ELLA's POV
"Bakit ang aga niyo naman pong umuwi?" tanong ko kay Mommy. "Nako, yung mga halaman ko kasi don, ayoko namang iwanan yon ng matagal." sagot niya. "Hay nako, tuwang-tuwa na talaga kayo sa mga bulaklak. Magpatayo na kaya kayo ng flower shop?" biro kong sabi kay Mommy pero mukhang nag-isip pa siya at nagthumbs up sakin. Nako, mommy talaga.
"Tapos na po ba kayo? Hatid ko na po kayo." sabi ni Zach. Tumango naman si Mommy at kinuha na ni Zach yung maleta. "Ingat ka don mommy ah?" tumango naman si mommy at kiniss ako sa pisngi pati na din si Achella atsaka sila umalis ni Zach.
"Paano ba yan, baby? Tayong dalawa lang dito, magbehave okay?" Humagikhik naman si Achella. Ang cute niya talaga kahit kailan.
Mayamaya ay nakarinig ako ng pagkatok sa pinto. "May nakalimutan kaya sila mommy?" tanong ko sa sarili ko at pumunta sa may pinto para pagbuksan 'yon. "Oh? Bakit ka nandito?" tanong ko kay Gino. "Andyan ba si tita?" tanong niya sakin. Umiling naman ako, "Kakaalis lang nila ni Zach eh." tumango-tango naman siya at ngumiti. "Sige, thank you." paalam niya atsaka tumalikod paalis. Isasarado ko na sana yung pinto ng bigla kong marinig yung boses ni Athea.
"Gino? Bat ka nandyan sa harap ng room nila Ella?" tanong niya with matching turo sakin. "Hi, Sis!" tawag niya sakin habang ngiting-ngiti. "Sakto at pupunta ako kay Ella, halika samahan mo ko." aya niya kay Gino at hinila papasok dito samin. Pinaupo niya naman ito sa sofa.
"Bakit ka pala nandito, Sis?" tanong ko kay Athea. "Ay oo nga pala, gusto kasi kita ayain sa beach. Nandoon si Clyde ngayon kaya magbihis ka na daliiiii~!" utos niya sakin at agad akong pinapasok sa room. "Ako nang bahala dito kay Achella! Take your time!" sigaw niya. Napabuntong hininga naman ako. Ano kayang isusuot ko?
Kinuha ko yung bikini ko sa cabinet at ipinatong yung loose shirt ko at lumabas na. "Tara na." aya ko sa kanila at kinuha si Achella kay Athea.
Nang makadating kami sa beach, nakita ko agad si Clyde. Nilapitan siya ni Athea at hinalikan sa pisngi. "Akala mo talaga matagal na hindi nagkita." natatawa kong sabi at napansin ko naman na ngumisi si Gino. Tumingin siya sakin tapos kay Achella, "Pwede ko bang buhatin si Achella?" tanong niya sakin. Tumango naman ako at ipinabuhat sa kanya si baby.
"Hi, baby. Ang cutie moooo~!" natawa naman ako nang marinig ko yung panggigigil niya kay Achella. Tumingin ulit ako sa kanya at nakita kong siya nakanguso. Seriously? Mannerism niya talaga yung ngumunguso. "Wag ka masyadong tumitig sakin baka mainlove ka ulit." nanlaki naman ang mga mata ko ng marinig ko 'yon. "Ang kapal mo!" di ko makapaniwalang sabi sa kanya kaya hinampas ko siya sa braso. "Brutal ka pa din talaga hanggang ngayon." inirapan ko naman siya.
"Oy, wag kayo masyadong sweet dyan! Lalanggamin yung mga dadaan diyan nako!" natatawang sigaw ni Athea samin. "Shut up, sis." sabi ko kay Athea nang makalapit ako sa kanila. "Alam mo ba, sayang talaga kayo ni Gino." hindi naman ako kumibo sa sinabi ni Athea. "Why don't you try it again?" dagdag pa niya kaya napangisi ako. "Alam mo sis, may mga bagay na hindi pwede kahit gustuhin pa natin."
Nakita ko naman na nanlaki yung mga mata niya. "So you mean, gusto mo pa si Gino pero nandyan si Zach na boyfriend mo ngayon kaya bawal?" natawa naman ako. "Baliw. Hindi naman na kasi talaga pwede. Kahit na gustuhin mong maging kami ulit. That's what I mean." napatango-tango naman siya at tumingin kay Gino.
"Sis, may tanong ako. Ito yung matagal ko nang gusto tanungin sayo eh. Kaso lagi ka namang walang time na." Nakanguso niyang sabi kaya natawa ko. "Ano ba yung gusto mong tanungin?"
"Sa inyo ba talaga ni Zach si Achella?" napatigil ako nang marinig ko yung tanong niya. "I think I know the answer." sagot niya. Bumuntong hininga naman ako at tumingin kay Achella. "Actually, may nag-iwan lang talaga kay Achella sa harap nang resthouse non. Di pa nga kami makapaniwala nun ni Zach pero masaya kami na dumating samin si Achella at doon ko nagustuhan si Zach. Ang hilig niyang laruin si Achella at lagi akong napapangiti tuwing nakikita ko sila."
"Parang si Gino pala siya, mahilig makipaglaro sa bata." Napabuntong hininga naman ako. "Do you remember Misty?" tanong niya kaya napangiti naman ako. "Oo naman. How will I forget her? Tapos si Scarlet na maldita sakin." natatawa-tawa kong sagot. "You miss them, right?" tumango naman ako sa tanong ni Athea. "Pero hindi na ganun kadali na makita sila dahil nagbago na yung lahat."
Tumawa naman siya, "Why don't you join them?" sabay turo niya kila Gino at Achella. Ngumiti ako atsaka pumunta don. Si Athea naman ay sumunod din at nakipagkulitan kay Clyde.
"Mukhang nag-usap kayo nang masinsinan ni Athea ah." tanong sakin ni Gino at tumango ako. "Matagal-tagal na din kasi kaming di nakapag-usap nang ganun."
"Tayo din." sabi ni Gino na ikinatawa ko. "Sira."
***
Hiii~ May bago po akong story. Pasupport guys! Char😂 "Not so bad fate" ang title niya. Pero wala siyang connect sa story na 'to hehez. Enjoy reading!
