It's Saturday night at pumunta ko sa Demetrius. I just want to get drunk. But seriously, hindi naman ako magpapakalasing. Just to keep myself calm. Even though iiyak-iyak naman ako kapag nalasing ako, Nasanay na din akong umiinom-inom ulit dito simula nung – ayun nga.
Mag-isa lang naman ako lagi dito. As usual, sa VIP room ako nakastay. Siguro, nandito ko ng MWF? Isama na din yung Saturday.
Bigla naman tumunog yung phone ko kaya dinampot ko 'yon sa may table. Athea calling...
"What?" tanong ko sa kanya. [Hindi na ba marunong mag-hello man lang ang isang Christella Mae Maralla?] napairap ako sa naging sagot niya. "Bakit ka ba tumawag?"
[Where are you na naman ba?]
"Sa tingin mo saan pa ba ko pupunta?"
[Don't tell me, umiinom ka na naman?]
"Okay, I won't tell you na umiinom ako ngayon." Kahit kausap ko lang 'to si Athea sa phone, alam kong inirapan na ko nito.
[I just want to tell you lang kasi, na hinahanap ka ni Tita Lea. Alam mo bang nag-aalala na sila sayo?]
"I know."
[Alam mo pala eh. Umuwi ka na sa inyo.]
"Tell them na hindi ako uuwi ngayon."
[WHAT?]
"Bingi ka?"
[Ugh. No.]
"Ikaw nang bahalang gumawa ng ipapalusot mo sa kanila. Basta hindi ako uuwi ngayon."
[Nahihibang ka na ba, Sis – ] hindi ko na siya pinatapos sa sinasabi niya dahil inend ko na yung tawag. Marami na namang sasabihin 'yon si Athea sakin. Sesermonan na naman ako no'n for sure.
Ininom ko yung alak na nasa harapan ko. Nakailang bottle na ba ko? Maybe, five? Na iimmune na nga ata 'tong katawan ko sa mga alak kaya hindi pa ko natatamaan eh.
Three weeks na kaming wala ni Gino at puro ganito lang yung ginagawa ko. Naging miserable? No. Naging hobby ko lang talaga. Simula din nung nakipagbreak siya, hindi ko na siya nakita pa. Miski sila Scarlet hindi ko na nakikita o nakakausap. I missed Misty na din.
Napabuntong-hininga ako sa mga naiisip ko. Bigla namang bumukas yung pinto. "Why are you here? Again." Tanong ko kay Zach. "Bawal na ba ko dito?" tanong niya sakin at saka umupo sa tabi ko at inakbayan ako. "Ang pagkakaalam ko kasi ako yung may-ari nito." Ayan na naman siya sa pagiging mahangin niya. "Eh di ikaw na may-ari nitong bar." Sabay inom ko.
"Alam mo, magkakasakit ka na niyan sa ginagawa mong pag-inom araw-araw."
"I don't care." Sagot ko sa kanya. Napangisi naman siya "What?" tanong ko sa kanya ng makita kong nakatitig lang siya sakin. "You're beautiful. Kaya lang masyado kang masungit."
"You don't care. Buhay ko 'to." Sabay tanggal ko ng braso niya sa balikat ko pero binalik niya lang rin. "Akalain mo 'yon, two weeks na tayong magkaibigan pero napapagtyagaan ko pa yung ugali mo." Tiningnan ko siya ng masama. "You know what? Pwedeng-pwede ka ng umalis dito sa tabi ko. Wala ka bang ibang gagawin?" umiling naman siya tapos niyakap ako. What the heck? "Lumayo-layo ka nga sakin, Zach."
"Why? Magkaibigan naman tayo ah?"
"Excuse me? Hin – "
"Dadaan ka?" agad ko namang hinampas yung tagiliran niya kaya natawa siya. Abnormal. Hinampas na nga, natuwa pa. "Wag kang pilosopo. And anyway, let me remind you na hindi ako nagpapayakap sa mga kaibigan kong lalaki." Narinig ko naman yung pag ngisi niya. "Kung talagang hindi ka nagpapayakap, bakit hindi mo pa din ako nilalayo sayo?" agad ko naman siyang naitulak kaya tumawa na naman siya. "Crazy."
"Yes, I'm crazy. Because of you."