Chapter 13

1.3K 47 16
                                    

Ella's Point of view


"Kumpleto na ba lahat ng gamit mo?" tanong sakin ni Zach. "Yup."


"Eh yung kay Achella? Wala na bang nakalimutan?" umiling ako. "Kumpleto na lahat, babe."


"So, tara na?" sabi niya at saka kinuha yung mga baggage namin. "Sumakay na kayo sa kotse, ako na yung mag-aayos dito."


"Oh, baby. Narinig mo yung sinabi ni Papy? Tara na daw." Sabi ko kay Achella at dahan-dahan ko siyang pinalakad.


Tahimik lang si Achella habang nasa byahe kami papunta sa airport. Minsan tatawa kapag may nakita siyang magandang bagay.


Nakarating kami sa airport at naghintay nang 30 minutes at saka umalis. Tulog lang si Achella kaya wala namang naging problema. Swerte lang talaga namin kasi napakabait nitong baby namin ni Zach.


Nang makarating kami, sinalubong agad kami nila Mommy. At makikita mo talaga sa mukha nila na sobrang saya nila. "I miss you so much, baby." Sabi ni Mom habang yakap-yakap ako. "Mom, mapipisa si Achella." Agad na napahiwalay si Mom sakin at nanlaki yung mata nung napansin yung dala-dala kong baby. "Kaninong baby yan?" ngumiti ako sa kanya. "Samin po ni Zach."


"What? Nagkababy na kayo? Paano si –"


"Mom, I'll tell you later. Okay?" napabuntong hininga naman siya at saka inaya kami na umuwi sa bahay. Alam ko namang maiintindihan niya ko dahil Mommy ko siya.


-----


"OMG! You're here na!" bungad sakin ni Athea at niyakap ako. "And who's that baby?" ngumiti ako kay Athea. "Her name is Achella. Zach and I's baby." Nanlaki din yung mata niya kagaya nung kay Mom kanina. Halos lahat sila ay nagugulat dahil sa nakikita nila. "You didn't tell me na nabuntis ka na pala? But hindi naman halata sa katawan na nabuntis ka." Natawa naman kami ni Zach dahil sa sinabi niya. "Work out?" sabi ko sa kanya ng natatawa at napatingin kay Zach na ngayon ay umiiling na.


"Ito na yung juice niyo oh." Sabi ni Mom at inilapag sa lamesa. Kumuha ako ng isang baso at uminom. Natigilan ako ng bigla akong makarinig ng nagdoorbell. Pinuntahan 'yon ni Mom at laking gulat ko ng siya yung makita ko.


"G-Gino?" sabi ni Mom at nagmano naman sa kanya si Gino. Ano bang pakulo yung ginagawa niya? Sumaludo siya kay Athea at ganun din naman ang ginawa nitong katabi ko. Ano bang meron?


"Nakabalik na pala kayo?" tanong niya sakin na parang wala lang nangyari. Kusang napataas ang kilay ko dahil doon. "What are you doing here?" tanong ko pero ngumiti siya. "I'm visiting tita Lea." Tumingin ako kay Mom pero nakatingin lang siya kay Gino. Mukhang siya lagi yung nandito nung wala ako. Napangisi ako dahil sa naisip ko. "Let's go, Zach."


"Where?" takang tanong ni Zach. "Home. Pagod na si baby Achella eh."


"Why don't you stay here for a while?" sabi ni Mom pero umiling ako. "You have a visitor, Mom. And I want to arrange my things sa bahay namin ni Zach." Tumingin ako kay Zach. "Let's go, babe." At saka ako naglakad palabas ng bahay. Alam kong nakatingin sakin si Gino at kay Achella. Ano man ang dahilan niya sa pagpunta dito sa bahay, wala na kong pakialam. Sadyang wala pa ko sa mood ngayon na makita siya.


"Iniiwasan mo siya?" tanong ni Zach ng makasakay kami sa kotse. Umiling ako, "I just want to rest." Nakangiti kong sagot. Hinawakan naman niya yung kamay ko. "Trust me, I don't have feelings for him na." hinalikan naman niya yung kamay ko at nag-umpisa nang magdrive.


"You're curious, right?" napatango ako dahil sa tanong niya. "Mukhang siya yung sumasama kay tita Lea nung wala ka."


"I think so. Pero hindi sakin 'yon nakwento ni Athea." Sagot ko habang nakatingin sa bintana. I know na may alam si Athea between Mom and Gino. Imposibleng wala.


Heartless RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon