Chapter 27

506 13 0
                                    

Lumabas ako at tuminging muli sa bahay namin ni Zach. Masaya ko at naging parte siya ng buhay ko. But I want him to be happy kahit magkaibigan na lang kami.


Napatingin naman ako sa phone ko ng magring ito.


Si Gino..


"Hello." sabi ko sa kabilang linya. "Where are you?" tanong niya sakin. "Nasa harap ako ng bahay ni Zach."


"Bakit ka nandyan?" ngumiti ako kahit na di niya nakikita. "Are you jealous?" natawa naman siya dahil sa tanong ko. "Pwede ba kong magselos? Kung pwede, magseselos talaga ko."


"Oh come on, Gino."


"What?" maang-maangan niyang sagot. "Para kang sira." natatawa kong sagot. "Sira na ba tawag dun?"


"Maybe? Teka. Ang corny na ng usapan ah." narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya. "Anyway, I'll pick you up-"


"No. Let's just meet sa coffee shop. I want to drink iced coffee. And ayoko magtagal dito. Knowing you na nasa bahay ka pa ninyo."


"Okay. Then, see you at the coffee shop."


-----


"Hey, you okay?" tanong sakin ni Gino. Mukhang napatulala na naman ako. "Yes." tipid kong sagot. "Namimiss ko lang talaga si Achella." dagdag ko at uminom ng iced coffee.


"Hi, babe!" napakunot ang noo ko sa babaeng lumapit kay Gino. Hindi ito bar pero kung makasuot siya ng damit akala mo magpapabugaw. "Teka, sino ka?" tanong ni Gino sa babae. Natawa naman ako dahil sa itsura ng babae. "Ano ka ba babe, we had s*x last night diba?" sumandal ako at nagcross arms.


Gino, what will you do?


"Teka, miss. Never pa kong nakipags*x, virgin pa ko. At kung maghahanap ka ng magugulo o lalaking papatol sayo, pumunta ka na lang sa bar." Tumingin naman sakin si Gino. "Tara na, Ella." sabi nito at akmang tatayo na ko ng bubusan ako ng babae ng kape ni Gino. Napaawang ang bibig ko dahil sa pagkagulat.


Gusto ata niya ng away..


"Ella, are you okay?" tanong ni Gino. "Okay ako. Pakihawakan muna 'tong bag ko at may tuturuan lang ako ng leksyon." Ginawa naman ni Gino ang inutos ko at nakataas pa din yung kilay ng babae habang may nginunguya na bubblegum.


Naglakad ako papalapit sa babae at tinitigan siya ng mabuti hanggang sa nakarating ako sa likuran niya. "Mukhang gusto mo ng away, tama ba?" bulong ko sa kanya. Ngumisi naman siya at paharap palang siya sakin ng itapon ko sa mukha niya yung iced coffee ko. "Oops? Sorry, akala ko kasi basurahan eh." sabi ko sa kanya ng nakangiti pa.


"Pero okay lang yan, mainit naman ngayon ang panahon eh. Tama yan para malamig-lamigan ka naman." dagdag ko pa at aalis na sana ng mapansin ko na sasampalin niya ko kaya agad akong humarap sa kanya at hinawaka yung kamay niya at ibinalik ko sa kanya ang dapat na gagawin niyang pagsampal sakin.


"Ay, may lamok, sorry ulit." sabi ko. Halata ang pagkainis niya dahil sa sinabi ko. "Sa susunod, kung maghahanap ka ng away, wag sa taong di mo makakayang talunin. Papunta ka palang, pabalik na ko." Binitawan ko ang kamay niya at tinawag yung waiter para bigyan ako ng tissue. "Pakibigyan na din si ate, mukhang kawawa eh." Bilin ko sa waiter. Nginisian ko yung babae atsaka kami umalis ni Gino.


"Bakit mo pa ginawa yon?" tanong sakin ni Gino. "Panong hindi ko papatulan, siya yung nauna." natawa naman siya. "Mukhang bumabalik na naman si Ella'ng Maldita." pang-aasar sakin ni Gino kaya tiningnan ko siya ng masama. "Tigil-tigilan mo ko Gino ah." banta ko.


Ngumit siya sakin at nagsalute. "Yes, ma'am!"

Heartless RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon