ella, I will explain.." hahawakan sana niya si Ella pero inilayo nito ang sarili niya. "I don't need your explanation, Zach. Just go. I don't want to see you again. Lalo na sa burol ni Achella." kalmadong sabi ni Ella at pumasok na sa kwarto kung asan si Achella.

Heartless RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon