Chapter 1

2.1K 42 2
                                    

CHAPTER 1


Ella's POV


"Can you stop this, Ella?" tanong sakin ni Athea. "No. Hayaan mo muna ko. Kahit ngayon lang." sagot ko sa kanya at uminom ulit. Napabuntong hininga na lang siya dahil sa naging sagot ko. "Hindi naman solusyon 'yang pag-inom para malimutan mo si Gino - " agad kong ibinato yung hawak kong shot glass. Nasa isang bar kami. VIP. Tumingin ako kay Athea, "Kung pipigilan mo lang din ako, mas mabuti pang iwanan mo na ko dito." Sagot ko at muling uminom.


"Okay, Hahayaan kita ngayon. Text me if uuwi ka na. I care for you pa din kahit na sinisigaw-sigawan mo ko ngayon." Kinuha na niya ang bag niya at saka umalis.


Bakit ko ba hinahayaang mangyari 'to sakin? Hindi naman ako ganito dati.


Uminom ako ulit at naramdaman ko na lang na umiinit yung mga mata ko. Tumingin ako sa taas para sana mapigilan ko yung pagtulo. Pero mahirap pala, tutulo at tutulo siya kahit pigilan ko pa. Masakit eh, masakit.


Alam ko naman talagang nagsasawa na siya sakin eh. Isang araw naramdaman ko na lang na ang cold na nang pakikitungo niya sakin.


"Gino?" tawag ko sa kanya pero hindi niya ko pinapansin. "Gino." Tawag ko ulit pero parang wala siyang naririnig kaya kinalabit ko siya pero hindi ko inaansahan yung magiging reaksyon niya. "ANO BA?!" sigaw niya sakin. Sobrang nagulat ako ng sabihin niya 'yon. "A-Ano bang n-nangyayari sayo?" nauutal kong sagot. "I-Im sorry." Yan lang ang sinabi niya at umalis na.


Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang sundan o hindi. Ni hindi ko man lang alam kung may nagawa ba ko para sigawan niya ko ng ganun.


Gusto ko sana siyang habulin, para sana sabihin sa kanya na 34th monthsary namin ngayon. Pero mukhang wag na. Walang-wala siya sa sarili niya.


Kinuha ko yung phone ko at tinext ko siya.


To : Gino

Kung may problema ka, sabihin mo naman sakin. Pero kung hindi ka handang sabihin sakin 'yon ngayon. Handa naman akong maghintay. By the way, Happy 34th monthsary. I love you..


Napabuntong hininga na lang ako nang maisend ko yun sa kanya. Mayamaya naman ay tumunog agad yung phone ko. Tiningnan ko yun at binasa yung text niya. Kung may mararamdaman man ako ngayon.. Siguro.. Disappointment.


From : Gino

I don't have any problem. I just not in the mood. I'm sorry. Happy 34th monthsary.


That's it! Saktong monthsary namin siya naging cold sakin. Hindi ko alam nun kung anong dahilan pero nagtuloy-tuloy na 'yon.


-----


"Ano na naman bang kailangan mo, Ella?!" napaatras ako dahil sa pagkagulat. Hahawakan ko sana siya pero umalis na lang siya ng walang paalam-alam sakin. "Ano bang problema niya? TInawag ko lang siya tapos 'yon na agad yung sinagot niya sakin?" sabi ko na lang sa sarili ko. Kinuha ko naman yung phone ko at tinawagan si Scarlet.


["Yes?"] sagot niya.


"May problema ba si Gino?"


[I don't know? Why? May problema ba kayo?]


"Ahh, wala. Sige, bye.." and I ended the call.


-----


After 1 month, ganun pa din siya. Kung cold lang siya sakin nun at nagsusungit. Ngayon hindi na niya ko pinapansin. Miski paramdam wala!! So I decided na pumunta sa bahay nila Gino. I want to talk to him. Ayokong magiging ganun na lang siya tapos hindi man lang niya sinasabi sakin kung may problema ba.


"Oh, ate Ella? Bakit ka nandito?"


"Where's Gino?" nakita ko namang kumunot yung noo ni Scarlet. "He's not here."


"Wala? Asan siya?"


"I don't know."


"Lagi na lang bang hindi mo alam?" umiinit na yung ulo ko. Swear. Naiinis na ko kay Gino.


Huminga ako ng malalim. "Okay, can I go to his room? Hihintayin ko siya do'n." umalis naman si Scarlet sa tapat ng pinto at pinapasok ako.


Hinintay ko siya don hanggang sa makarinig ako ng busina. Napangiti ako at agad na lumabas sa kwarto niya. Pababa na sana ko ng hagdan pero agad akong napatigil. You want to know why?


May kasama lang naman siyang babae. Babaeng ayaw na ayaw ko nang makita pa. What the f*ck, Gino? Sa lahat ng babae, bakit siya pa?


To be Continued. . .


Heartless RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon