ELLA's Point of View
Two years..
Two years na magmula nung sinagot ko si Gino. Maganda ang naging takbo ng relasyon namin. Masayang-masaya si mommy nung nalaman niya 'yon dahil alam daw niya na kami din sa huli. Ang akala ko dati'y kapag naging ex ko na ay hindi ko na babalikan pa, pero mali pala ako. Hindi mo talaga madidikta ang takbo ng tadhana.
"Ella dalian mo naman dyan!" sigaw ni Mommy. May outing kami at kasama si Gino pati na rin ang mga kapatid niya. "Pababa na po!" sigaw ko din at kinuha na ang maleta ko. "Nako, napakatagal mo. Kanina pa nag-aantay sila Gino." reklamo ni Mommy kaya nginusuan ko na lamang siya bilang sagot.
Agad akong kumaway nang makita ko ang mga kapatid ni Gino. "Hi, Misty! Kamusta ka na?" tanong ko sa kanya habang hawak-hawak ang magkabila niyang pisngi. "I'm good po." nakangiti niyang sagot. "Asan pala si ate Scarlet mo?"
"Nagpaiwan sila sa convenience store dahil gusto nila bumili ng chips." sagot ni Gino at napatango-tango na lamang ako. "Sakay na." dagdag pa niya kaya sinunod ko naman.
Nang makarating kami sa convenience store ay agad na sumakay sila Scarlet at Alexis sa van.
Habang nasa biyahe ay nagkukwentuhan kami ng kung ano-ano. Kagaya na lang ng mga ginagawa ni Misty sa school at yung relasyon nila Scarlet at Alexis. Engaged na kasi sila at inaasar ni Alexis si Gino na baka mauna pa silang magpakasal. Hindi naman ako nagmamadali pero iniisip ko din na baka mahirapan akong manganak or magbuntis kapag umabot ako ng thirty pataas. I don't know.
Napatigil ang pag-iisip ko dahil sa biglaang pagpreno ng van. "Manong bakit po?" tanong ko. "Ma'am Ella, may humarang po kasi satin bigla." sagot ng driver namin kaya tumingin ako sa labas at may itim na van na nakaharang. Bumaba si Alexis para kausapin sana yung driver ng van pero nagulat kami ng bigla siyang pukpukin sa batok kaya napahiga na siya sa kalsada.
Bumaba na din si Gino at sumunod na din ako pero palapit palang ako kay Gino ay may tumutok nang baril sa ulo ko. "Wag kang kikilos kung ayaw mong paputukin ko 'tong baril sa ulo mo." G-Gino..
Sa oras na lumingon si Gino sakin ay nanlaki ng sobra ang mga mata niya. "ELLA-" Kasabay no'n ay ang paghampas ng baril sa batok niya. "GINO!!" Lalakad na sana ko ng dumikit ang baril sa gilid ng ulo ko. "Sumakay ka sa van namin, ngayon na!" sigaw niya at tinulak-tulak na ko papunta sa van.
Pagkasakay ko ng van ay pinosesan nila ang mga kamay ko. "Saan niyo ba ko dadalhin?! Sinong nag-utos sa inyo nito!?" sigaw ko at mukhang nairita naman yung lalaking katabi ko. "Patulugin niyo nga 'to ng manahimik." iritableng sabi niya at agad na may tumakip sa bibig at ilong ko. Doon na nagsimula ang pagdilim ng paningin ko.
Pagkamulat ko ng aking mga mata ay madilim pa din ang nakikita ko. "A-Asan ba ko? Pakawalan niyo na ko!" sigaw ko at pinipilit na maalis ang kamay ko sa posas na nakakabit sakin.
"Mukhang gising na ang peste sa buhay ko." Napakunot ang noo ko dahil sa boses na narinig ko. Clarisse. "Kamusta naman ang pagkakatulog mo? Ay mali! Kamusta naman ang relasyon niyo ni Gino? Naging masaya ba kayo habang wala ako?" tanong niya at tumawa ng matinis.
"Pwede ba Clarisse? Tigilan mo na kami!" sigaw ko. "Tigilan? Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Una sa lahat, binalaan ko na noon si Gino pero binaliwala niya lang. Sa tingin niya siguro ay nagbibiro ako. Pangalawa, bayad 'to sa lahat ng pang-aagaw mo sa mga taong gusto ko."
"Hindi ko sila inagaw sayo. Wala akong inaagaw! Sila mismo ang lumalayo sayo dahil sa pangit mong ugali!" Agad akong napasigaw dahil sa pagputok niya ng baril. "Manahimik ka kapag hindi kita tinatanong!" saad niya at narinig ko ang paglakad niya. "Anyway, I have a three questions for you. Do you really love Gino? Sumagot ka!" Sa pangalawang pagkakataon ay narinig kong muli ang putok ng baril. "Y-Yes."
"Kung sakaling magpropose sayo si Gino, ano ang isasagot mo?"
"Y-Yes." sagot ko at tumawa naman si Clarisse. "So.. Can I kill him?"
"N-NO! AKO NA LANG ANG PATAYIN MO, HUWAG KA NA MANDAMAY PA NG IBA!" sigaw ko na may halong panginginig. "Pwede naman, pero mukhang mas enjoy ko kung makikita kitang magsuffer kaysa kay Gino. Alam mo kasi, walang happy ending."
"HAYOP KA TALAGA, CLARISSE!!"
"Oops! No, no, no. Boys! Kunin niyo na siya." utos ni Clarisse at naramdaman ko na lang na may humawak sa mga braso ko. "Bitawan niyo ko, ano ba!?" sigaw ko sa kanila habang nagpupumiglas. "Wag kang maingay dyan, Miss. Papasayahin ka namin mamaya." Agad na nagsitayuan ang mga balahibo ko dahil sa sinabi ng isang lalaking nakahawak sakin. I can't see anything pero nandidiri ako sa tono ng pananalita niya.
"Boys, stop." utos ni Clarisse at kasabay no'n ang pagkarinig ko ng tunog ng kampana. "You should thank me after this." bulong sakin ni Clarisse at naramdaman ko na lang na may ikinabit sila sa bewang ko na mabigat. B-Bomba ba 'to?
Tinanggal na nila ang nakakabit na posas sa mga kamay ko at ang piring sa mata ko. Umaninag sakin ang nakakasilaw sa sikat ng araw kaya agad akong yumuko at isang bata na may hawak na boquet ng mga puting rosas ang nakita ko. "M-Misty? B-Bakit- Anong ginagawa mo dito?" ngumiti lang siya sakin at iniabot ang bulaklak atsaka umalis. "T-Teka--"
Dalawang babae ang sumulpot sa magkabilang gilid ko at may ipinatong sa ulo ko. "B-Belo? Bakit ako may ganito? Ano ba talaga ang nangyayari?" tanong ko sa kanila pero itinuro nila sakin ang pinto na nasa harapan ko. Bumukas ito at bumungad sakin ang loob ng isang napakalaki at napakagandang simbahan. "M-Mommy? D-Daddy?"
"Congratulations, anak." sabi ni Daddy at ngiti ang ibinalik sakin ni Mommy. "K-Kelan pa kayo dumating Dad?" tanong ko pero niyakap niya ko. "I'll tell you later, okay?"
Nang humiwalay na sakin si Dad ay nag-umpisa nang tumugtog ang piano at ang mga choir. "Am I dreaming ba? Totoo bang nakasuot ako ng gown at ikakasal ako?" tanong ko sa sarili ko pero sinagot ako ni Mommy. "Yes, baby."
"K-Kanino? Bakit--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nakita ko sila Athea, Scarlet at pati na rin si Clarisse na nakangiti sakin. Even Lance is here. Ang iba naming kamag-anak ay nandito rin pati na si Kuya Keith ay nandito na ulit. Siguro ay sabay silang umuwi ni Daddy.
"Still in shock?" tumango-tango ako kay Gino at naramdaman ko ang paghalik niya sa noo ko. "Sorry for earlier. You're so beautiful today." Nakangiti niyang sabi sakin. Nagsimula na kaming maglakad papunta sa altar and what to expect? Of course, we both say I do!
