Dedicated to my dearest bestfriend, EmJoyPii. The first voter and first na nagcomment :3 Hahahaha. Loveyou, vue. Gomawoooo :D Pinaganda mo yung gising ko at dahil sayo kaya nakapag-update ulit ako dito. Nyenye :)
Anyway, continuation to guys nung flashback sa Chapter 1. Enjoy :)
-----
Sa dinami-dami ng babae sa mundo, bakit siya pa?
Lumapit ako sa kanila at saka ko tinawag si Gino. Nanlaki naman yung mga mata niya ng makita niya ko. "What are you doing here?" tanong niya sakin habang nakakunot yung noo niya. "Why? Bawal na ba kong pumunta sa bahay ng BOYFRIEND ko?" napaiwas naman siya ng tingin sakin at saka ako tumingin sa babaeng kasama niya. "Oh, hi. I'm Clarisse." Pakilala niya sabay lahad ng kamay niya sakin. Tinitigan ko lang 'yon at saka sumagot. "I know. At hinding-hindi ko makakalimutan ang pangalan na yan." Tumingin ulit ako kay Gino. "Bakit mo kasama yung babaeng 'to?"
Inalis niya yung nakaakbay niya kamay kay Clarisse. Yes, NAKAAKBAY SIYA. Nakakatawa diba? "Umuwi ka muna, Clarisse." Utos niya dito at sinunod naman niya ito. Nagpaalam siya kila Scarlet at Misty. Wow! Mukhang close niya pa si Misty dahil kumiss pa 'to dito. Si Scarlet naman, hindi maipinta yung mukha.
"So what's the meaning of that?" tanong ko kay Gino ng makaalis si Clarisse. "She's just my friend."
"Friend? Tapos nakaakbay ka sa kanya?" iritado kong sagot. "Bakit? Ikaw lang ba ang pwede kong akbayan?" Sh*t. Nakaramdam naman ako ng pagkirot ng puso ko. Narinig ko naman na inaya ni Scarlet si Misty na pumasok sa kwarto nila.
To be honest, gusto ko ng sampalin si Gino pero hindi ko magawa dahil pinipilit ko pa ding magtimpi sa sitwasyon na 'to.
"You know what, Gino? Okay lang na umakbay ka sa ibang babae. Pero yung akbay mong 'yon kanina, iba eh. Anong tingin mo sakin? Manhid?"
"Umalis ka na. Mas magiging malala lang 'tong sitwasyon na 'to sa ginagawa mo." Akamang aalis na sana siya pero natigilan siya ng magsalita ako. "Mas maging malala? FYI, Gino! Sino satin ang hindi nagpaparamdam at ini-snob lahat ng messages ko? Diba ikaw 'yon?"
"Sino satin yung halos wala ng pakialam sa isa't isa? Diba ikaw? Gusto kitang intindihin! Hangga't kaya ko, iniintindi kita! Pero ano? Pumupunta ka sa bar tapos iinom ka at magpapakalasing tapos ano? Mag-uuwi ka ng babae mo dito sa bahay niyo? Ipapaalala ko lang ha? May GIRLFRIEND ka!" bulyaw ko sa kanya at saka umalis ng bahay nila. Anong kagaguhan ba yung ginagawa niya at nakuha niyang uminom at mambabae? Ano? Sawa na siya sakin? Tangina.
"Miss?" tawag sakin ng isang lalaki. Bakit siya pumasok dito? Hindi ba niya alam na VIP room 'to? "Get out." Tanging saad ko. Ngumiti naman siya at saka umupo sa tabi ko. Agad namang tumaas ang kilay ko dahil sa ginawa niya. "I said, GET OUT." Inemphasize ko pa yung 'get out' ng dama niya naman. Pero wala eh, gago 'tong katabi ko ngayon.
"Bakit mag-isa ka lang?" he asked. "You don't care. Okay? It's better kung aalis ka na lang sa tabi ko at iiwanan ako." Sagot ko at saka uminom ulit. "I want to be alone."
"Okay, if that's what you want. Anyway, I'm Zach Rodriguez, the owner of this bar." Pakilala niya at inilahad yung kamay niya. Tinitigan ko lang 'yon saglit pero kinamayan ko din naman siya. "I'm Ella. Ella Maralla." Pakilala ko din. I'm not that masungit naman sa lahat ng tao. He looks good. Gwapo, matipuno at mabait. I don't know? Parang magaan yung loob ko sa kanya. Ngumiti naman siya at saka nagpaalam na babalik na siya sa office niya dito sa Demetrius - the name of this bar. Nang makaalis siya, uminom ulit ako at muli na namang naalala yung mga nangyari noon.
"I guess, mahihirapan akong magmove-on nito." Natawa naman ako sa sinabi ko at muling uminom. Pero what's with that guy ba? I mean, Zach Rodriguez. Parang nakita ko na siya somewhere?