Yo! Hindi ko na pinaabot ng Sunday ang UD ko. Masyado 'yong matagal hahaha. Dedicated 'to kay IloveAsianGuy, ito na po yung hinihingi mong update :) Enjoy reading! :)
**
Ella's Point of view
Two years and two months. Akalain niyo 'yon? Nakaya kong tumagal dito ng gano'n katagal. And I think, I really moved on. Thanks to Zach Rodriguez. He made me fall for him. And I love him so much. Mukhang kahit na umuwi na ko sa Manila, hindi na ko maaapektuhan sa kanya kapag nakita ko siya.
Athea calling... What's on earth at bigla siyang tumawag? "Why?"sagot ko.
[Kailan ba talaga kayo uuwi?]
"Why? Dapat bang umuwi na kami agad dyan?"
[Kasi naman Sis, Clyde and I are getting married next week!]
Nanlaki naman agad yung mga mata ko. "Seriously!?"
[Yes! SERIOUSLY! Hindi ko naman din expected na aayain niya na pala kong magpakasal. Actually, kakapropose niya lang sakin last week.]
"Whoa! Last week tapos next week na kayo magpapakasal?"
[Yes. And grabe yung effort niya. Kaya pala siya naging busy is because, pinag-iipunan niya 'tong kasal namin. Ayaw niyang umasa sa yaman ng parents niya.]
"You're too lucky na si Clyde ang mapapangasawa mo."
[SUPER! And by the way, thanks kasi hindi mo siya no'n pinayagan na ligawan ka kung hindi, hindi siya yung mapapangasawa ko.]
Tumawa naman ako. "Past is past. Alam ko naman kasi na dapat sa mabuting tao siya mapunta. He didn't deserve me, anyway." Tumawa din siya sa kabilang linya. "So next week huh? See you, Sis. And congratulations in advance."
[Thank you, sis. You're my bridesmaid, so don't be a talksh*t.]
"Talksh*t ha? Okay." Tumawa ako at saka inend yung call. "Is that Athea?" tanong sakin ni Zach habang nakayakap galing sa likod ko. "Yes. Ikakasal na sila ni Clyde."
"Talaga?" Tumango-tango naman ako. "So mukhang babalik na nga talaga tayo sa Manila." sabi niya at ipinatong yung baba niya sa balikat ko. "Is he invited?"
"I don't know." Humarap ako sa kanya at saka hinawakang yung mukha niya. "Don't worry, babe. Ikaw na yung mahal ko at hindi siya, okay?" Ngumiti siya sakin at saka ako hinalikan. "I love you, sobra-sobra."
"I love you, too." sagot ko at saka ko siya niyakap. Agad akong napahiwalay sa kanya ng marinig kong umiiyak si Achella. Agad kong kinuha yung gatas niya at ibinigay 'yon sa kanya. "Mukhang nabulabog ko ata yung mahimbing niyang tulog."
"Ikaw kasi babe, masyado kang nagwoworry." Natatawa kong sabi sa kanya. Inilagay niya naman yung kamay niya sa bewang ko at tinitigan si Achella. "Our baby is so cute." Napangiti ako. "Sinabi mo pa. Pero mana siya sakin. Maganda siya eh."
"Oo na, oo na. Sayo na siya nagmana. Okay na po ba?" Nagthumbs up naman ako sa kanya at saka tumawa. Nanlaki naman yung mata ko ng bigla niya kong hinalikan pero sinagot ko din naman 'yon. Nang humiwalay siya, parehas kaming naghabol ng hininga. "Why did you do that?" tanong ko sa kanya.
"You're too noisy kaya pinatahimik lang kita." sinamaan ko naman siya ng tingin. "Pumapara-paraan ka na naman." ngumiti siya at hinalikan ako sa noo.
"I love you, my Ella."
"I love you, too, Zach." tumingin naman ako kay Achella na ngayon ay gising na. "I love you, too, baby Achella."
"Pati sa 'I love you' may kaagaw na ko." nakabusangot na sabi ni Zach. "Yah! Baby kaya natin 'to."
"Knock, knock!" Pinanliitan ko naman ng mata si Zach. "Who's there?"
"Bote."
"Bote, who?"
"Alam mo, ang ganda niyong dalawa. Kaya I love you bot-e." Tumahimik naman ako at binuhat si Achella. "Ang korni mo babe!" sigaw ko. "Ahh. Korni pala ha?" sabi niya at saka kami hinabol. Hindi ko naman nabilisan yung takbo ko dahil buhat-buhat ko si Achella kaya nahuli din agad kami ni Zach. Yakap niya kami pareho at saka niya kami binigyan ng tig-isang halik.
"Baby, say mama."
"Mam-ma!"
"Say, papa."
"Pap-py!" Natawa naman ako at narinig ko din yung halakhak ni Baby. "Grabe kayong dalawa. Mag-ina nga talaga kayo."
