Chapter 21

573 12 0
                                    

ELLA'S POV

Pumasok ako sa hotel room ng umiiyak. Naiinis ako kay Zach dahil ganun ang iniisip niya sakin. Masakit isipin na ang dali niya kong husgahan.

Napatingin ako sa mga gamit ni Achella. Mahal na mahal ko talaga yung baby namin na 'yon kahit na hindi namin siya tunay na anak. Nung unang dating niya samin, natataranta pa ko dahil di naman ako marunong mag-alaga ng baby. Ang saya-saya pa namin habang bumibili ng mga gamit niya. Sana lang ay maayos 'to..

-----

"Anak, di pa ba bumabalik si Zach?" tanong sakin ni Mommy. "Hindi pa po. Nag-aalala na nga ako eh."

"Baka naman naggala-gala lang siya. Ano kaya kung tawagan mo?" tumango naman ako at kinuha yung phone ko.

Calling Zach..

"Hello?" napatigil ako dahil sa narinig ko. B-Babae yung sumagot.. Huminga ako ng malalim. "W-Who are y--" hindi ko natapos ang sasabihin ko, di ko alam kung pinatay o naputol lang talaga. Tinawagan ko ulit si Zach pero cannot be reached na siya. Di ko na alam kung anong iisipin ko.

"Asan daw siya?" tanong ulit ni Mommy. Ngumiti naman ako ng pilit. "Naputol po eh. Tapos cannot be reached na siya."

"Baka nalowbat? Uuwi naman yun dito. Mas okay siguro kung matulog ka na muna." tumango naman ako kay Mommy at humiga na sa kama.

-----

2:30 am na pero di pa din siya umuuwi. Hindi din naman ako makatulog dahil sa pag-aalala ko.

Tumayo ako at kumuha ng tubig. Tiningnan ko ulit yung oras. "2:31 am.." inilapag ko ang baso na hawak ko at lumabas ng hotel.

"Ang lamig naman.." sabi ko atsaka niyakap yung sarili ko. Iginagala ko ang paningin ko dahil baka makita ko si Zach.

"Asan ka na ba, Za- aray!" umupo ako at tiningnan ko yung tuhod ko na tumama sa bato dahil sa pagkakadapa ko. "Kapag tanga nga naman. Ang sakit.." inihipan ko yung tuhod ko para medyo mawala yung kirot.

Pinilit kong tumayo kaso sobrang kirot. Ang laking sugat at may tumutulo na dugo. Malayo sa bituka pero nakakainis kasi magkakapeklat na naman ako.

"Anong oras na pero nandito ka pa din sa labas." napatingin ako sa lalaking nasa tabi ko at sa jacket na nilagay niya sakin. "May hinahanap lang ako.." sagot ko atsaka inihipan ulit yung tuhod ko.

"Anong nangyari dyan? Bakit kasi di ka nag-iingat?" inis na sabi ni Gino at kinuha niya yung panyo na nasa bulsa niya. Inayos niya 'yon at nilagay sa tuhod ko. "A-Aray teka."

"Sorry." sabi niya at tiningnan yung tuhod ko at tumingin sakin. "Mas okay siguro kung bumalik ka na sa hotel. Masyado nang gabi baka kung ano pang mangyari sayo." tumingin ako sa kanya at ngumiti. "Pwede mo ba ko tulungang tumayo?" tanong ko sa kanya atsaka ako nginitian.

Tumayo siya at inabot yung kamay niya sakin. Hinawakan ko yun atsaka tumayo pero dumulas yung nakadiretso kong paa. "Okay ka lang ba?" tanong sakin ni Gino habang hawak-hawak niya yung ulo ko. Nasama kasi siya sa pagbagsak ko. "O-Okay lang ako.."

Napalunok ako dahil sa pagtitig niya sakin. Nakita ko kung pano niya ko tingnan kahit na medyo madilim na dito. Tumingin siya sa mga labi ko kaya mas lalo akong kinabahan. "Kung iniisip mo na hahalikan kita, di ko gagawin yon. Respeto ko na 'yon sa inyo ni Zach kahit na mahal pa din kita."

Pagkasabi nun ni Gino ay tinulungan niya na ko na tumayo. Inalalayan niya ko maglakad hanggang sa makarating kami sa hotel room ko. "S-Salamat nga pala." tumingin siya sakin at ngumiti. "Wala 'yon. Wag mo na lang sana sanayin yung sarili mo na lumalabas ng bahay ng ganung oras." tumango naman ako sa sinabi niya.

Tumalikod na siya at pumunta sa tapat ng room niya. "G-Goodnight pala." sabi ko at tumingin ulit siya sakin. "Goodnight." atsaka siya pumasok sa room niya.

-----

Nagising ako dahil sa pag-iyak ni Achella. Kinuha ko yung phone ko at tiningnan yung oras. "9:15 am." tumingin ako kay Achella atsaka siya nilapitan. "Goodmorning, baby. Gutom ka na ba?" binuhat ko siya at nagtimpla ng gatas niya.

Tumingin ako sa wall clock. Si Zach.. Asan ba yun nagpunta? Ni hindi nagsabi tapos inabot pa ng umaga.

Narinig ko naman ang pagbukas ng pinto kaya binilisan ko yung pagpunta ko dun. "Zach.." Tiningnan niya lang ako at agad na dumiretso sa shower room.

Inilapag ko si Achella sa crib nang makita kong tapos na mag-ayos si Zach. "Babe, san ka galing? Bat di ka umuwi kagabi?" tanong ko sa kanya. Tumingin muna siya sakin ng ilang segundo. "Sa bar."

Napakunot ang noo ko. "Uminom ka?" tanong ko pero di niya ko sinagot. "Saan ka natulog?"

"Bakit ba ang dami mong tanong?" inis niyang sabi. Mag-aaway na naman ba kami? "Nagtatanong ako dahil nag-aalala ko sayo kagabi."

"Nag-aalala ka pero nakatulog ka pa?"

"So anong gusto mo? Hindi ako matulog?" ngumisi lang siya at ininom yung kape niya. "Can you stop acting like a jerk? Hindi na nakakatuwa."

Huminga siya ng malalim at inilapag yung kape sa mesa. Lumapit siya sakin at niyakap ako. "I'm sorry, babe. I'm so sorry.." napabuntong hininga ko at niyakap din siya. "Please lang, wag mo nang uulitin 'yon."

"I promise."

"Oo nga pala, tumawag ako sayo kagabi. Pero babae yung nakasagot."

"Baka waitress lang 'yon sa bar."

Humiwalay naman ako sa pagkakayakap. "So dun ka natulog?"

"Maybe?" nakangiti niyang sagot at mukha talagang hindi sure. "I'm telling you, babe. Kapag nalaman ko na may iba kang babae, humanda ka talaga sakin." natawa naman siya. "Wala akong babae. Ikaw lang yung mahal ko."

Heartless RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon