A/N: Yes namaaaaan! Napanindigan ko ang sunod-sunod na araw na UD! Enjoy reading, guys!
***
ELLA's POV
"Yes naman! I-deretso na sa simbahan yung kasweetan na 'yan!" Agad akong napalingon sa lalaking nagsalit habang pumapalakpak. "K-Kuya?! Why are you here?" tanong ko ng hindi pa din makapaniwala.
"Bawal ba kong magbakasyon dito?" tanong niya sakin. "Pwede naman. I'm just asking." Nakabusangot kong sagot kaya pinisil ni kuya yung pisngi ko.
"Gino, may pupuntahan pa ko." sabi ko sa kanya dahil nakayakap pa din sakin. Umagang-umaga ay nandito agad siya na kwarto ko pero ayaw niya kongpabangunin dahil gusto niya kong makayakap ng sobrang tagal.
"Alam mo, tsansing ka na talaga!" reklamo ko sa kanya. "Hayaan mo na ko sa ganito, baby.." I rolled my eyes dahil sa pagiging childish niya. "Ipapaalala ko lang muna sayo ah, nililigawan mo palang ako kaya hindi pa pwede 'yang pagiging sobrang clingy mo."
Lumabas ako ng bahay at nagprisinta siya na ipagdadrive niya daw ako papunta sa flower shop.
"Umuwi ka na." sabi ko sa kanya pero ngumuso siya at nakuha pang magpuppy eyes. "Ang abnormal mo ngayon, Gino!" sabi ko nang natatawa-tawa pa. "Alam mo, umuwi ka na talaga at uminom ka ng gamot mo." dagdag ko pa.
"Di ko kailangan uminom ng gamot, dahil sayo pa lang, magaling na ko." nakangisi niyang sabi. "Ang corny mo!" sigaw ko at pabirong sinampal yung mukha niya. "Last na talaga." sabi niya kaya biglang napakunot yung noo ko. "A-Anong last-- Gino!" Nanlaki ang mata ko dahil sa paghalik niya sa pisngi ko. "Bye, baby!" Napangiti naman ako habang umiiling-iling pa.
Pumasok ako sa flower shop at natigilan ako ng may makita akong pamilyar na mukha. "Oh? Hi, Ella." sabi niya habang malapad ang ngiti. Napairap naman ako. PLASTIC.
"I'm here for an interview." Interview? "For what?" nagtataka kong tanong. "About you and Mr. Marquez." nakangiti niyang sabi. "And also about Gino? You're officially engage pero nakikipaglandian ka pa sa ibang lalaki."
Awtomatiko namang tumaas ang isa kong kilay at agad din na ngumiti. "You don't know anything."
"Stupid. That's why I'm here." Stupid huh? Pabulong pero rinig na rinig ko. "I'm a reporter from BSN. Shall we start?" tanong niya.
"Who told you na pumayag ako? Hanna'ng Chismosa." Yes. It's Hanna Cruz, if you all remembered her. "I'm not chismosa!"
"Nung nasa high school tayo laging ako ang topic niyo. Until now? Hindi ka na nagbago." nakangisi kong sabi. "How dare you!" inis na inis siyang nakatingin sakin habang nakakuyom ang kamao niya.
"You know what? Hindi sayo bagay ang maging isang reporter. Hindi mo magawang rumespeto sa iinterviewhin mo. I think... mas bagay sayo ang chismosa. 'Cause once a chismosa, always a chismosa." pagkakasabi kong 'yon sa kanya ay tinabig ko siya. "Oops? Sorry, not sorry. Paharang-harang ka kasi diyan sa daan eh." maglalakad na sana ulit ako pero humarap ulit ako sa kanya dahil may kailangan pa kong sabihin sa kanya.
"By the way, be a professional reporter kung haharap ka sakin." Yun lang ang sinabi ko at pumunta na sa office ko. "Good morning, Ma'am." bati sakin ni Kyla kaya ginantihan ko naman siya ng ngiti.
Nilapag ko ang gamit ko at umupo sa swivel chair ko. "Ma'am.." sabi ni Kyla habang nakasilip sa pintuan ng office ko. "Pasok ka." aya ko sa kanya. Si Kyla ay yung part-timer ko na nanghiram ng pera sakin para sa kapatid niya. "Ito na po pala yung 2k na hiniram ko sa inyo." nakangiti niyang sabi habang iniaabot sa akin yung pera.
"No need, Kyla. Itabi mo na lang yan para sa inyo ng kapatid mo. You did your promise na babayaran mo ko and I want to help you. You have choices, you will accept my help or I will fire you."
"P-Pero Ma'am..." ngumiti ako sa kanya. "Go and do your work." gumanti naman siya ng ngiti at ilang beses na nagpasalamat bago lumabas ng office ko. Mabait na bata si Kyla kaya gusto ko siyang tulungan. Silang dalawa na lang ng kapatid niya at siya ang nag-aalaga doon. Ayoko naman na masyado siyang mahirapan kaya gugustuhin ko na lang na tulungan siya.
Malaki ang tiwala ko kay Kyla na magiging mabuti siyang tao kahit na lumipas pa ang ilang taon. Simula nang mawala si Achella ay nagiging magaan ang loob ko sa mga bata. I just really missed my baby..
Muling tumulo ang luha ko kasabay ng pagbukas ulit ng pinto kaya agad kong pinunasan ang luha ko. "What brings you here?" tanong ko. "Bawal bang makita ang fiancé ko?" Natawa naman ako sa sinabing 'yon ni Lance. "Stop saying na fiancé mo ko kung tayong dalawa lang naman ang nandidito."
"I got a news from my secretary. May nagpunta daw na reporter dito from BSN?"
"You're stalking me, don't you?" ngumiti naman siya at tumango-tango. "I want to know all about you lalo na nung sinabi nung lalaki na 'yon na asawa mo daw siya kahit nung chineck ko sa civil status mo na single ka pa din." Natawa ako dahil sa sinabi niya. "He's my friend."
"Yeah.. Your ex-boyfriend."
***
Read. Vote. Comment.
