Dedicated to IAmYourLovelyMonster :) It's been 2 years hahaha. Nabasa ko lang ulit yung conversation natin dun sa Epilogue ng THP. Thankyou, anyway :)
-----
Nang makuntento ako sa pag-inom, napagdesisyunan ko na umuwi na. Tumayo ako pero sobrang sakit ng ulo ko. Why? Because I'm drunk. Obvious naman. Kahit hindi ko na kayang uminom, umiinom pa din ako. Alam kong kagagahan 'tong ginagawa ko. Pero masisisi niyo ba ko? Nagmamahal lang. Nagmamahal pero sinasaktan naman. What the – ughhh!
Pinilit kong lumabas ng VIP room pero tatayo pala, nahihilo na ko. Miski kapag nakaupo nga eh. Kinuha ko yung phone ko at bumungad sakin yung wallpaper ko. Me and Gino. Napangiti ako ng makita ko 'yon. Pero at the same time, tumutulo na naman yung luha ko dahil sa sakit. Sakit na mukhang hindi gagaling ng agad-agaran.
Pumunta ko sa contacts ko para tawagan si Athea. At kung minamalas ka nga naman, actually, ako. Namatay pa yung phone ko. So pano 'to? Uuwi ako ng mag-isa? I can't drive. Naduduling na nga ako eh. Kung may pinagsisisihan man ako ngayon, yun ay ang pag-inom ko ng sobra-sobra kahit hindi na kaya ng katawan ko.
Sinubukan kong maglakad, pader ang alalay ko para hindi ako matumba. Nanghihina yung tuhod ko at wala na kong maramdaman. Manhid. Sana ganyan na lang yung puso ko nang hindi nasasaktan.
Nang makalabas ako ng VIP room, narinig ko na yung sobrang ingay na tugtog. Madami pa ding tao kahit mag-uumaga na. It's already 3:45am. Naglakad ako ng dahan-dahan pero may nakabangga sakin na babae. Nakared black na dress at white na stiletto heels. Tumingin lang siya tapos ngumiti. Mabuti na lang at may sumalo sakin nung matutumba na ko.
"You okay?" tanong niya. Tinitigan ko siya ng mabuti at nung ngumiti siya. "G-Gino.. "
Clarisse del Vega. My former bestfriend. Why? Trinaydor niya kasi ako. Sobrang daming beses na trinaydor niya ko. Actually, tatlo kami nila Athea na magbebestfriends. Exam namin that day, and she cheated, at ako ang tinuturo niya na gumawa ng kodigo na 'yon. So ang nangyari sakin, nasuspend kaming dalawa. One week lang siyang nasuspinde at ako? Two weeks! At ang naiinis pa ko nun, nang dahil sa kanya, napagalitan ako ng parents ko. Nawalan sila ng tiwala sakin. Mabuti na lamang at bumalik din 'yon ng sabihin ni Athea sa kanila na hindi naman talaga ako yung may gawa nun. And hello? Ang tanga ng POD naming dahil hindi man lang niya tiningnan kung sulat ko ba talaga 'yon. Mabuti na nga lang at napalitan yung bwiset na POD na 'yon.
Siniraan niya din ako sa mga kaklase namin dati. Ipinagkalat niya na nakikipaghalikan daw ako sa senior namin. My God. First year palang ako nun at hindi ko pa naiisip nun na makipaghalikan sa malayo ang agwat sakin.
Pinahiya din niya. Sobrang daming beses na pinahiya niya ko. Hindi ko lang siya nun nilalabanan dahil baka marealize niya na mali pala yung mga ginagawa niya. Pero no! Mas lalo lang siyang lumala habang patagal ng patagal. Gusto ko nan gang tumawag sa mental para ikulong siya dun eh.
And I'm happy naman din kasi nasa tabi ko pa din si Athea. Although, hindi niya kayang lumaban-laban nun. Pero ngayon? Nako. Matatawag mo na talaga siyang bestfriend ko. Hindi na siya yung dating inaanpi-api. And to thanks to kagagahan of mine.
Nung malaman ng bago naming POD yung mga pinaggagagawa ni Clarisse, inexpelled siya sa school. So wala nang Clarisse na aali-aligid samin nun. Lumipat siya nang ibang school.
And now that she's back, mukhang makakaharap na niya yung ibang Christella. Sobrang bait ko sa kanya nun. Tapos ganun yung mga ginawa niya sakin.
Nang magising ako, laking gulat ko nung may lalaking nakatopless sa harapan ko. Actually, nakatalikod siya at nagpupunas ng buhok gamit yung tuwalya niyang maliit. Nataranta naman ako bigla kaya tiningnan ko kaagad kung nakadamit pa ko.
Nakahinga naman ako ng maluwag ng makita kong 'yon pa din yung suot kong damit kagabi. Tumingin siya sakin. "Good morning. Gising ka na pala." Bati niya sakin at saka ako nginitian. "G-Good morning din.. bakit ako nandito? Is this your house?" tanong ko. Tumango naman siya.
"Dinala kita dito dahil nakatulog ka nung nasalo kita sa pagkakabangga mo dun sa babae kagabi. I don't know your place kaya dito muna kita dinala. Don't worry, walang akong ginawa sayo. At doon ako natulog sa couch." Napangiti naman ako dahil mabait pala siya. Sa pagkakaalam ko kasi, mga playboy yung mga lalaki na may-ari ng mga bar.
"Kung tapos ka nang kiligin diyan, ayusin mo na yung sarili mo para makakain na tayo sa baba." Maloko niyang sabi. Napairap naman ako ng maaga. Okay! Binabawi ko na yung pagsabi ko na hindi siya playboy. But, wait. Akala ko yung sumalo sakin si – ughhh! Nevermind.
-----
Update : Friday :)
